Fan Mode Two

14.4K 311 29
                                    

Fan Mode Two

~**~**~**~**~**~**~

“‘Di ba sinabi ko naman sa’yo, huwag kang gagawa ng sagad sa bones na kahihiyan!?” sigaw ng baklang coordinator sa akin.

“Eh pakialam mo ba, ha!? Saka hindi naman ‘yun kahihiyan eh!” sigaw ko sa kanya.

“Kahihiyan ‘yun! Leche! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan, Cassiopeia!”

“Eh walang hiya ka naman, Cadmus!”

“Aba’t—”

“Joke!” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

“Humanda ka sa akin pagdating sa bahay! Makikita mo! Isasabit kita nang patiwarik sa flagpole!”

“May flagpole sa bahay? Kailan pa?”

“Magkaka-meron! Mamaya! Leche!” At galit na galit niyang isinara ang pintuan ng dressing room.

Nagbuntong-hininga si Bubbles. “I swear, you’re the most vicious member of the Alpha Kapal Muks.”

“I know, right? So, anong reaction ng aking hubby noong narinig niya ang aking revelation kanina?”

Malamang tinanong ko kay Bubbles kasi nawalan ako ng malay pagkasabi ko ng ilusyong iyon eh. “Eh ‘di nagulat! Speechless! Ngayon lang yata siya nakakita ng isang babaeng inunahan siya sa pagpapakilala. And FYI, Cass, sa national television pa! Gaga ka ba, ha?”

“Hindi. Nagmamahal lang,” kinikilig kong sabi. Sayang! Hindi ko man lang nakita kung anong reaction ni Zero noong pinagkalat ko ang ilusyon ko sa kanya. Sayang! Baka kako sinagot niya pa ‘yun ng:

 “And she’s Cassiopeia—my wife.”

Ay, grabe. Kapag nangyari talaga ‘yun, puwede na ‘kong mamatay. Wait. Hindi pa pala. Magpapakasal muna kami kahit sa kama lang. My gosh. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko!?

“Yuck,” reklamo ni Bubbles.

Bigla akong napakurap. Teka. Kung nandito kami… “Bubbles! Anong nangyari sa fan meeting!?” natatarantang tanong ko.

“Ano pa nga ba, eh ‘di natapos nang mas maaga. All because of your kaartehan. Kaya kung ako sa’yo, huwag ka munang magpapakita sa mga fans ng Zeus kung ayaw mong ma-stone to death.”

“Stone to death? Uso pa ba ‘yun? Besides, sinabi ko bang tapusin nila nang mas maaga ang fan meeting?”

“Eh, haler? Nawalan ka kaya ng malay. So malamang nataranta ang madlang people. Pati sina Zerrick eh lumapit sa’yo! I so hate you! Agaw-eksena ka ever!”

“OMG! Talaga? As in, lumapit sila!? Eh si Zero? Anong sabi ni Zero!?”

Gosh. Nararamdaman ko na ang eksena kanina. I mean, nae-envision ko na. Fine, nai-ilusyon ko na. Si Zero! Malamang he’s worried na for me! I’m sure eh sobrang nataranta siya noong nawalan ako ng malay! Tapos…

“Si Zero? Ayun, deadma,” bored na sabi ni Bubbles.

Napakurap ako. D-deadma? No! “Impossible! ‘Wag mo nga akong pinagloloko, Bubbles!” sigaw ko sa baklang nakaupo nang prenteng-prente sa harapan ko.

“I’m not kidding,” maarte niyang sabi.

“Pero—”

May kumatok sa pestilenteng pintuan. Tapos bumukas ‘yung pintuan. Tanga lang? I mean, kumatok pa siya tapos binuksan lang without waiting for an answer galing sa loob?

“Excuse me. Miss Cassiopeia Cheng. Pinapasabi po ni Master Cadmus na kung tapos na raw po kayong mag-inarte, lumayas na po kayo,” medyo nanginginig na sabi ng isang lalaking hindi ko alam kung pinaglihi ba sa okra o makahiya.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon