Chapter 5

3K 46 0
                                    

[NEXT DAY]


Phoenix Lopez' POV



*KRIIIIIIIIING*



Napamulat ako ng mata ko at nagulat ako ng nasa kwarto na ako sa Boarding House. Baka hinatid na ako dito ni Chief.




*KRIIIIIIIIING*
*KRIIIIIIIIING*



Napatayo ako at agad akong napahawak sa ulo ko na kumirot. Buisit na ingay yan!




*KRIIIIIIIIING*
*KRIIIII--



Sinipa ko ng malakas yung alarm clock kaya nagulantang si Ethan.



Badtrip ko siyang tiningnan "Sayo yan?" galit kong tanung.




Napakusot siya sa mata niya at tumungo "Oo. Bakit mo ba sinira?" inaantok niyang tanung.




Hinila ko ang kumot niya dahilan para umikot siya at malaglag sa kama. Nagulantang siya at agad na napatayo. Nanlilisik ang mata niya saken at mabilis na hinila ang kwelo ng damit ko.



"Ang angas mo ha!" sigaw niya kaya natawa ako at sinipa ko ng sobrang lakas yung tuhod niya dahilan para mapaupo siya.




"Kung gusto mo ng sariling kwarto bumili ka. Kung hindi mo kaya, matuto kang magpatay ng alarm clock kung ayaw mong ikaw na ang mapatay ko sa susunod!" sigaw ko kaya mabilis siyang napatayo at susuntukin sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya. Pinilipit ko yun at sinipa ko ulit ang tuhod niya para mapaupo siya. Dinapa ko siya at inikot ko ang kamay niya sa likod niya "Don't try me Ethan. Hindi mo ko gugustuhing magalit." naiinis kong sabe.




"TANGINA MO NIX! AYUSIN MO KILOS MO!" sigaw niya kaya natawa ako.




"Ikaw ang umayos." sabe ko at binitawan ang kamay niya. Binatukan ko siya "Umayos ka saken." sabe ko at tumayo na.



Tumayo din siya "Pwede ka namang magsabe hindi yung nanakit ka!" sigaw niya kaya natawa ako.




"Sorry ha? Akala ko kase para lang yun sa babae." sabe ko at kinuha ko na yung tuwalya ko sa gilid.

Secret MissionWhere stories live. Discover now