Chapter 24:I will Protect YOU

3.5K 127 9
                                    

Chapter 24: I will Protect YOU

Rex's POV
Agad ko siyang inatake at biglang nahiwa ko ang maskara niyang suot.

Napansin kong nagulat ang mga gangster na nanunuod sa laban namin, maski ako nagulat ako sa nakita ko, totoo ba to? May naramdaman akong tuwa ngunit nangingibabaw ang lungkot.

"Pr-preii?" Takang banggit ko sa pangalan niya

Kita mo rin sa mata niya ang gulat sa nangyayari ngayon, nagkatitigan lang kaming dalawa, tahimik ang nasa paligid.

Pero agad niyang kinuha ang maliit na dagger na nasa bulsa niya at ibinato yon sa lobo na nakadisplay na naglalaman ng ibang chemical. Hindi naman nakakamatay ang chemical na yon, kapag lumabas yon ay magkakaroon ng puting usok na halos di mo na makita ang paligid.

Unti unting lumalabas ang puting usok galing sa lobong pinutok ni Death Rose gamit ang dagger niya. Bago siya umalis ay tinitigan niya muna ako at tinapik sa balikat ko.

Hahabulin ko pa sana siya ng nasinghot ko na ang usok, napaubo ako bigla at hindi makahinga ng maayos. Nanlalabo na rin ang paningin ko, nagsiubo din ang ibang mga gangster na nandirito, nawala ang usok at nawala na rin ang 5 Jacks. Sari saring tanong ang pinag uusapan nila.

"Sino kaya talaga si Death Rose?"
"Nakita na natin ang mukha niya pero hindi naman natin kilala."

Napayuko ako dahil panigurado kapag nakita nilang muli si Death Rose na si Preii ay maari siyamg patayin at may madamay na iba.

Napatingin ako sa Black Mens na na naka-salumbabang tinitignan ang record sheet nila, namromroblema na rin sila ngayon sa nangyari sa lider ng 5 Jacks.

Natutuwa ako dahil ang matagal ko na palang minamahal na si Death Rose ay si Preii, iisa lang sila pero nalungkot ako dahil nang saakin kaya ngayon ay kilala na siya. Ang bobo ko!

Nilapitan ako nila Jake at tinapik sa balikat, tinanguan naman nila ako kaya dali dali kaming lumabas sa lugar na yon. Nadaanan namin ang mga gangster na nakaupo sa entablado at pagkadaan namin ay agad silang sumigaw at tumili, "The Wanteds!!!" Sigaw nila

Pinabayaan ko yon at agad kaming sumakay sa mga sasakyan namin, kailangan kong makausap si Preii, kailangan kong humingi ng tawad, hindi ko naman alam na siya yon. Ang taong mahal ko ay nasa panganib na ngayon.

Pinaandar namin ito ng mabilis at nakita namin ang limang bigbikes na nagmamaneho ng mabilis. May narinig naman kaming tunog ng isang malaking kotse galing sa likod namin, kulay itim ito. Yung nakaupo sa shotgun seat ay may dalang malaking baril, nagsmirk pa nga ito sa akin. Inunahan nila kami sa daan at ngayon ay kami naman ang nasa likod nila.

Napansin kong sinunsundan nila ang 5 Jacks at pilit na nilalapitan. Napatingin ako sa plaka nila, 'Big Jim.'

Nanlaki naman ang mata ko, alam kong sila yung grupo na gustong gustong patayin ang 5 Jacks, hindi ko alam ang dahilan basta alam ko ay nasa panganib sila Preii.

Binaril naman nung may hawak na baril ang pwesto nila Preii, iniiwasan naman niya ang baril na alam niyang tatama sa kanila, agad nilang binilisan ang pagmamaneho at ganon din ang ginawa ng big jim.

Shit, wrong way ang dinaanan nila Preii, wala ng daan dito, makokorner sila! Tanging bangin nalang ang sasalubong sa kanila.

Kinabahan ako kahit na alam kong marami rami kami, may dala silang baril at tanging knives lang ang dala namin, mas madaling makapatay gamit ang baril.

Naabutan namin sila at nakita ko ang itsura ni Preii na natatakot na, hindi niya alam ang gagawin niya, pero nagulat ako ng itinuloy tuloy lang nila ang pagmamaneho, binilisan niya pa lalo ang pagmamaneho. Kahit na bangin na ang babagsakan nila ay pinaandar na nila ito, huminto ang sasakyan ng big jim dahil alam nilang di nila kaya yon. Bumagsak ang bigbikes ng 5 Jacks sa kabilang bangin, "Better luck next time." Sabi ni Preii at agad na binatuhan ng dagger ang gulong ng sasakyan nila

"Damn!" Sigaw ng isang lalaki na pamilyar sakin pero pinabayaan ko na yon at agad na naming nilisan ang lugar na yon

Agad naming pinuntahan ang bahay nila Preii, agad naman akong kumatok sa pinto, "Preii?! Preii!" Sigaw ko habang kumakatok

Biglang bumukas ito at nakita ko ang mukha ni Preii na tuloy tuloy ang pag agos ng luha sa pisngi nito, agad ko siyang hinila palapit sakin at niyakap siya.

"Shh, I'm here, sorry, sorry Preii, hindi ko alam." Sabi ko habang nakayakap sa kanya at hinihimas ang buhok niya

"Okay lang, hindi ko naman kasi sinabi sayo." Sabi niya at kumalas sa pagyayakap namin dalawa

Pinunasan ko ang luha niya gamit ang mga daliri ko, "Pano na yan? Nakita nila ang mukha mo." Pag aalala ko

"Kaya ko ang sarili ko, wala ka dapat na ikatakot, kahit na nakita nila ang mukha ko, hindi parin nila kilala kung sino ako, ni hindi naman nila ako napicturan kaya wala kang dapat ipagalala." Sabi ni Preii

"Pasok kayo, Rex." Sabi ni Yanna

Pumasok naman kami nila Jake, "Paano niyo nalaman na kaming lima to?" Tanong ni Jake

"Kilala ni Preii ang boses ng taong mahal niya kaya paniguradong alam naming kayong lima yan." Sabi ni Ali

Kumuha naman si Rose at Lian ng pagkain at inumin para sa amin, "Tanggalin niyo nga yang maskara niyo." Utos ni Yanna na agad naming ginawa

Ginawa naman namin.

Nakita namin ang mga mata nilang may mga luha na gustong gustong tumulo, "Kayo nga, Rex." Ngiti ni Preii habang umiiyak

Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang kamay, "Shh, wag ka ng umiyak, pangako ko sayo, ipagtatanggol kita, proprotektahan kita, andito lang ako." Sabi ko

Lumuluha naman siyang tumango, "Mamaya, tignan natin kung naging mainit ba ang pangalan mong Death Rose sa website natin." Sabi ni Yanna

Nilapitan naman nila Jake sila Ali at tinabihan, tumabi na rin naman ako kay Preii, "Oh kumpleto tayo ah! Tara kainan muna." Sabi ni Rose at inilapag ang mga pagkain

Napatingin naman ako kay Preii na nakayakap sakin at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, tulo parin ng tulo ang luha niya, 'Preii, andito lang ako, hinding hindi kita pababayaan, mahal na mahal kita.'

Hindi ko man alam ang dahilan kung bat gustong patayin ng Big Jim ang 5 Jacks basta ang alam ko lang ay kailangan kong ingatan si Preii, kailangan ay palagi akong nasa tabi niya dahil maaaring mamatay siya ng hindi ko nalalaman.

Kumuha ako ng dalawang cookies at inabutan si Preii, pinunasan niya ang luha niya at biglang umiling, "Hey, stop crying, mahal. Ayokong nakikita kang ganyan." Sabi ko habang nginunguya ang isang cookies

"Hi-hindi ko mapigilan eh." Sabi niya at lumuha ulit

"Sige, oh basta kainin mo to ha." Sabi ko at inabot muli ang cookies

Kinuha naman na niya to at tahimik na ngumunguya.

Preii, mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, malapit na ang kaarawan ko at ang gusto ko ay maging masaya ka sa araw na yon, ayokong nakikita kang umiiyak at malungkot, andito ako para pasayahin ka at protektahan.

"Preii, malapit na ang birthday ko at sa susunod na araw na yon, gala tayo bukas? Para makabili na rin ako ng damit ko...atsaka ng iyo." Sabi ko at ngumiti

Nanlaki naman ang mata niya, "Bibilhan mo pa ako? Wa-wag na." Sabi niya

"Wag ka ng mahiya, susuotin mo yon sa birthday ko at ang gusto ko suot suot mo yung damit na binili ko sayo, gusto ko na ikaw ang pinakamagandang babae sa birthday ko, yung tipong hindi maiaalis ang paningin ko sayo." Sabi ko at hinawakan ang baba niya

Ngumiti siya ng pilit, agad ko naman siyang hinalikan ng mabilis at baka makita pa nila Ali, baka pagalitan ako.

(A/N: Tapos na ang chapter 24! Paalala po ulit, malapit na po itong matapos mga readers! Konting kembot nalang at the end na! Comment naman kayo diyan, malapit na ang birthday ni papa rex! Waaaah! Mga isa o dalawa nalang siguro na chapters ay tapos na ito! That's all! Love you guys!!!)

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon