Chapter 34

2K 42 0
                                    

Harper Olivarez' POV




Napapunta ako sa may front desk para sana mag half day dahil nakapangako na ako ng Lunch kay Kyler ng may humawak sa kamay ko.





Nagulat ako ng makita ko si Nix at ngumiti siya saken kaya nainis ako "Hindi ako ang naka aassign dito." madiin kong sabe.



Ano naman kaya ang ginagawa niya dito ngayon? Matapos niya akong talikuran? Ako na ang nagmakaawa sa kanya, siya pa ang tumanggi saken?




"May tama kase ako kaya gusto ko ikaw ang gumamot saken." pagpapacute niya kaya agad na kumabog ang dibdib ko.




"Half day lang ako ngayon kaya sa iba ka nalang magpagamot!" buisit kong sabe at nagulat ako ng mapaupo siya.





Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa tagiliran niya na nagdudugo.




"Mamamatay na ata ako...." pagpapaawa niya kaya nainis ako.




"Doc? Okay na po." sabe ng nasa front desk meaning pwede na akong umalis.




"May gagamutin lang ako." sabe ko at nagulat ako ng mabilis na tumayo agad si Nix.





Tiningnan ko siya ng masama at ngumiti lang siya at napahawak sa tagiliran niya "Ay masakit talagaaaaa!!!" sigaw niya kaya nainis ako.




Naglakad na ako papunta sa Emergency Room at nakasunod lang siya saken.




Pumasok kame sa loob at mabilis siyang umupo sa vacant bed kaya mabilis kong hinawi pasara ang kurtina.





"Talagang alam na alam mo kung saan ka uupo no?" mataray kong tanung kaya natawa siya.



Secret MissionWhere stories live. Discover now