Fan Mode Fourteen

7.7K 217 9
                                    

Fan Mode Fourteen

~**~**~**~**~**~**~

“Ang talino ko, ‘no?”

“Ngayon lang naman gumana ang utak mo,” sagot ko.

“Leche. Ikaw na nga itong tinulungan—”

“Huwag mo nga akong linlangin. Alam ko namang may hidden motive ka kaya mo ako tinulungan eh, so bilis na, lumayas ka na at gawin mo na ‘yang hidden motive mo.”

“Eh saan ko siya hahanapin?”

“Problema ko ba ‘yun? Bahala ka.”

“Buwiset. Diyan ka na nga.”

At lumayas si Bubbles. Pakamatay na siya kung gusto niya. Sinuri ko ang sarili ko. Bakit kasi ang ganda ko kahit nakasuot ako ng hospital gown, ‘di ba? May isang nurse na nagtatakang tumingin sa akin. Dali-dali naman akong umubo kunwari.

“Miss, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ng nurse.

Oo, basta lumayas ka lang now na. “Ano… *ubo* hindi. Pero… *ubo, ubo* I’m under medication naman, so… *ubo* I’ll be fine,” mahinang sabi ko. Ngumiti ako nang malungkot. Sobrang worried ang peg ng expression ng nurse. Hindi ko ba nasabi? Best Actress ako. Hindi Best Supporting Actress. Best Actress.

“Ihahatid na kita sa room mo, Miss. Ano nga pala ang pangalan ng doctor mo?” tanong ng nurse.

Patay. Anong room nga ba ‘yun nasuhol ni Bubbles doon sa front desk? At doctor? Shit. Sinong doctor ang sasabihin ko!? “Ah… sa Room 14-3 ako. Si Doctor… uhmm…” Patay, Cassiopeia, sinong doctor mo!?

“Si Doctor… Cheng! Tama, si Doctor Cheng nga!” dali-daling sabi ko. Magdasal na sa lahat ng engkanto na may Doctor Cheng sa ospital na ito.

Kumurap ang nurse. “P-pasyente ka ni Doctor Cheng?” natatarantang sabi niya.

Huh? Problema nito? “Oo?” Ay, bakit patanong?

“Naku, Miss! Kailangan mong bumalik sa room mo ngayon din. Kapag nakita ka ni Doctor Cheng na pagala-gala, magagalit ‘yun at… well, hindi masayang eksena kapag nagalit si Doctor Cheng,” natatarantang sabi ng nurse.

“Huh? Pero—”

Hindi na niya ako pinansin at kinaladkad na niya ako papunta sa Room 14-3. Leche, paano ko maisasagawa ang plano ko nito!?

Pagpasok sa Room 14-3, agad niya akong pinahiga sa kama. “Diyan ka lang, Miss, OK? Huwag kang lalabas. Kukunin ko lang ‘yung mga prescribed medicines para sa’yo.”

Gamot sa puso, meron? Ngumiti ako nang matamis. “OK, Nursie.”

Malamang dali-dali siyang umalis, ‘di ba? Agad naman akong tumayo. Asa namang hindi ako aalis, right? So dali-dali akong lumabas ng room ko at nagtungo sa Room 34-2. Ngumisi ako nang malapad. Akin ka ngayon, Zero Choi. Hindi ka makakaligtas sa mga kamay ko.

Pero bago ko pa man din nabuksan ang pintuan, may narinig akong nag-uusap sa loob.

“Anong ibig mong sabihin?”

Oh, my. Boses ni Zero!

“Hindi ako sigurado, Pare. Pero parang siya talaga ‘yun eh.”

Huh? Sinong kausap niya? Boses ni… ewan. ‘Di ko matukoy kung boses ni Zabe o Zed.

“Hindi mo ba talaga nakita nang malinaw?”

“Hindi talaga, Pare. Pero ‘yung dating kasi eh parang siya.”

“Pero ano namang gagawin niya sa lugar na ‘to?”

“Malamang nagpapagamot. Nakasuot siya ng hospital gown eh.”

Tumahimik sa loob ng room. O baka hindi ko lang marinig ang pinag-uusapan nila. Sino ba kasi ‘yun?

“Bakit nasa labas ka?”

“Ay, gulay kong mahalay!” Napahawak ako sa dibdib ko.

Tumawa siya. “Gulay mong mahalay? Anong gulay ang sinasabi mo?”

Bakit ba parang kabute ‘to!? “Ano kasi…” Anong sasabihin ko!?

Muling tumawa si Zed. “Binibisita mo ba si Zero? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Teka, bakit naka-hospital gown ka?”

Agad naman akong umubo. “Nagpapagamot kasi ako,” sagot ko.

“May sakit ka?” Kumunot ang noo niya. “Anong sakit mo? Kaya ka ba nawalan ng malay kanina?”

Hindi! Sakit sa puso dahil sa sobrang iritasyon at stress dahil ang daming sagabal sa plano ko. “Hindi pa lumalabas ang results eh,” dali-daling sabi ko.

“Pero wala ka namang lagnat?” tanong niya at idinampi niya sa noo ko ang palad niya. Agad naman akong umatras.

“Ay, wala. Wala akong lagnat,” sabi ko. Labnat lang.

“Mas mabuti pa sigurong bumalik ka na sa kuwarto mo. Saan ba ang room mo? Ihahatid na kita,” sabi niya.

Grr. Effective ba talaga itong plano ni Bubbles!? ‘Wag kako siyang magpapakita sa’kin dahil baka masakal ko siya. “Ay, ayos lang ako. Napadaan lang ako kasi narinig kong… ano… ah, nandito si Zero. Nag-alala lang ako,” sabi ko.

Nagbuntong-hininga si Zed. “Inaalala mo siya, pero hindi mo inalala ang sarili mo. Ayos lang si Zero. Kailangan lang niyang mamalagi saglit sa ospital kasi… ah, ‘wag mo nang intindihin ‘yun. Mabuti pang ihatid na kita sa kuwarto mo at—”

Argh. “Ay, hindi na,” dali-daling sabi ko. “Ayos lang talaga ako. O, paano, mauuna na muna ako. ‘Bye!”

Bago pa siya nakapagsalita, agad na akong pumunta sa elevator. Buwiset. Ang daming sagabal. Noong bumukas ang elevator, halos malaglag ang panga ko. What is he doing here!? Agad kong tinakpan ang pagmumukha kong maganda at tumalikod.

“Chief, it is what I heard.”

“Nonsense. I would have heard it first.”

“But, Chief—”

“Excuse me.”

Oh, no! Agad akong tumabi. “Miss, please go to your room. It’s not good for patients to… excuse me? You look familiar.”

Ay, talagang pamilyar ako, pero utang na loob! Kahit ngayon lang, ‘wag mo akong kilalanin! Itakwil mo na rin ako kung gusto mo, pero ngayon lang!

Agad akong umubo at naglakad papunta sa ibang direksiyon. Patay. Lagot. Nasan ba ang emergency stairs dito!?

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kung saan—well, hindi ko na kasi alam kung saan ako pupunta—habang naririnig ko pa ring tinatawag niya ako. Mabuti na lang at nakita ko kaagad ang emergency stairs. Ang talino ko talaga. Noong nakarating na ako sa third floor, agad akong nagtungo sa kuwarto ko. Teka, papasok ba ako? Pero what if may doctor sa loob!? What if tumawag ng doctor ‘yung nurse na ‘yun? Yari ako. Mama, save me!

OK, huminahon ka, Cassiopeia. Anong sasabihin ng mama mo sa ganitong sitwasyon? Keep calm and stay beautiful. OK, maganda ako. Maganda ako. Maganda ako. At dahil maganda ako… potek, anong kinalaman ng ganda ko rito!? Cass! Huminahon! Pumasok ka sa loob kung ayaw mong maabutan ka niya diyan sa labas. Mamili ka—‘yung doctor sa loob o… si Papa?

Pumikit ako. Malamang ‘yung doctor sa loob! Bahala na!

Pagbukas ko ng pintuan, halos malaglag ang panga ko. Pati na rin undies.

“Anong nangyari sa’yo at bakit ka nakasuot ng hospital gown?” malamig niyang tanong sa’kin.

Oh, no. Mali ang choices ko kanina. Cass, mamili ka. Si Papa o si… Zero!?

~**~**~**~**~**~**~

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon