Chapter 18: Love Love Love Part 3

3.9K 135 16
                                    

(A/N: Waaaah readers! Sad to say pero totoo!!! Basahin ang huling huling authors note ko. Totoo po yan. Waaaah!)

Rose's POV
Andito ako sa classroom kasama si Marlon, andami na palang nangyari simula nung umalis ako. Andito si Marlon sa tabi ko.

"Namiss kita, Rose." Sabi niya

Antagal na naming hindi nagkita, kaya nung pagpasok nila Jake sa classroom ay nagulat siya at bigla akong niyakap.

"Namiss din kita, sorry kung nawala ako bigla ah?" Sabi ko

"Okay lang, naghintay naman ako at umasang babalik ka, hindi ako nagkamali kasi nagkatotoo." Sabi niya

"So, love mo parin ako?" Tanong ko

"Aba syempre! Love na love!" Sigaw niya at umakbay pa sa akin

"Sshh, ang ingay mo haha!" Mahinang sabi ko at tinakpan pa ang bibig niya

"Bakit? Hayaan mong ipakita ko sa kanila kung gaano kita kamahal!" Mayabang na sabi niya

Wala kaming teacher ngayon, absent daw eh. Nakakatawa talaga tong lalaking to, ang kulit!

Bigla namang pumasok si Rex at Preii na magkasama.

"Rose, sila Ali?" Tanong nila

"Umalis silang lahat eh, nag usap usap." Sabi ko

"Ah ganon, kamusta kayo ni Marlon? Napag usapan niyo na ba ang dapat pag usapan?" Tanong ni Preii

"Oo, tapos na. Bakit niyo nga pala sila hinahanap?" Tanong ko

"Ngayon kasi yung araw na yung schedule nila Zhyrah, Jairon at Mic ay magkakasabay sa break natin. Kaya gusto ko, sabay sabay tayong kakain." Sabi ni Preii

"Hanapin nalang natin sila, paniguradong nagkaayos na yung mga yon, antagal nilang nawala eh." Sabi ko

Tumayo naman na kaming dalawa ni Marlon, hinawakan naman ako sa bewang ni Marlon.

Preii's POV
Palabas na kami ng classroom, eto naman si Rex hinawakan ako bigla sa kamay.

Kinuha ko naman yung cellphone ko, i-g-gps ko nalang yung mga cellphone nila.

"Unahin muna natin sila Yanna, naglalakad sila paalis ng field." Sabi ko at tinahak namin ang daan papunta doon

Nakita naman namin silang umiinom ng softdrinks, "Oh Preii!" Sabi ni Yanna at tumakbo papalapit samin

"Kamusta na kayo?" Tanong ni Rose

"Nagkaayos na kami, haha nga pala pano niyo kami nahanap?" Tanong ni Yanna

"Nag-gps ako, mabuti nga at bukas yung iyo eh. Nga pala, sabay sabay tayong magbreak. Ngayong araw yung schedule nila Zhyrah na makikisabay sila." Sabi ko

"Sige, Rence tara! Magbreak na daw tayo!" Sigaw ni Yanna

"HA?! Sino nagsabi?!" Sigaw ni Rence

Nagtaka naman ang mukha ni Yanna dahil bat biglang nasigaw tong lalaking to, "Sila Preii." Sabi ni Yanna

"ANO?! Yanna, wag tayong maghiwalay, mahal na mahal kita, wag tayong magbreak!" Sigaw ni Terrence na naiiyak na

"Tongek ka talaga *sabay batok kay Terrence* hindi break as in maghihiwalay, break means kakain, kung ano ano nasa isip mo, tara na!" Mataray na sabi ni Yanna at hinawakan sa kamay si Terrence

Haha! Loko talaga yon!

"Puntahan naman natin sila Lian, nasa rooftop sila." Sabi ko at tinahak namin ang daan papunta kila Lian

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now