Fan Mode Thirty

7.8K 219 44
                                    

Fan Mode Thirty

~**~**~**~**~**~**~

‘Yung totoo? Medyo OK na ako. Nakakatuwa naman kasi itong si Zabe eh. Ang takaw niya sa tsokolate, grabe. Hindi ko na nabilang kung ilan ang kinain niya, basta ang alam ko lang, nag-uumapaw sa tsokolate ang paper bag niya kanina at ngayon ay kalahati na lang ang laman ng paper bag.

“Milk chocolate, white chocolate, at dark chocolate. Bilis, Cass, pumili ka na ng susunod mong kakainin,” masiglang sabi niya.

“Ha? Teka, teka. Medyo nauumay na ‘ko,” sabi ko, sabay abot sa baso ng tubig na nasa harapan ko.

“Nauumay ka sa tsokolate?” At parang gulat na gulat pa siya. My goodness.

“Eh kanina pa kaya tayo kumakain ng tsokolate. Anyway, ayoko ng dark chocolate. Ang pait. Ba’t ba kasi naimbento pa ‘yan? Puwede namang milk o white chocolate lang eh. Para matamis, ‘di ba?”

“Eh para may variety,” natatawang sagot niya.

“Variety? Bakit kailangan pa ng ganoon?”

“Para may spice.”

“Spice ba ‘yun? Mapait nga eh.”

“Ganito na lang, Cass. Isipin mo na lang, ang tsokolate ay parang pag-ibig. Minsan ay matamis, minsan ay mapait. Kung puro tamis lang ‘yan, ‘di ba parang nakakaumay? Kung puro pait naman, ‘di ba parang aayawan mo na? Kaya dapat balanse. May matamis, may mapait.”

Kumurap ako. “Ano ulit ‘yun? Medyo hindi malinaw eh.”

“Naman, Cass,” reklamo niya. “Ang haba ng sinabi ko eh. Alam kong naintindihan mo ‘yun.”

Tumango ako. “Saan mo naman nakuha ‘yun? Ang dami mong alam,” natatawang sabi ko.

“Nababasa ko lang sa mga libro.”

“At anong mga libro naman ‘yun?”

“Mga libro ni Master.”

“Sinong Master naman ‘yun?”

Tumawa siya. “Teacher ko mula pa noong elementary ako. Home-schooled ako, ‘di ba?”

“Oo nga pala. Pabasa naman ako ng mga libro niya.”

“Ipapakilala na lang kita sa kanya minsan. Marami kang matututunan doon.”

“Katulad ng tungkol sa pag-ibig? Talagang inihambing niya pa sa tsokolate, ah?”

“Medyo matakaw kasi ‘yun. Ah, mali. Matakaw kasi ‘yun. Pero basta, Cass, ganoon ‘yun. Dapat balanse. Kaya kung ako sa’yo, tikman mo na rin ang dark chocolate. Saka sa una lang ‘yun mapait. Medyo parang tatamis din ‘yun habang tumatagal.”

Napaisip ako. Bakit parang may kakaiba doon sa mga tsokolateng ‘yun? Para kasing may something eh. Pinagmasdan ko si Zabe. Hindi naman siya aware na medyo napapaisip ako doon sa sinabi niya. Masigla pa rin siyang kumakain ng tsokolate.

“Oo nga pala, nagkita ba kayo ni Zero?” biglang tanong niya.

“Oo, kanina,” sagot ko.

“Mabuti naman. Alam kong malapit kayo sa isa’t-isa at sigurado akong gusto ka na niyang makausap. Matagal-tagal din kasi kayong hindi nagkausap.”

Umirap ako. “Nagkita nga kami kanina at medyo nagkausap, pero hindi nga ako kinamusta eh.”

“Alam naman niya kasing nasa maayos kang kalagayan.”

“Huh? Paano niya malalaman eh ngayon lang ulit kami nagkita at hindi na kami nagkakausap kahit sa text message lang? Para ngang ‘di kaibigan eh,” reklamo ko.

Fan Girl by Dyosa Maldita (Published by Bookware Publishing Corporation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon