Chapter 29:His BIRTHDAY Part 3

3.7K 123 23
                                    

Rex's POV
Habang kinakalaban ko si lolo at ang kinakalaban ni Kevin na si papa, nagulat nalang kaming dalawa ni Kevin na bigla silang natigilan ni papa, nalaman naming nasaksak sila ng dagger.

Napalingon ako kila Ali na talo na ang mga kalaban at sabay sabay kaming pumunta sa pwesto ni Preii.

"Mahal! Preii!" Sigaw naming lahat at nilapitan siya

Binuhat ko si Preii at itinakbo palabas ng AU, sumusunod naman silang lahat sakin.

Preii, please, hawak ka lang ng mabuti, don't leave me, mahal na mahal kita, ayoko na muling mawala ka sakin, nawala ka na sakin noon at ayaw ko ng maulit muli iyon.

Pinasok ko si Preii sa sasakyan ko, "Sa hospital nalang tayo magkita, pakisabi na rin kay mama yung nangyari." Sabi ko sa kanila na ikinatango nila at pumasok na ako sa sasakyan ko at pinaharurot papunta sa hospital

Binuhat kong muli si Preii papasok sa hospital, umiiyak akong buhat buhat siya, tulo ng tulo ang mga luha ko, don't leave me, Preii. Don't please.

"Tulungan niyo ko! Tulungan niyo ko!" Sigaw ko ng makapasok ako sa hospital

Napalingon naman ang lahat ng tao sakin, "Doc! Doc! Tulungan mo ako!" Sigaw ko sa isang doktor na nakita ko

Nagulat siya kaya nagpakuha siya sa isang nurse ng higaan ng pasyente para malagay na sa ER.

"Doc! Please, gawin niyo po ang lahat! Wag niyo po siyang hahayaan mamatay!" Sigaw ko habang binibuhat nila si Preii sa higaan

Tinulak naman na nila si Preii papunta sa ER, hawak hawak ko naman ang kamay ni Preii, "Preii, andito lang ako. Wag kang bibita---" Hindi na natapos ang sasabihin ko ng sabihan ako ng nurse

"Sir, sa labas na lang po kayo, bawal po kayo dito." Sabi ng nurse habang sinasara ang pintuan ng ER

Pumasok na sila sa loob at napahawak na lang ako sa pinto, "Preii-huhu-Panginoon ko, please, wag niyo po hayaang mawala sakin si Preii." Dasal ko atsaka umupo sa upuan

Umiyak lang ako ng umiyak habang hinihintay ko ang paglabas ng doctor, Preii wag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita, diba magpapakasal pa tayo? Diba magiging asawa mo pa ako? Diba aanakan pa kita ng marami? Preii, please, huwag mo kong iwan! Pano na yung mga plano natin? Preii!

Tulo ng tulo ang mga luha sa mukha ko, hindi ko mapigilan at lumalakas na lalo ang mga paghikbi ko.

"Rex!" Rinig kong sigaw nila Jake na tumatakbong papalapit sakin

Niyakap ako ni mama ng malapitan niya ako kaya niyakap ko siya ng mahigpit, "Ma, si Preii. Mahal na mahal ko siya, hindi ko alam kapag nawala siya." Iyak ko na parang bata sa balikat ni mama

Tinatapik lang ako ni mama sa likod at pinapatahan sa pag iyak. Kumalas naman na ako at umupo, umupo narin naman sila Jake.

"Rex, malakas si Preii at matapang. Hinding hindi niya tayo iiwan." Positibong sabi ni Yanna

Naisuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko sa inis, nakakainis! Dahil kay lolo at papa kaya nagkaganito si Preii eh! Mawawala na naman ba ang taong mahal ko? Nagsisi na nga ako noon na sumunod ako sa pananakot ni mama tapos mawawala na naman siya ulit? Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kapag nawala siyang muli, hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng iba, si Preii lang ang gusto ko, siya lang wala ng iba.

Nung lumabas yung doktor sa ER ay napatayo kaming lahat.

"Where's the parent of the patient?" Tanong ni dok at tumingin saming lahat

"Wala po eh, ako po yung boyfriend niya. Doc, ano na pong nangyari? Okay lang po ba siya?" Sunod sunod na tanong ko

"Hmm, sir we have a problem. The patient is still unstabled. Malaki po ang natamong sugat ng pasyente sa likod at meron pong poison iyon na umiikot sa mga importanteng organs niya. Mahirap po ang kalagayan ng pasyente kaya ang masasabi ko lang ay 50-50, maaari po siyang mabuhay o di kaya ay mamatay. Tulad nga po ng sabi ko ay may poison na dumadaloy sa kanya at kinakain ang mga importanteng organs niya na ikinapanghihina niya at maaring mapunta sa ikamamatay na niya." Sabi ni doc na biglang parang pinagsasaksak ng paulit ulit yung puso ko

"DOC! HINDI SIYA PWEDENG MAMATAY! DOC!" Sigaw ko ng malakas atsaka hinawakan si doc sa kwelyo

"Anak! Rex!" Pigil nila sakin at pinalayo sa doctor

"Sorry sir, pero kailangan nalang po nating magdasal at manalangin sa Panginoon kung maililigtas pa po siya. Kailangan rin po ng pasyente na malagay sa OR, marami po kaming kailangan na gawing operasyon sa kanya dahil talaga pong kinakain ng poison ang mga importantemg organs niya hanggang mamatay nalang siya. Maaari niyo po siyang bisitahin kahit saglit at mamaya maya po ay dadalhin na namin siya sa OR." Mahabang sabi ng doktor at lumayo na samin

Napatakbo naman ako papasok sa ER, nakita ko si Preii, napaiyak ako sa nakita ko sa kalagayan niya, ang putla niya sobra at ang daming mga nakakabit sa kanya, nakita ko ang mukha at katawan niyang pumayat kaagad dahil sa may poison na dumadaloy sa loob niya, nilapitan ko siya nakita kong dahan dahan na bumukas ang mata niya.

Nasasaktan ako sa nakita ko at mas lalo akong nasaktan sa narinig ko, "Ma-mahal." Hinang hina na sabi niya
Tumulo agad ang luha ko pero agad ko iyong pinunasan, hindi dapat makita ni Preii na nahihirapan ako at baka bigla nalang siyang bumitaw, kailangan tulungan ko siyang maging malakas at kumapit mabuti, ako lang ang maaasahan niya kaya hindi dapat ako magpapakahina.

Nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya, nahihirapan na ang taong mahal ko, hinang hina na ang taong mahal ko at di iyon kinakaya ng puso ko, ayokong nakikita siyang ganito.

Tumabi ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay, nakita ko ang braso niyang malaki ang pinayat, "Mahal, shh, wag ka ng magsalita. Mahal andito lang ako ah? Kapit kalang ng mabuti, andito kami para tulungan at suportahan ka, alam mo mahal, paggumaling ka na at nalagpasan mo ang mga challenge na papagawa sayo ni doc, pupunta tayong dalawa sa puntod ng nanay at tatay mo, ipakilala mo ko at agad agad na kitang papakasalan. Pupuntahan natin ang iba't ibang mundo na gusto mong puntahan." Sabi ko na umiiyak pero parang masayang masayang ko sinasabi sa kanya

Nakita ko namang tumulo din ang luha niya at ngumiti, agad kong pinunasan yon, "Oo mahal, pupuntahan natin lahat at sa kasal natin, iimbitahin ko na rin si Nat bati na kami nun eh! Kaya mahal, kailangan malagpasan mo yon ah? Magpakagaling ka at lilisanin na natin ang hospital na to at kapag kasal na tayo, mamahalin kita ng buo at bubuo tayo ng anak kahit ilan mo pa gusto. Mahal na mahal kita Preii, kaya please, wag mo kong iiwan ha?" Sabi ko at agad na pinunasan ang luha ko

"Opo." Nakangiting sabi niya at hinalikan pa ang kamay kong nakahawak sa kanya

"Sir, kailangan na po natin siyang dalhin sa ER." Sabi ng isang nurse na kakapasok palang

Tumango naman ako, "Oh, mahal, ayan na. May challenge na sayo si dok! Galingan mo ah! At dapat manalo ka at malagpasan mo yon ah?" Sabi ko habang tuloy tuloy na umaagos ang luha ko

"O-oo, lalagpasan ko yo-yon, ba-basta kapag nagawa ko, tutuparin mo yu-yung si-sinabi mo ah?" Umiiyak na sabi niya

Tumango naman ako at hinalikan siya sa noo, binuhat na siya ng nurse sa higaan ng pasyente para maitulak na papuntang OR.

"Preii, FIGHTING!" Sabay sabay na sigaw ng mga kaibigan niyang nakafist bump habang umiiyak

Nginitian lang sila ni Preii, sumunod kami hanggang papuntang OR. Nang naipasok na siya, wala pang ilang minuto ay narinig namin ang daing niya, "Arggh!!! Haaaaaa! Mahal! Tulungan mo---haaaa! Ang sakit! Mahal!!!!" Rinig kong sigaw niya at sunod sunod ng tumulo ang luha ko

Naiyukom ko yung kamao ko, mahal, kaya mo yan.

Sunod sunod ang pagdaing niya sa sakit hanggang sa di ko na kinaya, tumakbo nalang ako palayo.

(A/N: Waaaah readers! Naiiyak ako habang tinatype ko to, kayo ba readers? Huhuhu! Doon sa tinanong ko noon, sino ang sumagot sa maayos na ending at sa hindi? Eto na ang sagot! Waaaah! Comment kayo guys! Last chapter na po ang susunod!!! Matatapos na ang kwentoooo!)

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now