Chapter 16

2K 43 0
                                    

Phoenix Lopez' POV



"Sino ka?" madiin kong tanung sa lalaking nagpakilala saken na 'CHIEF ng NBI'



"Gusto mo malaman?" tanung niya at mabilis niyang hinawakan ang mukha ko at inikot yun para makita ko siya "Itanung mo kay Satanas pag nagkita na kayo." sabe niya at napangiti "Para ito sa pakekeelam sa negosyo ko, Phoenix Lopez." dagdag niya pa at binitawan ang mukha ko.



Napatingin siya sa baril na nakatutok sa ulo ko "Paalam na, 'Lawin'."




*BANG!



Nanlaki ang mata ko ng may bumaril sa braso ni 'Chief' para pigilan ang pagtatangka niyang pagbaril saken.



"PHOENIX! YUMUKO KA!" sigaw ni Grandpa kaya mabilis akong napaupo at pinantakip ang kamay ko sa ulo.



Napapikit ako ng marinig ko ang malalakas na pagputok ng mga baril at nagulat ako ng may lumapit saken.




"SPO4 Marco! Tara na!" sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya at mabilis akong tumakbo paalis.



Si Harper.




Kailangan kong hanapin si Harper.




Mabilis akong tumakbo at natigilan ako ng may humawak sa braso ko.



"Phoenix! Nabaril ka sa tagiliran!" sigaw ni Grandpa pero wala akong pakeelam.



"Kailangan ko siya iligtas! Kailangan ko puntahan si Harper!" sigaw ko at mabilis akong tumakbo papunta sa Boarding House niya.



Pinagtitinginan ako ng lahat at mabilis akong pumasok sa loob. Napatingin ako sa paligid at wala siya. Tumakbo ako pataas at mabilis kong binuksan ang pinto at naabutan ko si Vic.



"Si Harper?!" kinakabahan kong tanung.



Mataray niya akong tiningnan "Diba niloko mo siya? Bakit mo pa siya hinahanap?" suplada niyang sabe.



"NASAAN SIYA!" sigaw ko dahil kinakabahan na talaga ako kung nasaan si Harper.



Nagulat siya at napapitlag "Hindi...Hindi ko alam."



Napaface palm ako at mabilis akong tumakbo pababa ng mag ring yung cellphone na binigay saken ni 'Chief'.



"Hello! Nasaan siya?! Sino ka ba talaga?!" sigaw ko kay 'Chief' dahil naguguluhan na ako at isa lang ang alam ko, niloko ako ng lalaki na nagpakilala saken na Head ng NBI.



Hindi talaga siya si Chief!



[Ako si Harrison Denovan. Hindi mo ba ako naaalala Phoenix? Ako yung Drug Lord na hinahanap mo nung nakaraang taon sa isang police raid. Hindi mo ba ako kilala? Kase ako kilalang kilala kita. Ikaw ang sumira ng negosyo ko! Hayup ka! Hindi ko naman akalain na ganun ka lang pala kadali utuin.] natawa siya saglit at nagpatuloy [Ngayon bilang ganti sa kagaguhan mo, hawak ko ang buhay ng lintek na babae na ito! Ibigay mo saken ang folder na yan sa loob ng isang araw kung ayaw mo pasabugin ko ang ulo nito! Hayup ka talaga! Nagtawag ka pa ng back up? Tingnan naten kung sino ang matigas!]



"Pero napatay ka na nila! WALA KA NA!" sigaw ko kaso wala na akong narinig sa kabilang linya. Pinatay na niya.



Napahinga ako ng malalim at napatingin sa lukot lukot na folder na hawak ko pa rin. Nalagyan na nga yun ng dugo at dumi.



"Apo..." agad akong napatingin kay Grandpa at nakangiti lang siya saken.



"I'm glad you're safe." sabe niya at niyakap ako.



Tumungo lang ako at nagulat ako ng makaramdam ako ng hilo. Napahawak si Grandpa sa tagiliran ko at malakas niyang hinawakan ang balikat ko "Kanina ka pa ba nabaril?!" gulat niyang tanung at tumungo lang ako.



Napahawak siya sa mukha ko at mabilis akong napahawak sa mga braso niya ng feeling ko matutumba na ako.



"Phoenix! Wag na wag ka mamamatay!" sigaw niya kaya napangiti ako.



"Hinding hindi ako mamamatay Grandpa...may ililigtas pa ako..." pilit kong sabe at inalalayan na niya ako palabas ng boarding house.




Kumapit ka lang Harper...



Wag ka kakabahan...



Wag ka matatakot....



Ililigtas kita.

Secret MissionWhere stories live. Discover now