Fan Mode Twenty Nine

6.9K 227 16
                                    

Fan Mode Twenty Nine

~**~**~**~**~**~**~

“Aray! Sorry!”

“Miss, Miss! Ayos ka lang ba?” Tinulungan akong makatayo ng lalaking nabunggo ko.

“Oo, ayos lang ako. Salamat… Zabe?

“Cassiopeia Cheng?” medyo nagtatakang tanong niya.

“Kilala mo ‘ko?”

Ngumiti siya. “Oo naman.”

“Talaga? Teka, sorry nga pala. Wait, tulungan muna kitang pulutin ang mga… ano ‘to?” Yumuko ako at dinampot ang mga bagay na nahulog mula sa hawak-hawak niyang paper bag noong nabunggo ko siya.

“Tsokolate,” sagot niya.

Oo nga pala. Mahilig nga pala si Zabe sa tsokolate. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga tsokolate mula sa sahig at inilagay iyon sa paper bag.

“Salamat, Cass.”

“Wala ‘yun. Sorry ulit.”

“Ayos lang. Ba’t ka pala tumatakbo? Teka, anong nangyari diyan?” Itinuro niya ang mga tuhod kong merong mga galos at sugat.

“Wala, medyo nagalusan lang.”

“Galos ba ‘yan? Tara sa clinic, gamutin natin ‘yan.”

“Hindi na. Ayos lang ako. Pauwi na rin naman ako eh,” dali-daling sabi ko. At baka maabutan pa ako ni Zero. Hay, naku. Naba-BV na naman ako nito.

“Pero gamutin muna natin ‘yan,” pagpupumilit niya. Bago pa ako nakapagprotesta ulit, hinila niya ako papasok doon sa isang room na napag-alaman kong clinic pala.

“Walang nurse?” tanong ko.

“Meron. Baka umihi lang,” sagot niya habang naghahanap ng igagamot sa mga sugat ko. Noong nakita na niya ang hinahanap niya, nilinis niya ang mga sugat ko at nilagyan ng gamot. Pagkatapos ay kumuha siya ng band-aid mula sa bulsa niya.

“Bakit may dala-dala kang band-aid?” tanong ko.

Napakamot siya ng ulo. “Accident-prone kasi ako eh,” medyo nahihiyang sagot niya.

Tumawa ako nang mahina. “Ay, pareho pala tayo,” natatawang sabi ko.

“Talaga? Accident-prone ka rin?” masiglang tanong niya.

“Parang natuwa ka pa yata?”

Muli siyang napakamot ng ulo. “Eh kasi ikaw pa lang ang nakikilala kong accident-prone eh. Akala ko nga dati eh ako lang ang nag-iisang accident-prone sa mundo.”

“Grabe naman. Marami tayo, for sure.”

“Pero hindi ba parang nakakahiya ‘yun?”

“Hindi naman. Unless mahiyain ka. Makapal kasi ang pagmumukha ko eh kaya immune na ako sa mga kahihiyang dulot ng pagiging accident-prone ko.”

Tumawa siya. “Mabuti ka pa. Minsan nga eh kapag nadudulas ako sa stage, pinagdadasal kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan.”

“Ay, ako rin! I mean, sinasabi ko rin ‘yan—ang lapain na ako ng lupa ora mismo.”

Tumawa kami pareho. At in fairness, gumaan slightly ang pakiramdam ko. Nakakatuwa palang kausap itong si Zabe. Kung anu-ano pa ang napasok sa usapan namin at napag-alaman naming medyo marami kaming pagkakapareho.

Hindi na dumating ang nurse kaya lumabas na kami mula sa clinic.

“Zabe, sige, ha. Mauuna na ako. Salamat ulit,” paalam ko. “Thank you sa band-aid na may alien design.”

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon