Chapter 8: Stop It

4.4K 189 42
                                    

(A/N: Maraming nakatamang sagot!!! Abangan niyo nalang po ang pagdedicate ko sa mga susunod kong chapters! Love you readers! Ngayon ay may dededicate-tan muna ako, chrichristine_ Eto na :) haha thank you sa pagbabasa ng story ko ha? Enjoy reading guys!)

Preii's POV
"Rex, eto oh, inom ka muna, shake." Sabi ko at inilahad ang kamay kong may hawak na shake

Kinuha niya yon at biglang itinapon sa sahig. Nagulat naman ako sa ginawa niya, galit na galit siya at mas nagulat ako sa sumunod na ginawa niya bigla niya akong hinawakan ng madiin sa pulso at sinigawan.

"Bakit mo ba ginagawa to?!" Sigaw niya

"Ang alin?" Inosenteng tanong ko

"Eto! Etong mga pagbibigay mo ng kung ano-ano, kung hanggang ngayon ay hindi ka parin nakakamove-on, pwes magmove on ka na!" Sigaw niya sakin

"Hahaha-move on? Ano ka ba, Rex nakamove on na ako haha! Atsaka ginagawa ko to because you're my friend! Ikaw lang naman tong nagbibigay malisya eh, bakit nagugustuhan mo ba kaya pinapatigil mo na ako dahil natatakot kang malaman ng GIRLFRIEND mo?" Tanong ko habang nakataas ang kanang kilay ko

"Iba ka na, Preii! Hindi na ikaw yung Preii na kilala ko! Yung Preii na mabait! Yung Preii na nakikinig sa mga taong nasa paligid niya, yung Preii na hindi ganito sa harap ko, yung Pre---" Hindi ko na siya pinatapos tapos dahil binalibag ko ang kamay niyang nakahawak sa pupulsuhan ko

"Preii ka ng Preii! Wala na ang Preii na yon! Wala na siya dahil lahat nalang inaabuso siya! Kung ayaw mo ng KINAKAIBIGAN ka ulit dahil nabibigyan mo ng MALISYA edi OKAY! Madali akong kausap!" Sabi ko at akmang aalis ng may makalimutan ako

Bumalik ako sa harap niya, "Oh eto, nakalimutan kong ibigay, magsaya ka sa pag inom ng shake!" Sigaw ko at itinapon sa mukha niya yung tissue

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay may bigla na lang na humila sa buhok ko.

"Ang landi mo talaga!" Sigaw niya at nakita ko kung sino yung hinayupak na humila sa maganda kong buhok

Tinignan ko siya at nagsmirk, tinanggal ko naman ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko at hinarap siya.

"Wow---yung sarili mo ba ang sinasabihan mo niyan?" Sabi ko at nagsmirk

"Walanghiya ka talaga!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako nang agad ko na siyang sinampal ng malakas

Nagulat naman siya sa ginagawa ko, "Bakit, masakit ba? Mahapdi ba? Nangingirot ba?" Mapang asar na tanong ko sa kanya

"Ang kati mo talaga! Wag na wag ka ng didikit sa boyfriend ko!" Sigaw niya

"Haha---ang lakas naman pala ng loob mong sabihan ako ng makati? Eh mas makati ka pa nga ata sa balat na kinagat ng lamok eh! At anong sabi mo? Wag ng dumikit sa boyfriend mo? Eh bakit nung kami noon, sinabi ko ba yan sayo? Pinalayo ko ba siya sayo? Hah, ano ngayon? Masakit ba na nakikita mong may babaeng dumidikit sa boyfriend mo? Nakakaselos ba? Pwes ngayon alam mo na ang nararamdaman ko nung oras na nilalandi mo ang boyfriend ko!" Sigaw ko at sinampal ulit siya ng mabilisan sa kabila

"How dare you!" Sigaw niya

"How dare you too! Kung bitch ka, tandaan mo Phoebe mas bitch ako. Hinding hindi na ako nagpapatalo kahit kanino, hindi na ako yung mahi-mahina." Sabi ko at akmang aalis ng bumalik ulit ako sa harapan niya

"Ay may nakalimutan ako, habang maaga gumamit ka na ng ointment na pangpatanggal ng kati para kahit konti naman mabawasan yang landi mo." Sabi ko at binatuhan siya ng limang libo

Lumakad na ako palayo sa kanya, "I don't need this! I have a lots of money!" Sigaw niya

Humarap naman ako sa kanya, "Weh? Di nga? Bakit hindi halata sayo? Akala ko kasi bayaran ka." Sabi ko at nagflip pa ng hair at pumunta na ng classroom

Nung nakapasok na ako nakita ko si Rex na akay akay si Phoebe na umiiyak, tumingin naman sakin si Rex at inirapan ko siya. Tsk, papanindigan ko talaga ang sinabi mong tigilan ka sa pagka-usap.

Nagcecellphone ako habang hinihintay namin ang prof nang biglang dumating na siya, "Okay class, may bago kayong kaklase na makakasama, pasok ka." Sabi nung prof habang ako titig parin sa screen ng cellphone ko

"Hello." Rinig kong boses ng isang lalaki sa harap

Pamilyar sakin ang boses niya pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil busy ako sa paglalaro.

"Hello!" Pag uulit niya sa hello

Napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin yung mga kaklase ko sakin pero wala parin akong pake, busy ako sa paglalaro at baka mataya pa ako, highscore na kaya ako!

"Hello, Ms. Ortega." Sabi nung lalaki na napatingin ako sa harap

Malamang at titingin at titingin ka talaga dahil naghello siya na binanggit pa ang apelyido mo, hindi ka ba titingin?

Nagulat ako ng makita ko siya, nung nakita niyang nagulat ako ay ngumiti siya sakin na ikinatili ng mga babae kong kaklase.

"My name is Nathaniel Yu, 19 years old, and that girl *sabay turo sakin* she's the one for me. Sir, can I sit beside her?" Tanong ni Nat

Si Nat nga, papasok siya sa school? Malamang nakauniform siya eh, eh pano yung business niya?

Ngumiti siyang nakaupo sa tabi ko at pagkaupo niya ay agad ko siyang pinalo sa balikat, "Bakit nandito ka?! Diba may trabaho k----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya

"Grabe ka naman, ganyan ba talaga ang pambungad mo? Hindi mo ba ako namiss? Kasi ako, namiss kita." Sabi niya sabay yakap sakin na ikinatili ng mga kaklase ko

Napatingin naman ako kila Ali na nakangiti at nakathumbs up pa, tapos napatingin ako kay Rex na sa taas ng kisame na nakatingin.

"Ms. Ortega, are you two dating?" Tanong ni Sir

"No, si---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong akbayan ni Nat

"Yes, sir. And I really love this girl." Sabi niya sabay kindat sakin

Sinamaan ko naman siya ng tingin na pinapahiwatig na, 'siguraduhin mong bibigyan mo ko ng magandang dahilan.'

Pagkaakbay sakin ni Nat ay may narinig kaming usog ng bangko, "Sir, may I go out?" Tanong na seryoso ni Rex

"Sure, Mr. Felicidario." Sagot ng prof namin at agad agad siyang lumabas ng room

Pero bago siya makalabas ay tumili muna ulit yung mga kaklase namin dahil ngumuso si Nat na parang gusto ng halik.

Naidabog naman bigla ni Rex yung pinto pasara, "Sorry." Sabi ni Rex at umalis na

Anyare don?

(A/N: Readers, kamusta ang update ko? Hahaha! Abangan niyo sa notification niyo kung sino ang dededicate-tan ko! Abangan ang sunod kong update? Love you!)

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon