Chapter 22:Goodbye Nat Part2

3.3K 133 15
                                    

Chapter 22: Goodbye Nat Part 2
Preii's POV
Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya, namumula pa ang mata niya pero ang reaksiyon ng mukha niya ngayon ay parang walang nangyari kanina.

Pumasok naman na siya sa driver seat at pinaandar ito ng tahimik. Gusto ko siyang kausapin at tanungin pero para akong napipi at walang masabi. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung yayakapin ko ba siya para icomfort o tatanungin kung okay lang ba siya. Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko sa loob ng sasakyan na to kasama siya.

Biglang nabasag ang katahimikan nang magsalita siya, "Hmm...Preii, yung nangyari kanina...haha wala yon." Pekeng tawa niya at ngiti pero alam kong hindi totoo

Nat, bakit mo pinipilit ngumiti kahit na di mo naman kaya? Bakit mo ginagawa yang ginagawa ko noon?

"Nat, I'm sorr---" Hindi ko na natapos ang sasabihin niya nang unahan niya ako

Inihinto niya sa gilid ang sasakyan at nagsalita.

"Preii, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Ako tong gagong to na mas lalong sinasaktan ang sarili niya, hindi mo kasalanan kung bat ako umiyak ngayon pero ikaw ang dahilan kung bat ako nagkakaganito. Mahal kita, Preii pero para sayo, gagawin ko, lalayo ako dahil alam kong may mahal kang iba kaya papalayain kita. Hindi naman ako yung taong ikukulong sa bisig ko habambuhay, gusto kong maging masaya ka at kahit masakit ay gagawin ko, makita lang kitang masaya kahit sa piling pa ng iba." Sabi niya at sa huling linya niya ay ngumiti siya ng mapait

Gusto kong umiyak sa harapan niya ngayon dahil naaawa ako sa kaibigan ko ngayon, naiiyak, nalulungkot at nasasaktan siya ng dahil sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya yayakapin ko sana siya ng pinigilan niya ang mga kamay ko.

"Preii, wag...please. Wag kang gumawa ng mga bagay na makakapang akit saking kuhanin ka ulit at di na palayain. Nagpipigil ako dahil ayokong makita kitang malungkot na kasama ko." Sabi niya ng seryoso sakin

Huminto naman ako sa pagyakap sa kanya at umupo ng maayos sa shotgun seat.

"Preii, sana kalimutan na natin ang nangyari kanina. Malapit na akong umalis at ayokong naaawa ka sakin kapag umalis ako sa pinas, ang gusto ko masaya ka parin. Please, let's forget what happened earlier." Sabi niya ng malungkot

Tumango naman ako, "Sige, saan tayo kakain?" Tanong ko at ngumiti na tulad ng kanina naming mood

"Saan pa ba edi sa..." Sabi niya

"Edi sa MANG INASAL!" Sabay na sabi namin at ngumiti

Nagtawanan pa kami bago niya pinaandar muli ang sasakyan niya. Kinalimutan namin ang nangyaring malungkot kanina, pinalitan namin ito ulit ng masaya. Ayoko ring umalis si Nat nang hindi kami okay.

Pinark niya na ang sasakyan niya at sabay kaming bumaba, nag order na siya yung unlimited rice.

"Ano, Preii? Let's make a deal. Kung sino ang pinakamaraming nakaing kanin, siya ang bibili ng pinakamahal na ice cream shake sa Blizzard Troupe. Game?" Paghahamon niya

"Game!" Sabi ko at umupo na kami sa lamesang napili namin

Medyo matatagalan ang order namin dahil andami talagang kumakain dito, mura lang kasi at talagang mabubusog ka. Kinuha ni Nat ang camera niya at nagselfie kaming dalawa.

*click*

Medyo nahirapan siyang umanggulo dahil itinalikod niya pa ang camera kaya hindi namin nakikita kung ano ang itsura namin.

Hinarap naman na ni Nat yung camera para tignan kung maayos bang nakuhanan, nakitingin din ako at nagtawanan kaming dalawa. Andami na ngang napatingin samin, "Mukha tayong multo!" Sabi ko

TCHMTCN Book 2: That Nerd Is GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon