Fan Mode Seventeen

8.6K 232 25
                                    

Fan Mode Seventeen

~**~**~**~**~**~**~

Napangiwi ako dahil sa malamig na titig niya sa akin. Grabe naman! Hindi ko naman kasalanan ito eh! Malay ko namang din, ‘di ba? Ganito na ang nadatnan ko rito, so malay ko ba talaga?

“Grabe ka naman makatitig,” reklamo ko habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Eh sa nilalamig na talaga ako sa tingin niya eh!

Kumunot ang noo niya. “Sigurado ka bang wala ka talagang kinalaman dito?”

“Isa, dalawa, tatlo, apat. Mga apat na beses mo nang tinanong ‘yan eh,” reklamo ko. “Magpatiwakal man ang bakla kong kapatid, maubos man ang kayamanan ko kahit malabong mangyari ‘yun, maging lalake man si Bubbles, pumangit man ako kahit impossible ‘yun… wala akong kinalaman dito. Promise.”

“Hindi ako naniniwala,” mariing sabi niya.

“Eh ‘di ‘wag.” Grabe ‘tong lalakeng ‘to. Wala naman talaga akong kinalaman dito eh. Ang sabi ni Mama, pumunta raw ako sa farm. Malay ko ba namang madadatnan ko si Zero here, right? Siyempre kinilig ang puwet ko, pero siya, eh nanginig yata ang abs niya sa inis. Eh anong magagawa ko? Malay ko bang nandito siya, ‘di ba?

“Teka nga!” biglang sabi ko. “Ba’t ba ako ang sinisisi mo eh unang-una, farm namin ito. Nandito ako kasi ayaw na raw gumawa ng baby ng mga baboy ko kasi nalulungkot daw sila. Nami-miss daw nila ako kaya pinatapon ako ni Mama dito para magsagawa ng ritwal.”

“Ritwal?” nagtatakang tanog niya. “Anong pinagsasabi mo? At anong kinalaman ng mga baboy sa pagpunta mo rito? Para sabihin ko sa’yo, pinapunta ako rito dahil kailangan mo raw ng makakatulong ayusin itong lugar niyo. Hindi ko kagustuhang pumunta rito, pero buburahin ng nanay ko ang pangalan ko sa listahan ng angkan namin kapag hindi kita tinulungan.”

Napakurap ako. Wow. Grabe. Ito na yata ang pinakamahabang sinabi niya sa akin. “Teka, teka. Anong aayusin dito? Wala namang aayusin sa mga baboy. Gagawa lang ako ng altar at mag-aalay ng ritwal para sa mga kampon ng kalikasan,” paliwanag ko.

“Alam mo,” panimula niya, “hindi ka na normal. Sigurado ka bang hindi mo ako pinagloloko?”

“Grabe ka. Mukha bang joke ang pagiging malungkot ng mga baboy ko to the point the ayaw nilang gumawa ng baby?”

Hinimas niya ang noo niya. Bago pa man din siya nakapagsalita, lumapit ang mayordoma ng farm namin. Siyempre, rich kami, right? So may mayordoma kami. Obviously. “Senyorita, pinapasabi po ng mama niyo na hindi raw po kayo maaaring umalis dito hangga’t hindi nabubuntis ang mga baboy niyo,” sabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Zero. “See? Sabi ko naman sa’yo eh, wala akong kinalaman kung bakit ka pinapunta rito. Kung may ipapaayos sa’yo sa farm, eh ‘di go, ayusin mo,” sabi ko. Oo, fan nga ako ni Zero. Eh alangang magtatalon ako sa tuwa, ‘di ba? Eh ‘di nagalit na naman siya? Kaya kalmado lang ako kahit nauutot na ako sa kilig. Sinong hindi kikiligin? Ang guwapo niya kaya! Nakasuot siya ng simpleng plain black shirt, khaki shorts, running shoes (though hindi ko alam kung saan siya tatakbo rito), at dark shades. Ito ang kanyang natural look. Walang halong make-up (oo, naka-make up din kaya ‘yang mga performers!) o kung anu-ano pang ornaments sa damit.

Sumimangot siya at naghalukipkip. Tumayo na ako, pero biglang tumingin si Mayordoma kay Zero. “At ikaw naman po, Senyorito, pinapasabi po ng mama niyo na hindi ka raw puwedeng umalis dito hangga’t hindi nabubuntis si Senyorita, este ang mga baboy po ni Senyorita.”

Napanganga ako. Alam kong tama ang pagkakarinig ko sa una niyang sinabi eh! Kumunot ang noo ni Zero. “Pero ang sabi sa akin, ayusin daw ang landscape ng farm na ito.”

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon