Chapter 10: What's Going to Happen?

4.9K 169 16
                                    

(A/N: I dedicated this chapter to ajrvgabbeycepe siya ang pangalawang nakakuha ng tamang sagotttt! Enjoy reading guys!)

Preii's POV
Kinuha ko na ang laptop ko, napalingon ako sa likod at nakita ko yung dalawa na nagtitinginan ng masama.

Rex, kung hindi mo na ako mahal, bat ganto pa yung pinapakita mo sakin?

Naguguluhan ako kay Rex, kung hindi na niya ako mahal at may girlfriend na siya, hindi dapat siya magalit sa taong mahal ko (na kunware lang) at dapat hindi siya nakakaramdam ng selos, pero bat ganto?

"Saang link tayo kukuha ng mga impormasyon? Alam niyo ba kung saan?" Tanong ko sa kanila na agad silang lumingon sakin

"Ako, alam ko!" Sabay na sabi nila at tumayo

Nagkatinginan pa sila, "Edi tulungan niyo ko dito." Sabi ko

Pagkasabi ko ay agad agad silang tumakbo papalapit sa akin, naggigitgitan pa nga sila eh, pero si Nat parin ang naunang nakapunta.

"Eto oh." Sabi ni Nat na nasa likod ko

Hinawakan niya yung mouse kung saan din nakahawak yung kamay ko bale magkahawak ang kamay namin ngayon at yung mukha niya ay sobrang lapit sakin habang seryosong nakatingin sa screen.

"Hayst nako, wala bang makakain dito?!" Sigaw ni Rex at padabog na humiga sa kama

Narinig ko namang napatawa si Nat ng bahagya, pinapaselos niya talaga si Rex, bat nga ba hindi ko naisip ang planong ito? Kaya siguro hindi ko naisip ito dahil hindi ko naman kailangan pang manggamit pa ng ibang tao para lang makapagrevenge ako, gagamitin ko si Nat para sa ganito? Myghad syempre hindi, pero si Nat na mismo ang nagprisinta kaya umo-o na rin ako.

"Nat, upo ka muna dito, mangangawit ka niyan, maghanda lang ako ng makakain niyo." Sabi ko at tumayo

"Sige, sarapan mo ah." Sabi niya at kumindat sakin

Nakita ko namang napatingin si Rex samin, inis na inis naman ang mukha niya.

Nagluto ako ng panit canton, inilabas ko rin ang pizza na natira kaninang umaga kaya ininit ko pa to sa oven, nagtimpla na rin ako ng juice. Habang naghahanda ako ay alam ko na nakatingin si Rex dito sa pwesto ko, medyo naiilang ako pero pinabayaan ko na lang yon.

"Kain na!" Sigaw ko at agad agad na tumayo si Rex at umupo sa bangko

Iniwan ko naman siya doon at pinuntahan si Nat, sinundan naman ako ng tingin ni Rex, akala niya siguro sasabay akong kakain sa kanya.

"Nat, tara na." Sabi ko at hinawakan pa siya sa magkabilang balikat habang nakaupo sa bangko

Ngumiti si Nat at tumayo, hinawakan naman niya ang kamay ko papunta sa lamesa, naka kunot noong nakatingin naman si Rex sa kamay naming dalawa. Bago ako umupo ay tinulungan pa ako ni Nat na maupo sa bangko kaya hinila niya ito, umupo naman ako doon at tinulak na ang bangko paloob sa lamesa.

Umupo na rin naman si Nat, nilagyan niya ako ng canton sa plato ko at ng pizza. "Eto, Preii oh. Pakabusog ka." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko

Nakita ko namang inis na kinagat ni Rex yung pizza niya.

Rex, Rex, Rex, ang simple lang ng ginagawa ni Nat pero todo todo ka kung magselos, yung totoo, bakit ka ganyan?

"Hmm, Rex." Panimula ni Nat

Napatingin naman ako bigla kay Nat, bakit kakausapin niya si Rex ng wala man lang paalam sakin? I mean, bakit di ko alam kung ano ang sasabihin niya.

"Bakit?" Inis na tanong ni Rex

"Bantayan mo si Preii ah." Sabi niya sabay subo ng canton

Napakunot naman ang noo ko, bakit naman niya ako pinapabantay diyan sa mokong na yan? Nakalimutan na ba niyang ex ko yan na nanloko sakin na paghihigantihan ko ngayon?

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now