Fan Mode Twenty Eight

7.5K 226 44
                                    

Fan Mode Twenty Eight

~**~**~**~**~**~**~

There, away from my reach

From the distance I send my only wish…

Just one look from her lovely eyes

My heart will melt its lonely ice…

For her to see me, for her to finally feel

This heart and my feelings so real…

If I had to, I would wear clothes of purple

Just to have you look at me, Purple Girl…

OK, hindi ako feelingera much, pero kakalbuhin ko talaga si Zero kapag hindi ako ang inspiration niya sa kantang ‘yan. I mean, gaano ba karami ang mahilig sa purple na kakilala niya!?

Joke lang. Hindi ko siya kakalbuhin. Kukurutin lang. Joke ulit. Pero kasi… Naman! ‘Yung kanta kasi! Nakakainis naman, oh. I mean, ‘yun pala ang bagong single nila! Tapos… tapos ‘yun pa ang tema at title! Nakakakilig kaya!

Kahit na nagfi-feeling lang talaga ako na para sa akin ang kantang ‘yun. Hay, naku. To make things more nakakaloka at nakakainis, ang girl na nasa MV nila eh si Suzanne Belmonte lang naman. Kung hindi lang talaga maganda at nakakakilig ang kanta—na tipong tagos sa heart kong sexy—baka naibato ko na ang remote control sa TV.

OK, Cass, kalma lang. Pero paano ako kakalma!? I mean, hindi naman ako hater ni Suzanne. Ba’t ako magiging hater niya eh ‘di ko naman siya kilala nang bongga, right? Malay ko ba sa pagkatao niya at hindi ako naging interesadong halungkatin ang talambuhay niya. Hindi naman kasi ako nagseselos dahil baka may gusto si Zero sa kanya. I’m positive na wala. Malinaw na malinaw sa akin na kung meron mang nagugustuhan si Zero eh ‘yung binibining singkit at may kutis porselana ‘yun. Ewan ko kung iyon nga ba ang katotohanan o sadyang iyon lang ang gusto kong paniwalaan. Pero hindi eh. Malinaw talaga sa akin. Ewan, feel ko lang.

Medyo naiinis lang talaga ako kasi pakiramdam ko eh naagawan ako ng trono kahit hindi naman ako ang nagmamay-ari ng tronong iyon. Nagfi-feeling lang. Eh basta, purple kasi eh. I mean, hindi lang naman ako ang nag-iisang mahilig sa purple sa buong galaxy kaya wala akong karapatang magreklamo at mag-emote dito, right? Pero kasi… nakakainis naman kasi talaga. Kasi naman! Puwedeng kahit ‘yung kanta nilang Purple Girl eh sa akin na lang?

My gulays. Ang crazy ng request kong nire-request ko lang sa kokote ko. Ba’t ba kasi ako nag-eemote dito at sampung beses na pinaulit-ulit ang MV ng Purple Girl?

Simple lang.

… dahil ini-imagine kong ako ang babaeng nasa MV.

Sumandal ako sa mini-couch kong nasa harapan ng TV habang pinapanuod pa rin ang MV. Nagbuntong-hininga ako.

Hindi naman kasi ako perpekto eh. Although para akong isang babaeng binalutan ng protons, normal din naman akong nagkakaroon ng BV. Kahit na ba mababaw lang ang dahilan ng BV ko. Umiling ako. Ano ba ‘yan, Cassiopeia? Para ka namang batang inagawan ng kendi kahit hindi naman talaga sa’yo ‘yung kendi. Ngumangala ka sa kantang nagfi-feeling ka lang na inspired sa sexy mong pagkatao.

Tama, ang babaw ko naman. Suportahan ko na lang dapat ang Zeus dahil successful ang single nilang Purple Girl. Well, sinusuportahan ko naman sila eh. I am genuinely happy for them. Iritado lang talaga ako kasi si Suzanne ang model sa MV.

Eh anong gusto mo, Cassiopeia, ikaw?

Aba, hindi ko naman tinatangging ini-imagine kong ako ‘yun eh. ‘Di naman ako ipokrita para sabihin kong hindi ko gustong ako ang maging model ng MV na ‘yun. Pero grabe naman yatang feelingera ko na kapag pinatagal ko pa ang pagmumukmok ko rito dahil lang hindi ako ang model ng MV na ‘yun. In the first place, celebrity ba ako? At bakit ako? Why not other girls? Ako lang ba ang mahilig sa purple? Ay, kababawan nga, Cassiopeia. Nang dahil lang sa purple eh.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon