Fan Mode Three

12.8K 290 43
                                    

Fan Mode Three

~**~**~**~**~**~**~

“Try mo kayang mag-suicide na lang?” bored na tanong ni Bubbles sa akin. “Aksayado ka sa tissue.”

“Sige! Pero isasama kita!” iritadong sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa paanan ko. Naubos ko ang laman isang balik-bayan box na puro tissue. Galing pa ‘yun sa hipag ng bayaw ng asawa ng may-ari ng aso ng kapitbahay ng lola ko sa tuhod na nakatira sa ibang bansa. May-ari kasi siya ng pabrika ng tissue eh, kaya pinadalhan niya ang lola ko sa tuhod. Ewan ko kung bakit. Close yata sila.

At sinulit ko talaga ang mga tissue dahil sagad ang pagkabasag ng aking mukha, este puso sa sinapit ko kahapon. Iyon na nga ang moment eh! Iyon na sana ang prologue ng kuwento namin ni Zero, tapos mukhang naging epilogue na kaagad! ‘Di man lang nakabuo ng plot at nakaranas ng climax! ‘Di man lang umabot sa sukdulang kaligayahan, tapos ‘the end’ na. Lecheng buhay. Kay hirap intindihin. Parang pinaglalaruan lang ako ng tadhanang mapakla at kulang sa timpla.

“I’m so hurt! So hurt!” iyak ko. “Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya!”

“Huwag kang OA. Sa dinaming fans ni Zero all over Asia, huwag kang assumerang matatandaan ka pa niya. For sure eh hindi lang naman ikaw ang kilala niyang taong-putik na nakatapak ng tae,” sabi ni Bubbles.

“‘Yung totoo, Bubbles!? Pinapagaan mo ba ang loob ko o lalo mo akong binabaon sa semento!?” asar kong tanong sa kanya.

“Ay, sinong nagsabing pinapagaan ko ang loob mo? Of course, lalo kitang binabaon sa semento. Tanga ka kasi. Mabuti na lang at may kaunti kang face value kundi eh fully-depreciated ka na fore sure,” maarteng sagot ni Bubbles.

“Leche. Kung may mauunang mag-depreciate, ikaw ‘yun!” sigaw ko.

“Whatever. Loser,” nakangising sabi niya. Susugurin ko na dapat siya sa kinauupuan niya noong biglang bumukas ang pintuan kong singlaki ng gate ng school namin. Ganoon talaga. Wala akong magagawa. Mas mataas pa sa value ng Yamashita Treasure ang kayaman ng aking angkan eh.

“Hoy, Cassiopeia Cheng!” sigaw ng pangit na pumasok sa loob ng kuwarto ko. “Nakakahiya ka! You made me lose face!”

“Ay, may mukha ka pala? Oh, wait. Meron nga pala. Pangit nga lang.” Tumawa ako nang malakas.

Binato niya ako ng sapatos niyang pipitsugin. Cheap. Walang class. Below twenty-thousand pesos lang ang worth. At siyempre, tinamaan ako sa noo. Piyuti-ay kay. Agad kong kinuha iyon at binato pabalik sa kanya. Sapul siya sa noo. Sinugod niya ako, at bago pa man din kami magsabunutan eh pumagitna na sa amin si Bubbles.

“Awat!” sigaw niya. “Kapag hindi kayo umawat, susunugin ko ang kuwartong ito!”

Agad kumalma ni Cadmus. Sino ba namang hindi matatakot sa pagbabanta ni Bubbles eh seryoso kaya siya, ‘no! Noong napikon nga siya sa mga pamangkin niya, hinagis niya ang mga ito sa pool. Mabuti nalang at marunong lumangoy ang mga iyon.

“I hate you, I hate you, I hate you!” sigaw ni Cadmus sa akin.

“Likewise, likewise, likewise! At puwede bang huwag kang mag-inarte! Hindi naman ikaw ang napahiya eh!”

“Kahit na! Kumalat ang balitang magkapatid tayo! Argh! Gusto ko nang magpa-change ng surname!” Sinabunutan ni Cadmus ang sarili niya.

Ngumisi ako. “Go. Para sa akin na lahat kayamanan nina Papa at Mama.” Tumawa ako nang malakas.

Tiningnan niya ako nang masama. “Para sa kaalaman mo, Babaeng Walang Kahihiyan, muntik na akong mawalan ng trabaho! Galit na galit ‘yung Big Boss ng kumpanya dahil una, hinayaan kong makapasok ang baklang iyan.” Itinuro ni Cadmus si Bubbles. Binelatan lang siya ni Bubbles. “Ikalawa, hinayaan kong pumasok at gumawa ng eksena ang taong-putik na nakatapak ng tae sa harapan ng camera na live na ipapalabas sa national television!”

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon