Chapter 40

2K 42 0
                                    

Phoenix Lopez' POV




"Sir? Mag oovertime po ba kayo?" tanung ni Kurt saken kaya gulat akong napatingin sa kanya.





"Anong oras na ba?" tanung ko kaya medyo natawa siya "6PM sir." sabe niya kaya napaface palm ako.




Ilang oras na pala akong nakaupo dito at nag iisip sa wala.





"Uuwi na ako--"




Natigilan ako ng may sumigaw "SIR! May tumatawag po. Kayo daw po kailangan" sabe ni Jacob kaya napalapit ako sa kanya.





Inabot niya saken ang telepono na agad kong sinagot.




"Hello?"



[Wow! Lopez. Mukhang nagmature ang boses mo ha!]




Nabato ako ng marinig ko ang boses niya.





[Oh? Nagulat ka ba saken? Ikaw naman! Hindi mo ba ako namiss? Diba dapat matuwa ka na nakausap mo ulit ang dati mong Chief?]




Agad na kumabog ng sobrang bilis ang puso ko.




"Kahit kelan hindi kita naging Chief! Manloloko!" huminga ako ng malalim para magpatuloy "Harrison ano ba ang kailangan mo? Paano ka nakakagamit ng telepono? Diba nasa kulungan kana!" sigaw ko.




[Sa loob ng sampung taon nagtiis ako at hindi ko pa rin matanggap na ang isang bata lang ang nagpakulong saken! Nandito ako para balikan ka ulit kaya makinig ka ng mabuti! Pag labas mo ng office mo may mag aabot sayo ng cellphone. Wag na wag mo siyang hahawakan kung ayaw mong barilin ko siya naintindihan mo? Wala kang gagawin na report o kahit na ano. Wag kang gagawa ng kahit na ano hangga't wala akong sinasabe.]





Secret MissionWhere stories live. Discover now