Fan Mode Thirteen

7.9K 219 15
                                    

Fan Mode Thirteen

~**~**~**~**~**~**~

Kumurap-kurap ako. Oh, no. Don’t tell me, nakatulog ako!? No! May mini-concert ang Zeus! Hindi ako puwedeng matulog ngayon! At… teka. Bakit parang… huh? Umupo ako nang tuwid.

“Mabuti naman at gising ka na.”

Tumingin ako sa kanan. O… kay? So Tulog pa nga yata ako. I mean, nananaginip ako, right? Agad kong sinampal ang sarili ko. “Aray.” Bakit ako nasaktan!?

Kumunot ang noo niya. Kumurap naman ako. Hindi, hindi. Kulang pa. Isa pa nga. Agad kong sinampal ang kaliwang pisngi ko. “Ouch.” Bakit ako nasaktan!?

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Nanliit ang mga mata ko. Kinurot ko ang pisngi niya. “A-ano bang nangyayari sa’yo?” iritadong sabi niya.

Nagsalita siya? Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napasandal sa upuan ng… van? Bakit ako nasa van!? “OMG!” tili ko. Agad naman niyang tinakpan ang magkabilang tainga niya.

“Zero!” tili ko. Agad ko siyang niyakap at pilit naman niya akong nilalayo sa kanya.

“H-hindi ako maka… hinga!”

Agad akong lumayo sa kanya. Medyo napaatras siya. Napatakip ako ng bibig. OMG! What did I just do!? “It’s you! My gosh! It’s you nga!”

Nagbuntong-hininga siya. “Hindi mo ba itatanong kung bakit ka nandito sa loob ng van?” asar niyang tanong.

“Huh? Oo nga, ‘no? Eh malamang dinala mo ako rito,” masiglang sabi ko.

Tiningnan niya ako nang matalim. “Nawalan ka ng malay.”

“Ah, nawalan ako ng malay. Ano naman kung… huh? Nawalan ako ng malay? Bakit ako nawalan ng malay?” nagtatakang tanong ko.

“Sa’yo ko dapat tinatanong ‘yan.”

Nawalan ba ako ng malay? Kumurap ako. Ay. Oo nga, ‘no? Bakit nga ba ako nawalan ng malay? “Ewan ko,” sagot ko. OMG, pakialam ko ba kung nawalan ako ng malay? Ang importante, nasa harapan ko si Zero! My gosh! Pakialam ko ba sa nangyari kanina? Ang mahalaga ay ang ngayon!

“Ewan mo? Kung ayos ka na, puwede ka nang bumaba,” masungit niyang sabi.

“Ha? Pero—”

“Bumaba ka na—”

“Sandali! Puwedeng magpa-picture muna?” masiglang tanong ko.

“—ngayon din.”

Ang sungit! Agad niyang binuksan ang pintuan ng van at malamang no choice ako kundi bumaba, right? Kaysa naman sipain niya ako papalabas.

Ngumuso ako. “Teka, Zero—”

Sinaraduhan ako ng pintuan! Leche. At magsasalita na dapat ako, pero biglang umandar ang van at umalis. Grabe! As in, grabe! Bakit ganoon ‘yun!?

“Hoy, Cassiopeia!”

Lumingon ako. Teka, bakit nasa labas ako ng mansyon naming worth bilyones? “Bubbles? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.

“Tanga ka ba? Malamang kasi dito ako nakatira. Ako ang dapat magtanong! Anong nangyari sa loob ng van ni Zero!?”

“Huh? Alam mong nasa loob ako ng van ni Zero? Teka, ano ba kasing nangyari?”

“Anong nangyari!? Jusko. Wala ka man lang kaide-ideya!? Nawalan ka lang naman ng malay at nang dahil sa’yo, naudlot ang mini-concert ng Zeus!”

Kumurap ako. “Naudlot ang concert? Eh saan ba ako nawalan ng malay? Parang hindi ko yata maalalang pumasok tayo sa—”

“Iyon nga eh! Nasa labas tayo at bigla kang nawalan ng malay! So malamang napa-scream ako, ‘di ba? At ewan ko kung anong misteryo ang sumabog dahil biglang lumabas si Zero at binuhat ka papunta sa van niya. Pasalamat ka at nasa loob ang mga fans dahil kung hindi, kukuyugin ka nila at gagawin nilang miserable ang life mo!”

Teka, teka. Hindi ko yata ma-absorb. Naso-slow na ang kagandahan ko. “Nawalan ako ng malay? Tapos binuhat ako ni… excuse me? Pakiulit nga at—”

“Ni Zero! Leche. Halos atakihin sa puso ang manager nila dahil doon! Alam mo namang hindi maaaring gumawa ng kahit anong act of chenelyns ang members ng Zeus, ‘di ba? Issue ‘yun, malamang!”

“Grabe naman! Issue agad? Para tinulungan lang ako ni… teka nga! Sigurado ka bang si Zero ‘yun!?”

“Timang ka ba? Noong nagising ka, nasaan ka? ‘Di ba nasa van niya?”

“Oo nga. Pero… imposible kasi,” nagtatakang sabi ko.

“Ah, ewan. Hindi ko rin maintindihan ‘yang si Zero. Bigla na lang sumulpot after kong sumigaw. Binuhat ka at tinakbo papunta sa van niya. Jusko. Mabuti na lang talaga at walang nakakitang fans!”

“Eh paano ‘yung mini-concert?”

“Wala. Sinabi na lang na biglang nagkaroon ng injury si Zero sa—”

“What!? May injury si Zero!?”

“Tanga, pinagtakpan lang ‘yung ginawa niyang pagbuhat sa’yo, ‘no. Malamang mababalitaan nating nasa hospital ngayon si Zero, pero ‘wag kang mag-panic! ‘Di totoo ‘yun. Teka, bakit nga ba dito tayo sa labas nag-uusap?” Nagpamewang siya.

Huh? Oo nga, ‘no? OK, Cass. Inhale. Exhale. Brain processing… Nawalan ka ng malay, sumigaw si Bubbles, lumabas si Zero, binuhat ka niya, dinala ka sa loob ng van, hinatid ka dito, at… OMG! So it really happened nga!

“Bubbles! Get your car now!”

“Huh? Bakit?”

“Pupuntahan natin si Zero!”

~**~**~**~**~**~**~

“Ikaw pala ang dahilan kung bakit biglang tumakbo si Zero papalabas kanina.”

Tumango ako. Nagbuntong-hininga siya.

“Alam mo ba kung gaano ka-delikado ang ginawa niyang ‘yun? Mabuti na lang at walang fans o reporters na nakakita. I hope you are aware of the consequences na maaaring mangyari sa mga artists kapag may kumalat na tsismis tungkol sa kanila. Sa susunod, huwag ka nang gumawa ng isang bagay na ikasasama ng idol mo.”

Nagpamewang ako. “With all due respect, Mr. Manager, don’t you dare blame me for what happened. Hindi ko kagustuhang mawalan ng malay at mas lalong hindi ko naman sinabi kay Zero na buhatin niya ako at dalhin sa loob ng van niya. Kaya you don’t have the right para sabihin sa’king huwag akong gumawa ng isang bagay na ikasasama ng idol ko.”

Tumawa siya nang mahina. “Hindi ba’t gusto mo lang ng atensyon kaya nagkunwari kang nawalan ka ng malay?”

“FYI, kung gusto ko ng atensyon, papasok ako sa loob ng concert room at doon ako magkakalat ng lagim. At excuse me lang po. Hindi ba obvious sa kutis ko na hindi ito dapat naaarawan? Do you think I will risk my skin at magkukunwaring mawawalan ng malay sa gitna ng tirik ng araw tapos wala naman si Zero doon sa labas?” mataray kong tanong. Nakakainis! Bakit ba ako ang sinisisi niya? Leche.

“Walang mangyayari sa usapang ito. Makakaalis ka na,” seryosong sabi ng manager nilang mukhang si Adonis. Bakit kasi ang sama niya? Sayang at guwapo pa man din siya.

“At bakit naman ako aalis? Sa’yo ‘tong ospital? Bilhin ko pa ‘to eh!” asar kong sabi.

Umiling siya. “Kailangan talagang mag-ingat ni Zero sa mga fans na sira ang ulo,” sabi niya. Tumalikod na siya at pumasok sa hospital room kung saan ‘naka-confine’ si Zero.

“Aba’t—”

“Cass! Kalmado lang!” dali-daling sabi ni Bubbles.

“Saan ka ba nanggaling!? Alam mo bang ginisa ako ng lecheng manager nila!?” sigaw ko sa kanya.

“Ano ka ba!? Kumuha ako ng hospital gowns!”

“Huh? Para saan?” nagtatakang tanong ko.

Ngumisi si Bubbles. Hmm. Parang alam ko na kung anong ibig sabihin ng ngisi niyang ‘yan.

Bigla akong napangisi. “Mode on, Bubbles!”

~**~**~**~**~**~**~

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon