Chapter 26:Preparing for MY BOYFRIEND's Birthday

3.5K 121 10
                                    

Chapter 26: Preparing for MY BOYFRIEND's Birthday

Preii's POV
Nagsasalita si Rex sa harap ko pero ang tanging natuunan ko lang ng pansin ay ang sinabi niyang to, "Mahal na mahal kita, Precious Anne Ortega, apat na salita lang ang sasabihin ko, WILL YOU MARRY ME?" Pagkasabing pagkasabi niya nun ay agad siyang lumuhod at kinuha ang kanang kamay ko

Naluha naman ako bigla, napatingin ako sa paligid, may mga batang nakapila na may hawak na mga lobo at mga tangkay ng rosas, napatingin ako sa mga magulang na todo ang ngiti samin, sa parkeng ito ay mga mga grupo ng mga kalalakihan na may katandaan na nagbabanda para kahit papano ay may kita, bigla nilang pinatugtog ang gitarang hawak nila at kumanta.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko gamit ang kaliwang kamay ko, "Rex, yes, I will marry you because I love you too." Sabi ko habang tuloy tuloy na tumulo ang luha ko na parang gripo

Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na naiiyak na rin siya, dahan dahan niyang sinuot sakin ang napakagandang singsing kahit na napakasimple, tumayo siya at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Pasasayahin kita kapag naging asawa na kita, pagsisilbihan kita, mamahalin kita at liligawan kita araw araw, mahal na mahal kita Preii at excited na ako sa kasal nating dalawa." Sabi niya atsaka hinalikan ako sa noo

Nung sinabi niyang kasal ay agad sumagip sa isip ko ang mama niya, "Pa-pano si mama mo?" Utal kong tanong sa kanya

"Preii, hindi na ako muling susunod sa mga pananakot niya sa akin, ayokong mawala ka ulit, lalagpasan ko yon, mahal na mahal kita at wala ng makakapigil na sino man." Sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang kamay

Napangiti naman ako, "Mahal na mahal rin kita, Rex na magiging asawa ko." Sabi ko at ngumiti

Pinisil naman niya ang ilong ko at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pang bridal style, "Maraming salamat po sa kooperasyon ninyo, sa tulong na ginawa niyo ay napapayag ko ang pinakamamahal kong babae na papakasalan ako, maraming marami pong salamat!" Sigaw ni Rex na humarap pa sa mga taong tumulong at nanunuod samin

"Walang anuman ijo---ayos po yon Kuya Rex!" Sabay sabay na sabi ng mga tao

Ngumiti siya sakin atsaka dinala niya ako sa loob ng sasakyan, "Kakain muna tayo, gusto mo ba sa mamahalin na restaurant para maicelebrate natin ang masayang nangyari ngayon?" Masiglang tanong niya

"Wag na, Rex, doon nalang sa simple. Ipunin mo nalang yan para sa kasal natin." Sabi ko

Ngumiti naman siya bigla, "Ahuh! Iniisip niya talaga ang kasal namin!" Pang aasar niya at kiniliti pa ako

"Rex, tumigil ka nga!" Tunatawang pigil ko sa kanya

"Marami naman akong pera, Preii para sa kasal natin." Sabi niya at hinaplos ako sa buhok

"Kahit na, basta wag na sa mamahalin, okay?" Seryosong sabi ko at mukhang di na siya papalag pa

Nginitian niya muna ako at pinaandar na ang sasakyan, dinala naman niya ako sa simpleng kainan lamang, uy hindi karinderya ah! Haha! Pero kahit simple masasarap ang mga pagkain at kakaiba.

Nung natapos kaming kumain ay naggala gala kami sa mall hanggang sa malapit ng maggabi, "Preii, panuorin natin ang sunset." Pag aaya niya sakin

Napangiti naman ako bigla sa pagyayaya niya, ni hindi ko pa napapanuod sa personal ang sunset. Tanging sa youtube lang at mga movies.

"Sige ba!" Masiglang sabi ko at ngumiti

Tutal nasa mall kami ngayon, may malapit na dagat dito kaya nilakad nalang namin to. Nung nakapunta na kami sa dagat, nilibot ko ang paningin ko, ang ganda...napakaganda! Maraming mga couples ang nadirito at talagang inaabangan ang sunset, may mga barko pa sa gilid nito at may tulay sa gitna ng dagat para kapag gusto mong kumuha ng litrato sa magandang view nito.

Umupo naman kami at tumingin sa dagat, "Malapit ng magsunset, mahal." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko

Tinignan ko naman ang suot kong relo, malapit na nga, mga isang minuto nalang.

"Mahal, hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to, napakasaya ko mahal at alam mo, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ulit tayo ng pagkakataon para magkita tayong muli, mahal ko." Sabi niya habang nakatingin sakin

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang araw na papalubog na, "At mahal, bukas na ang birthday ko, gusto ko susuotin mo yung binili ko sayo ah? Sa hall ng AU gaganapin yon at pigilan man ako nila mama, wala akong pake, pwede naman kitang itanan at walang problema sakin yon, mahal na mahal kita, Preii." Sabi niya at tumingin na rin sa araw na bumababa

Napangiti ako sa sinabi ni Rex, nakakatuwang isipin na kahit lalaki siya ay kaya niyang sabihin ang mga ganito sakin, nagbibigay siya ng effort para lang mag isip ng mahaba na sasabihin niya, kakaiba si Rex kaya mahal na mahal ko siya.

Humiga naman ako sa balikat niya at kumapit sa braso niya habang pinapanuod naming dalawa ang paglubog ng araw, nung lumubog na ito ay napatingin ako kay Rex na nakangusong may itinuturo.

Tumingin naman ako sa likod at may nakita ako doong couple na naghahalikan, inilibot ko ang paningin ko at ganon din ang ginagawa nila, naghahalikan. Iniharap naman ni Rex ang mukha ko sa kanya, "Kiss mo rin ako." Sabi niya at ngumuso

"Rex, nasa pub---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agad niya akong hinila palapit sa kanya at hinalikan

KINABUKASAN
After nung nangyari kahapon ay hinatid na ako ni Rex sa bahay, mga gabi na rin niya akong hinatid kaya pagpunta ko sa bahay ay wala na sila Jake at sila Jairon. Nang asar pa nga sila Ali eh.

Pagkagising ko ay umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone na nasa ilalim ng unan ko. Wala pa akong text na natatanggap sa kanya ngayong umaga, baka tulog parin kaya ako na ang unang nagtext.

To: Mahal KO
Mahal! Good morning po! Birthday mo na mahal! Waaah! Happy birthday, I love you! Ngayong magiging asawa mo na ako sana mamaya makita kitang masaya ah, ayokong makita kang malungkot okay? Sana maging maayos na ang lahat mahal at wala ng maging problema pa, mahal na mahal kita at wala ng makakasira nun! Happy birthday ulit, mahal! Pagwapo ka mamaya ah----ay! Gwapo ka na pala haha! Sige, I love you JOHN REXELL FELICIDARIO!

Pagkasend ko nun ay agad akong tumayo at pumasok sa banyo para magmumog, bababa na sana ako ng biglang tumunog yung cellphone ko, nakita kong nagtext si Rex.

From: Mahal KO
Good morning mahal! Maraming salamat, naappreciate ko yang talata mo ah! Kanina pa ako gising, hinihintay ko lang yung text mo. I miss you, oo miss na kita agad kahit kagabi ay nakasama kita. Oo magiging asawa mo na talaga ako at excited na ako sa kasal nating dalawa! Suotin mo yung damit ah, ipapakilala kita ng maayos sa buong invited sa birthday ko, ipapakilala ko sa kanila ang babaeng pinakamaganda at pinakamamahal ko. Mahal na mahal rin kita kaya mamaya sana maraming kiss ah? Hahaha, sige mahal, salamat ulit at mahal na mahal kita PRECIOUS ANNE ORTEGA-FELICIDARIO, pero ang totoo ay JAYMIE FLORES-PLETT.

Napangiti naman ako bigla pero napataas ang kilay ko, kelan niya pa nalaman ang totoong pangalan ko? Nevermind na nga atlis wala na kaming sikretong tinatago sa kanila.

(A/N: Waaaah! Bday na ni Papa Rex! Batiin niyo siya readers! Pwede ring magtalata for him! Hahaha! Readers, sa tingin niyo magiging maayos ba ang huling pahina ng librong ito? O magiging hindi na naman tulad ng book 1? Comment kayo!!!)

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon