Chapter 23:Broken Mask

3.4K 130 8
                                    

Chapter 23: Broken Mask

Preii's POV
Nung nawala na si Nat sa paningin ko ay sinimulan ko na ring maglakad palabas sa airport. Pinuntahan ko ang sasakyan na pinapaalaga sakin ni Nat habang wala siya dito sa pinas.

Tinignan ko ang suot kong relo, malapit na yung pasok ko para sa hapon. Umuwi muna ako sa bahay at naligo sandali. Sa school na lang ako kakain kaya dali dali akong nagbihis ng uniporme.

Lalabas na ako at binuksan ko ang pintuan, nagulat ako kung sino ang nakasandal sa gilid ng pinto. "Re-rex." Utal na sambit ko

Seryoso ang mukha niya, galit siya pero wala siyang sinasabi, tinititigan lang niya ako gamit ang mga seryoso niyang mata.

"Rex, bat ka nand---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumasok siya sa loob

Napahakbang naman ako patalikod, pumasok siya sa bahay at sinara ng padabog ang pinto, "Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" Seryosong tanong niya habang titig na titig sa mata ko na parang sinasabing kung magsinungaling man ako malalaman parin niya

"Hindi ba sinabi sayo ni A---" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng unahan na naman niya ako

"Sinabi niya, ang tanong ko kung talagang importante pa ba ang lintek na Nat na yon imbes na magpahinga ka? Diba may sakit ka?! Eh bat naggagala ka pa kasama siya?!!!" Sigaw niya ng napakalakas na napapikit pa ako

Kitang kita mo na galit na galit talaga siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Rex, let me ex---" Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng ilabas niya ang cellphone niya na maraming sunod sunod na tawag niya sa numero ko

"Pati ba cellphone mo ay nakapatay kasi enjoy na enjoy ka? Ha?! Preii?! Diba ako yung boyfriend mo? Bakit lumalabas ka kasama ang ibang lalaki?!!!" Sigaw niya ulit ng napakalakas

"Rex, nalowbat ako, sorry." Sabi ki

"Putang dahilan yan! Nalowbat? Ni hindi ka na nga nagtext sakin kagabi kung ayos ka lang eh! Nagtext ka lang kaninang umaga tapos sasabihin mong lowbat ka?! Ni hindi mo lang ba naisip kung gaano ako nag aalala? Tapos malalaman ko lang na hindi ka pumasok para lang makasama yung Nat na yon habang may sakit ka!!!" Sigaw na naman niya at naisukalay pa niya ang mga daliri niya sa buhok niya sa pagkainis

"Rex, ang totoo, hindi talaga ako nagkasakit kahapon." Sabi ko at yumuko

Tanggap ko naman nagsinungaling ako eh.

"Nagsinungaling ka...haha nagsinungaling ka pa talaga para lang makalabas kasama yon?! Tangina, Preii! Pinili pili mo ko tapos sasama ka rin pala sa lalaking yon!" Sigaw niya

Hindi pwedeng magalit din ako dahil walang mangyayari sa usapan naming to, mauuwi parin to sa away kung sasabayan ko pa ang galit niya kahit na hindi niya ako pinapa-explain at iniintindi.

Tumalikod siya at aalis na dapat sa bahay ng lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod, "So-sorry Rex, totoo lahat ng sinasabi ko, nalowbat talaga ako, hinatid ko lang si Nat sa airport kasi aalis na siya ng pinas. Please, Rex, wag ka ng magalit. Please, sana magkaayos na tayo." Sabi ko

Tahimik lang siya, hindi siya gumagalaw at hindi niya tinatanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya.

Humarap siya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Sorry din mahal, pero sana sa susunod sinasabi mo lahat para hindi ako nag aalala. Nagselos lang naman ako eh, kasi nagawa mo pang gumala kasama siya kaysa pumasok sa school at makasama ako." Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi

Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit, niyakap din naman niya ako at hinaplos ang buhok ko, "Tara na at malelate na tayo." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now