Chapter 28: His BIRTHDAY Part 2

3K 112 2
                                    

Preii's POV
Pumunta ulit kami sa dance floor at nagpatugtog na naman ang DJ, "Let's dance party people!" Sigaw niya at iniba ang kanta

(Shut Up and Dance - Walk The Moon)

Lumapit si Rex sakin at hinawakan ako sa bewang, humawak naman ako sa magkabilang balikat niya at umiindak kami na sumasayaw, tumatawa pa nga kami ni Rex.

May sinabi si Rex pero di ko marinig sa lakas ng tugtog, "Ha? Ano?" Sigaw ko at lumapit sa kanya

"Nag-e-enjoy ka ba kako?" Sigaw din niya at lumapit sakin

"Oo! Happy birthday ulit, mahal!" Sabi ko at niyakap na siya

Kumalas naman siya at nagpakitang gilas na sumayaw, "Woahhh! Si birthday boy ang galing sumayaw!" Sigaw ng mga tao at tumigil sila sa pagsayaw atsaka tinignan si Rex

Tinanguan naman niya ako at nagcrossed arms naman siya na ibig sabihin na ako naman, tinanggal ko muna ang mataas na heels ko at nagpakitang gilas din.

"Woaaaah!" Sigawan ng mga tao

Ngumiti naman ako sa kanya at ngumiti rin siya, "Okay, let's move on in the slow dance! Get your girl and dance!" Sigaw ng DJ at pinalitan ang kanta ng slow

(She is love - Parachute)

Nakangiting lumapit sakin si Rex, hinawakan niya yung bewang ko gamit ang kanang kamay niya, kinuha niya ang kaliwang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya, yung kanang kamay ko naman ay sumampa sa balikat niya.

"The color love love love love love, The color love love love love love, The color love love love love love, she is love and she's all one I need." Kanta niya pa habang nakatingin sa mata ko

Natutunaw naman ako sa mga titig niya, "Mahal, ipapakilala na kita mamaya, mahal na mahal kita kaya wala ka dapat na ipangamba ha?" Sabi niya

Tumango naman ako, lumayo siya sakin at kinuha ang bouquet of roses, "Mahal para sayo to." Sabi niya at binigay sakin

Napaluha naman ako at niyakap siya, pinalo ko siya ng mahina sa dibdib, "Ikaw talaga, lagi mo kong pinapaiyak, sayang tuloy make up ko." Sabi ko na umiiyak na

Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo ng napakatagal hanggang sa matapos ang kanta.

"Okay, kain muna tayo, may magseserve nalang sa inyo kaya balik na kayo sa lamesa niyo." Sabi nung mama niya na nakangiti at lumiwanag ng muli ang buong hall

Hawak hawak ni Rex ang kamay ko ng bumalik kami sa lamesa namin, katabi ko siya, "Tara selfie tayo." Pag aaya ko

Kinuha ko yung cellphone ko at pinundot sa camera, ngumiti ako at ngumiti din siya pero bago ko pa man makacapture ay agad niya akong hinalikan sa pisngi kaya yung picture namin ay nakahalik siya sakin.

"Ikaw talaga." Sabi ko sabay pisil sa ilong niya

Ngumiti lang siya ng gwapo, hayst ang gwapo gwapo niya talaga.

Dumating na rin ang mga waiters at sinerve nasa amin ang mga pagkain, 5 putaheng ulam, maraming kanin at 3 desserts.

Naka-tray lahat yon na nilagay sa lamesa namin, pati sa ibang lamesa, nilagay din lahat yon kaya ang lahat ng lamesa namin ay may mga naka-tray.

Nagpatugtog naman ang DJ habang kumakain kami, nung natapos na kami ay bigla akong hinawakan ni Rex sa kamay, "Mahal tara." Sabi niya na nakatayo

Tumayo naman ako at hinila niya ako papalapit sa entablado, napakapit naman ako ng mahigpit sa kamay niya, "Mahal, wag kang kabahan, andito ako." Sabi niya at hinila ulit ako

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now