Fan Mode Thirty Two

7.3K 212 22
                                    

Fan Mode Thirty Two

~**~**~**~**~**~**~

Hinihingal ako noong nakarating ako sa CR ng girls. Kung normal namang tumakbo pagkatapos mong sabihin sa taong gusto mo siya na gusto mo siya, normal pa naman pala ako. Pero kung hindi normal ‘yun, baka maisipan ko nang magpa-admit sa sanatorium.

Pero anong magagawa ko? Inatake ako ng topak kong once in a purple moon lang kung lumabas. Inatake ako ng hiya. My gosh. Kaya naman kumaripas ako ng takbo pagkatapos kong sabihin kay Zero na gusto ko siya. At kung nasaan ako ngayon? Nasa CR ng girls, nagtatago. Grabe. So pathetic. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ngayon pa talaga ako inatake ng purple kong topak.

Lumabas ako mula sa CR ng girls at tumingin sa paligid. Walang tao. Mabuti. At mukhang nagulat din ‘yun kaya hindi niya ako sinundan. Kung anu-anong kababalaghan na ang pumapasok sa aking sexy mind. I mean, I just confessed! Unintentionally! I mean, hindi naman biglaan ‘yun kasi nagawa ko pa ngang ngumiti sa kanya noong sinabi ko ‘yun eh. At hindi ‘yun biglaan talaga. Parang… basta. Parang itinugma kasi sa eksena at pagkakataon. Parang ganito…

Kung nagsusulat ka ng isang kuwento, naifi-fit mo sa isang scene ang isa pang scene, ‘di ba? Parang ganoon ‘yung sa amin ni Zero. Parang na-fit ko sa scene na ‘yun ang sabihin sa kanyang gusto ko siya. Ayun nga lang, biglang umatras ang buntot kong purple. OK, hindi umatras. Tumakbo.

Leche. Anong katangahan ito!? I mean, bakit ba kasi ako tumakbo? Siguro bigla akong natauhan o napaisip o kung ano pa man. What would be his reaction, ‘di ba? Siguro na-paranoid lang akong makita ‘yun. Ewan. Basta ‘yun ang tumugma sa eksenang ‘yun.

Muli akong tumingin sa paligid. Wala. Tama. Walang tao. Kaya nagulat ako noong may lumabas mula sa CR ng boys at kinaladkad ako papasok sa CR ng girls.

“Zero?” gulat na gulat kong tanong.

“What was that, Cassiopeia?” malamig niyang tanong. “What exactly did you say and why did you run away?”

Napalunok ako. Nakarinig ako ng mga footsteps kaya dali-daling isinara ni Zero ang pintuan ng CR ng girls.

“Ay, bakit naka-lock ‘to?”

“Oo nga, ano? Kanina eh hindi naman.”

“Baka may inaayos sa loob?”

“O baka may nagmimilagro?”

“Abangan natin!”

“Shit,” mahinang sambit ni Zero.

“Ba’t mo kasi isinara at ni-lock?” mahinang tanong ko.

“Kaysa mahuli tayong dalawa na nasa loob,” sagot niya.

“Eh ba’t kasi pumasok ka pa rito?”

“Para wala kang kawala. Baka sabihin mo na naman kasing naiihi ka.”

Leche. Paano niya nalamang iyon nga ang idadahilan ko!? Syet, gasgas na pala ‘yung palusot na ‘yun. Magbe-brainstorm ako ng iba.

Nakatitig siya nang malamig sa akin. Kung hindi ko lang talaga siya kilala, iisipin kong may galit siya sa akin dahil sa sobrang lamig ng titig niya. Pero kilala ko siya eh. Malamig talaga siyang tumingin. At sa pagkakataong ito, iba ang kasama ng lamig sa titig niyang ito. May kuryosidad. Tila ba’y may gusto siyang malaman.

Pero anong gagawin ko? Hindi ako perpekto at ngayon pa talaga ako inaatake ng sexy kong hiya.

“What is it, Cassiopeia?”

“Anong what is it?”

“Ano ba talaga?”

“Ang alin?”

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon