Chapter 11: I can't

4.6K 177 22
                                    

(A/N: I dedicated this chapter to EyeWonder21 Siya ang pangatlong nakakuha ng tamang sagot!!! Abangan sa notification niyo ang dalawa pang natitira! Enjoy reading guys!)

Preii's POV
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. May tumatawag kaya nakapikit ko itong sinagot.

"Hello?" Sagot ko

"Kagigising mo lang? Hoy, oras na! Mag-ti-3 na ineng!" Sigaw niya

Nagulat naman ako, magti-3 na?! Tumingin naman ako sa wall clock ko at tama nga. Grabe nalagpasan ko na ang breakfast at lunch, bat ganon naman? Siguro dala ito ng pagod ko kakaiyak kagabi.

"Ay sorry, hindi ko napansin, bat ka nga pala napatawag?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok

"Andito na kasi ako sa airport---wag ka ng pumunta! Diba sabi ko sayo kahapon, aalis ako." Sabi niya

Nalungkot na naman ako, hayst, hindi ko pa siya naihatid, mag-isa tuloy siya doon.

"Oo na, mag ingat ka nalang." Sabi ko at tumayo na sa kama atsaka pumunta sa banyo

"Hehe, alam mo naman kung bat ako pumasok sa AU diba atsaka pramis babalik ako agad." Sabi niya ng masigla

"Haha, oo na sige, maliligo pa ako, may gang fight na naman kami mamaya." Sabi ko at inilagay ang tuwalya sa balikat ko

"Sige, dapat panalo parin ah! Mamimiss kita, Preii! Love you!" Sabi niya

Nagulat naman ako dahil first time niya akong sinabihan ng I love you.

"Friend, hehe!" Dagdag niya atsaka agad ng pinatay ang linya

Pinabayaan ko nalang yon atsaka naligo na sa banyo, pagkatapos kong maligo ay pumunta naman ako sa kusina para magluto ng makakain, grabe first time ko lang din abutin ng ganitong oras na magising dahil lagi akong maaga. Hayst, ganon talaga kapag umiiyak ka sa gabi, mahirap, masakit at nakakapagod tapos pag nakatulog ka, matagal kang magigising dahil kumukuha ka na naman ng energy na nawala kagabi kakaiyak.

Kumain nalang ako ng mabilisan, kinuha ko na rin yung outfit ko para mamaya, sumakay na ako sa kotse ko at pumunta doon sa village.

"Oh, Preii! Bat ngayon ka lang? Akala namin maaga kang pupunta dito tulad noon." Sabi ni Yanna

"Nalate ako ng gising eh, sorry." Sabi ko

Yung mga mukha naman nila, nagulat kasi never pa akong tinanghali ng gising.

Napatingin naman ako sa oras, magsi-6 na. "Ready na kayo?" Tanong ko sa kanila habang nagtatanggal ng damit

Sanay na kaming ganyan, yung magbibihis ka sa harap ng mga kaibigan mo, ginagawa na namin to noon pa.

"Ready-ing ready!" Sigaw ni Lian

Lumipas ang ilang oras ay nag-8 na ng gabi, sumakay na kami sa bigbike at pinaharurot papuntang GD. Marami na namang tao, hindi lahat ng nandirito ay naimbita ng GW, talagang pumunta lang sila dito para mapanuod ang idol nilang grupo.

Pagpasok namin ay sabay sabay silang tumili at sumigaw ng, "5 Jacks!"

Pumwesto naman kaming apat sa kung saan uupo ang mga naimbita sa gabing ito, pagkaupo namin ay sumigaw at tumili na naman ang mga tao, "The Wanteds!"

Umupo na rin sila dito sa bangko, tulad nga ng sabi ko, kaaway na ulit ang tingin namin sa isa't isa, lahat ng nangyari sa wild party ay para lang sa gabing iyon.

"Good evening, fuckers!" Sigaw ng host

"And now, we invited this group for this tonight, we have a gang fight again!" Sigaw niya

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now