Fan Mode Twenty Three

8.5K 256 31
                                    

Fan Mode Twenty Three

~**~**~**~**~**~**~

“Humarap ka sa salamin,” biglang sabi ni Bubbles.

Agad naman akong humarap sa salamin. “O, tapos?”

“Nakikita mo ba ang sarili mo sa salamin?”

“Hindi ba’t parang tanga naman ‘yang tanong mo, Bubbles? Hindi ba masyadong halatang nakaharap ako sa salamin kaya malamang namang nakikita ko ang sarili ko, right?” sarkastikong tanong ko.

“O, so since nakikita mo ang sarili mo sa salamin, malamang malinaw sa’yong hindi ikaw ang crush ni Zero, right?”

Inirapan ko siya. “Eh pakialam ko ba kung sinong crush ni Zero? Saka, teka nga! Chinita naman ako, ah! Meaning, singkit ang mga eyes ko! Tapos maputi naman—”

“Maputi ka nga, kutis porselana ka ba?”

Agad naman akong tumingin sa balat ko. “O-oo!” confident kong sabi. Teka, bakit ako nauutal? Hindi dapat!

Ngumisi si Bubbles. Syet, nahalata yata ang pag-aalinlangan ko. “See?”

“Makinis naman ang balat ko, ah!”

“Iba ang makinis sa kutis porselana, Cassiopeia. At para sa kaalaman mo kahit wala ka namang alam, kahit maitim eh puwedeng maging kutis porselana. Alam mo ‘yung mahika sa skin? Ganoon. Parang skin ng manika. ‘Yung tipong—”

“I get it, I get it! Pero basta, kutis porselana ako, sa ayaw at sa gusto mong tanggapin!”

“Sauce, gusto mo lang pangaraping ikaw ‘yung inspiration ni Zero sa kanta niya eh.”

“Aba, ako lang ba? Kahit nga siguro sino eh papangarapin ‘yun!” sabi ko habang kumikinang ang eyes ko.

“Seriously, Cass? Hindi ko talaga alam kung hanggang saan aabot ‘yang kahibangan mo kay Zero.”

“Grabe ka po. We’re friends! And I’m his fan! Anong masama doon?”

“Wala. Except that sira lang talaga ang poise at bait mo.”

“Alam mo, Bubbles? ‘Di ko alam kung bakit nagpapaka-nega ka. Porket ‘di ka pinapansin ni Zerrick eh. Diyan ka na nga.” Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.

“Malamang lalabas. Sa pintuan nga ako pumunta eh, right? Medyo bobo lang?”

Binato niya sa akin ang hawak niyang unan at sakto namang bumukas ang pintuan. So ang result… sapul si Zerrick sa noo.

Teka. Zerrick? “OMG! Zerrick!” sabi ko. Agad naman akong kumuha ng ballpen at papel mula sa bag ko. “Pa-autograph! At pa-picture na rin! Teka, bakit nandito? Hinahanap mo ba si Cadmus? Wala na, nag-suicide na. Teka, ayos ka lang ba?”

Kumurap si Zerrick at umiling. “T-teka lang. Ano… ah, medyo marami kang tanong,” natatawang sabi niya.

“Ay, sorry! Kasi—aray!” sigaw ko dahil bigla akong hinatak ni Bubbles at hinagis papaupo sa sofa. Leche. Dali-dali naman akong tumabi ulit kay Bubbles.

“Zerrick! I’m Bubbles! Bubbles Cheng! Patay na patay a—I mean, patay na si Cad—este, patayin natin ang ilaw para mas—”

Napaatras si Zerrick. “Patayin ang ilaw?”

“I mean patayin natin ‘yung… ‘yung lamok!” At bigla akong hinampas ni Bubbles sa braso.

“Aray! Mukha ba akong lamok!?” singhal ko sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama.

“May lamok sa braso mo,” sabi niya habang pinandidilatan ako.

Hay, naku. Excuses. Palpak na excuses. Biglang napakamot si Zerrick ng ulo. “Ito ba ang office ni Master Cadmus?” tanong niya.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon