Chapter 9: Is He Jealous?

5.1K 199 33
                                    

(A/N: I dedicated this chapter sa unang taong nakasagot ng tamang sagot! Eto na ang dedication kooo! Gwensterxx Enjoy reading, guys!)

Preii's POV
Nung break time ay agad kong hinila si Nat sa sulok na walang tao.

"Nat, ano ba yung sinasabi mo?!" Inis kong tanong sa kanya

"Relax." Sabi niya at nilagay ang dalawang sa magkabilang balikat ko

Tinanggal ko naman at inis na tinignan siya, "Anong relax? Eh ang sabi mo kaya, nagde-date tayo!" Sigaw ko

"I mean relax, 'cause I have a plan." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko

Napawi naman ang inis ko, "Plan? Ano naman?" Tanong ko

"I'm helping you for your revenge, we'll act as if I'm your boyfriend." Sabi niya

Napaisip naman ako, magandang ideya nga yon. Pero paano naman matatamaan si Rex ng plano naming to?

"How's your plan can help my revenge? Rex, don't even like me anymore and he have a girlfriend." Sabi ko

"You know what, Preii? Ang manhid mo! Hindi mo ba nakita ang reaksiyon niya kanina sa room? He's damn jealous!" Sabi niya at tumawa

Nagseselos siya? "Well, mukhang maganda nga haha! Tara, kumain na muna tayo." Sabi ko at hinila siya sa cafeteria

Habang naglalakad kami sa AU ay napapatingin ang mga estudyante samin syempre dahil isang gwapong lalaki na nakahawak sa bewang ng isang maganda babae, hawak hawak ako ni Nat at ako naman ay nakaakbay sa balikat niya.

Pagpasok namin sa cafeteria ay mas lalo kaming nakakuha ng atensiyon, napatingin ako kila Ali na nakangiti samin ng nang aasar. Napatingin ako sa pwesto ni Rex na agad ng iniba ang direksiyon.

"Ayieee! Andiyan na ang PreiiNiel natin!" Rinig kong sigaw ng isang babae na rinig ng buong cafeteria

"Waaah! Ang sweet nila, bagay na bagay talaga sila!!!" Sigaw din nung isa

May mga ibang estudyante namang lumapit samin, yung isa nga may dala pang microphone na rinig pa ata ng buong AU.

"Nathaniel, kayo na ba ni Preii?" Tanong ng isang estudyante na narinig pa namin ang boses niyang umalingawngaw sa loob ng cafeteria dahil naka-mic siya nung nagsalita

"Haha---hindi pa." Nakangiti sabi ni Nat na ikinatili nila

"Preii, sasagutin mo ba ang Papa Nat namin?" Tanong ulit nung isang estudyante

"Of course! Nasa kanya na ang lahat eh, mabait, gwapo, sweet, maalaga, mayaman at sigurading sigurado ka na hindi ka niya LOLOKOHIN." Pagpaparinig ko at tumingin sa direksiyon nila Rex

Nagtilian na naman ang mga estuydante ng tumayo si Rex at kinuha ang isang mic. "Bakit ninyo ginagamit ang microphone ng AU para sa walang bagay?!" Sigaw niya pa sa mga estudyante

Iniwan nalang namin sila doon na nag aaway, "Sabi sayo, effective eh." Bulong sakin ni Nat na ikinangiti naming dalawa

Habang kumakain kami ay nagtatawanan kami at sinusubuan niya ako. Pinisil naman niya yung pisngi ko na nakasanayan na niya.

"Bakit eto ang binigay mo?! Eto ba yung inorder ko?! Tatanga tanga!" Rinig kong sigaw ni Rex sa isang waiter dito sa AU

Nagtawanan na lang kami ni Nat dahil simula nung dumating si Nat ay lagi na siyang beastmode.

Bumalik na kami sa classroom at pumasok ang prof namin. "Okay class, may project kayo sakin, group project iyon. 3 members kada isang group, ako na rin ang namili kung sino ang makakagrupo niyo.

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now