Fan Mode Four

10.2K 260 19
                                    

Fan Mode Four

~**~**~**~**~**~**~

Sinong nagsabing susuko ako? Wala sa dictionary ng kayamanan ko ‘yan. Para saan pa’t naging isang Cassiopeia Cheng ako? Sayang naman ang pangalang binigay sa akin ng aking ninunong napaslang dahil sa pakikipagsabwatan sa mga rebelde.

Nagpakulay ako ng buhok para hindi masyadong halata. Black ang peg ng kagandahan ko ngayon. Good-bye, Curly-brown hair. Hello, Straight-black hair.

Nagpalit din ako ng fashion statement. Pinamigay ko sa charity ang lahat ng mga de-kulay kong damit at pinalitan ko ang laman ng closet ko. White. Puro white ang binili kong mga damit. Para pure at Virgin Cassiopeia ang bago kong fashion statement.

“Mukha ka pong manang,” natatawang sabi ni Bubbles noong nakita niya ang mga damit ko.

“Correction, Bakla. Not manang. White Lady, in fact,” natatawang dagdag ng pangit kong kapatid.

“Who are you? You’re not welcome in this pure sanctuary of this mansion,” I said while gesturing at my room.

“Pure sanctuary? Kailan ka pa naging pure? Halatang sinaniban ka nga ng puwersa ng kadilimang kulay green eh,” sabi ni Bubbles.

Inhale. Exhale. I am pure. I will not mind them. I will act as if I don’t know them. Pure mouth. Calm mind. Pure mouth. Calm mind. Pure mouth…

“Aray! Punyeta!” sigaw ko noong binato ako ni Cadmus ng unan sa noo.

Tumawa nang malakas si Bubbles. “Iyan ba ang tinatawag mong pure mouth!? Ang lutong magmura!”

“Get out! Get out of my room!” singhal ko sa kanilang dalawa. Tumawa sila habang tumatakbo papalabas mula sa aking kuwartong mas mahal pa sa buhay nila.

Nakaka-stress!

Wait.

Inhale. Exhale. I am pure. Calm mind. Pure mouth.

Right. Inhale. Exhale. I am pure. Calm mind. Pure mouth.

~**~**~**~**~**~**~

Photoshoot ng Zeus. Malamang alam ko dahil inutusan ko ang yaya kong si Chandra para silipin ‘yung lecheng planner ni Cadmus. At dahil doon gaganapin ang photoshoot nila sa Tungsten Tower na pagmamay-ari ng hipag ng hipag ng tito ko, malamang nakapasok ako sa loob. Ang kapangyarihan nga naman talaga ng pangalang Cassiopeia Cheng.

With my new fashion statement, ready na akong harapin si Zero. Nakalugay ang buhok ko at nakasuot ako ng mahaba at puting damit. Pure virgin ang peg. Dali-dali kong hinanap Room 321 kung saan gaganapin ang photoshoot nina Zero. Wala akong pakialam kung pati guwardiya sibil eh nakabantay, basta pupunta ako at walang makakapigil sa akin. Lalo na’t nabalitaan ng mahaba kong nguso, este radar na magtatanggal daw ng pantaas ang grupo nila para sa photoshoot. Gosh. I need to cover my ears. Ears, siyempre. Alangang eyes? ‘Di hindi ko na nasilayan ang abs ni Zero? No, hindi iyon maaari. Ears nalang para hindi ako mabingi sa sarili kong mga tili.

Pero mukhang na-vaporize ang mga guwardiya sibil. Walang nagbabantay sa labas ng Room 321. Pagsilip ko, naroon ang grupo nina Zero sa loob pero may suot pa sila. Hindi pa huli ang lahat. Mukhang kakaumpisa pa lang ng photoshoot.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Walang nakapansin kasi madilim ang room at puro camera lights lang ang nandoon. Nagtago ako sa likod ng mga naka-hanger na damit kahit na sumasabit sa kung saan ang buhok kong kaka-rebond lang at medyo matigas pa. Ang babango ng mga damit. Na-recognize ko ang isang damit doon na sigurado akong (kahit na magpatiwakal pa si Cadmus) kay Zero iyon. Dali-dali kong kinuha iyon at inamoy. OMG. Kay Zero talaga ‘to. I’m sure. Feeling ko lang. Naaamoy ko siya sa panaginip eh. Agad kong binalik ang damit. Bakit ko naman kukunin ‘yun eh sabi ko nga, naaamoy ko naman si Zero sa panaginip?

“OK, let’s start! Guys, I won’t be directiong poses, OK? Do your own. Be playful,” sabi ng baklang photographer. Bakit ba puro bakla yata ang nakapaligid sa kanila!?

Nagsimula nang mag-pose sina Zerrick, Zed, at Zabe. Si Zero naman ay simpleng tumayo lang at ngumiti. “Stop!” sigaw ng baklang photographer. “Zero! Be creative naman!”

“I’m being creative,” nakakibit-balikat na sabi ni Zero.

Nagtawanan ang mga kagrupo niya. “Hayaan mo na si Zero,” natatawang sabi ni Zerrick sa photographer. “Kaya nga Zero eh. Zero creativity!”

Umiling si Zero. Eh kung sakalin ko kaya si Zerrick? Creative kaya si Zero! Siya nga ang nagsulat ng karamihan sa mga kanta nila eh!

Nagpatuloy ang photoshoot. Nagpatuloy naman ako sa paninilay sa mahal kong si Zero. “OK, Guys, take off your shirts!” sigaw ng baklang photographer. “Remember, this is for a health magazine. You have to show the readers na fit and healthy kayo.”

Nagsimulang magtanggal ng damit sina Zerrick at Zed. “Kakakain ko lang eh. Makikita ang mga bilbil ko,” reklamo ni Zabe. Tiningnan siya nang masama ng photographer.

“We all know na wala kang bilbil, Zabe!” sigaw nito sa kanya. “At ikaw, Zero, bilisan mo! Take off your shirt!”

“Do I have to?” Nagbuntong-hininga si Zero.

“Yes!” And the magical moment begins… Habang tintanggal niya ang kanyang damit, pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng oxygen sa lungs. O. M. G. Nabanggit ko bang paborito kong kainin ang pandesal?

Napasinghap ako ng hangin at dahil may kumakarerang mga daga na sa aking nervous system, nagalaw ko ang nananahimik na mga damit sa harapan ko kung saan ako nakatago. Nakita kong tumingin sa direksiyon ko si Zero. Oh, no! Teka. Hindi dapat ako mag-panic. Madilim at nakatago ako sa nagkukumpulang mga damit. Carry lang.

“Ano ‘yun?” tanong ni Zed. Tumingin din siya sa direksiyon ko. Leche. Bakit napansin din niya!?

Tumingin sa direksiyon ng mga damitan ang baklang photographer. “Hoy! Sinong nandiyan!? Bawal pumasok dito ang unauthorized personnel!”

Hindi ako kumibo. Muling sumigaw ang photographer. Tagain ko kaya siya? Leche. “Magpakita ka!”

Fine. ‘Di magpakita. Dahan-dahan kong hinawi ang mga damit. “Sinong—aaaargh!” sigaw ng baklang photographer. “White Ladyyyy!”

At nawalan ng malay ang baklang photographer.

Huh? Sinong White Lady? Tumingin ako sa likuran ko. Wala namang nandoon except sa malaking salamin. Nakita ko ang sarili ko at napaatras ako.

Oh, no! What happened to my long black hair!? Bakit gulo-gulo na!?

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon