Chapter 21:Goodbye Nat Part 1

3.8K 133 12
                                    

Chapter 21: Goodbye Nat Part 1

Preii's POV
Pumunta na ako sa cafe kung saan magkikita kami ni Nat.

Nakita ko siyang nakaupo sa paborito naming upuan nung panahon na lagi kaming magkasama at pagkatapos ng araw na to, aalis na siya, minsanan ko nalang siya makikita at wala na kaming komunikasyon pa. Nalulungkot ako dahil kaibigan ko siya at ayoko siyang mawala.

"Preii!" Nakangiting sabi niya at lumapit sakin

"Uy, Nat. Ano saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nung nakalapit na siya sa akin at tumingin ako sa mga bagahe niyang dala

Talagang tuloy na tuloy na ang pag alis niya. Wala na rin yung mga damit niya kanina sa bahay, ni isa walang natira. Maaga siyang umalis kaya hindi ko na siya naabutan sa bahay.

"Hmm, wala pa akong naiisip eh. Gusto mo ba sa Play Zone?" Tanong niya

"Anong oras ba flight mo?" Tanong ko

"Mga after lunch, kailangan ko rin kasing makapunta doon kaagad." Sabi niya at kinuha ang mga bagahe niya

"Tulungan na kita." Sabi ko at akmang kukunin yung isang bag nang ilayo niya sakin

"Wag na, kaya ko naman." Sabi niya at sabay na kaming naglakad palabas ng Cafe na yon

*ringggg ringggg*

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ko at napatingin din doon si Nat, si Rex tumatawag.

Sinagot ko naman ito agad, "Hel---" Hindi ko na natuloy dahil narinig kong parang namatay

Tinignan ko naman yung screen, nakapatay, pinindot ko yung power switch pero langya, hindi ako nakapagcharge! Baka magalit sakin di Rex, hayst buhay.

"Nat, may dala ka bang phone diyan?" Tanong ko para makapagpaalam naman ako kay Rex

Kahit na alam kong sasabihin ni Ali kung bat hindi ako pumasok ay kailangan ko paring sabihin na galing sakin.

"Ay, Preii. Hindi rin ako nagcharge kasi alam kong alam mo na kung saan pupunta atsaka bawal ang gumamit ng phone sa airplane kaya di ko na talaga chinarge." Pagpapaliwanag niya

Hayst, pano to? Mamaya ko na nga lang kakausapin si Rex kapag pumasok na ako. Papasok naman ako ng hapon eh.

Sumakay na kami sa sasakyan niya at pumunta sa Play Zone. Ang Play Zone ay isang lugar kung saan makakakita ka ng napakadaming arcades, tulad ng basketball, kuhanan ng stuffed toys, mga sasakyan na sinasakyan ng mga bata, videokehan, sayawan at iba iba pang palaruan.

Kumuha ng pera si Nat sa wallet niya at ipinambayad ang 1000 niya, "Tara, magsawa tayo dito." Nakangiting sabi niya at hinawakan ako sa kamay

Naalala ko bigla si Kevin, nung araw na aalis din siya ay naggala kaming dalawa. Doon sa Wonderland, ngayon naman si Nat.

Hinila niya ako papunta sa basketbolan, "Pataasan tayo?" Nakangiting hamon niya

Alam kong magaling si Nat dito at ang score niya ay umaabot hanggang sa 580, noon pa man nung nasa ibang bansa kami habang magmomove on ako ay naglaro si Nat at sobrang taas ng score niya. Kahit na imposibleng matalo ko siya ay nakipaghamunan parin ako sa kanya, maaaring last day na tong masayang gala namin ni Nat at maaaring last day na rin na kita ko sa kanya kaya hindi na ako umayaw, hindi na ako naging KJ, susulitin ko na ang araw na to na kasama ang taong tumulong sakin nung mga panahon na sobrang talo ako, yung taong nandiyan palagi sa tabi ko at yung isa sa lalaking bestfriend ko.

Nagsimula na ang laban namin at kinuha ko agad yung bola na gumugulong papalapit sakin. Sobrang bilis kumilos ni Nat, kada may gumugulong papalapit sa kanya ay agad niya itong shinu-shoot. At sa mga pagshoot niya ay minsanan lang hindi mashoot. Hindi na rin ako nakakapaglaro ng maayos kakatingin sa kanya at sa mga tira niya, naaamaze ako sa kanya. Kahit may time yung laro niya nakakapasok parin siya sa susunod na level.

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneWhere stories live. Discover now