Chapter 18

2.2K 46 1
                                    

Phoenix Lopez' POV



"Sisimulan ko na ang plano para sa X-OID." sabe ni Chief Panganiban. Naglabas siya ng picture at dinikit yun sa board "Harrison Denovan. Wanted for 10 years. Drug lord, nainvolve sa human trafficking at illegal importation of prohibited fire arms sa bansa." sabe niya at napatingin ako sa picture.




Siya yung lalaking nagpanggap na bagong Chief ng NBI at nag utos saken na kunin ang folder kay Harper. Si Harrison Denovan. Hindi siya ang Chief ng NBI dahil siya ang isa sa MOST WANTED ng NBI. Siya yung lalaking kasali sa kaso na sinalihan ko last year kung saan muntik na akong mamatay.




Akala ko tapos na yun at nahuli na namen yung pinakaleader pero hindi pa pala. Sinabe lang nila saken yun para hindi na ako makisali sa mission na ito.




Ayos na sana ang lahat kung hindi lang ako dinamay ni Harrison dito.



"Dahil kasali si Lopez sa kaso na ito at siya ang hinihingi ni Harrison siya ang ipapadala naten para mag abot ng Folder...kaso.." nag iba bigla ang mukha ni Chief Panganiban "Nireview ko ang laman ng Folder at hindi yun ang hinahanap naten." napatingin saken si Chief "Lopez, once na na nakuha na niya yung folder at nabuklat, malalaman niya na hindi yun ang hinahanap niya. Once na nahawakan na niya yung Folder gumawa ka ng paraan para makuha agad ang anak ni Felix." seryosong sabe saken ni Chief kaya tumungo ako.





Nagulat ako ng abutan niya ako ng baril  "617 221r gun. Gamitin mo kung kailangan na. This time..." ngumiti siya saken kasama ng lahat ng nasa opisina "This time wag kana magpapabaril." sabe niya kaya ngumiti ako at hinawakan ang baril "Aye sir!" sagot ko.




Napahawak ako sa baril at hindi ko maiwasan matuwa. Kahit hindi pa ako legal na may ari nito, masaya ako na magamit ang una kong bala na papakawalan para iligtas ang isa sa mga taong mahalaga saken..




Simula 11 years old ako, pinasok na ako nila Daddy at Grandpa sa mga self defense lesson at hindi nila alam, binayaran ko ang isa kong teacher para turuan ako gumamit ng baril.




Being a police or a soldier is my dream. Gusto ko protektahan si Mommy, si Lola, Grandma at Kendrie...



Ngayon nadagdagan na sila...




Kasama na si Harper.




Gusto ko sila lahat protektahan.



Pagkatapos ng pag-paplano lumabas na kame sa opisina para maghanda dahil within 1 hour aalis na kame.




"SPO4 Xander Marco." pagpapakilala ng isang police head na kasama namen kanina sa meeting.




Ngumiti ako "Salamat sa pagpapakilala sa pangalawang pagkakataon, Phoenix Lopez." sabe ko at inabot ko ang kamay ko na agad niyang kinuha para makipaghandshake.




"You love the girl." sabe niya kaya natawa ako.




"Nakilala ko lang siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Sinaktan at iniwan ko. May karapatan ba akong mahalin siya?" tanung ko.




Napatingin siya sa bintana "Ako kaya? May karapatan kaya ako na magmahal ng isang babaeng may mahal ng iba?"




Nagulat ako at hindi niya ako tinitingnan "May karapatan kaya ako na mahalin siya kahit na hawak na siya ng iba?" napayuko siya "May pag asa pa kaya ako?" tanung niya sa sarili niya.






Hindi niya yun tinatanung saken at alam kong sarili niya ang tinatanung niya. Hinahanap niya ang sagot na hindi niya makita.




Tiningnan niya ako "Lahat ng tao may karapatan magmahal. Ang tanung kung maibibigay niya ba sayo ang pagmamahal na binigay mo sa kanya o sasayangin niya lang yun?" pilit siyang ngumiti "Parang pagiging isang pulis at isang mamamayan. Karapatan ng mamamayan na mailigtas ng isang pulis pero ang tanung, lahat ba ng pulis ililigtas sila? Lahat ba ng nangangailangan ng tulong ng pulis, maisasalba?"





Hindi ako nakasagot.




"May karapatan kang mahalin siya, nasa kanya nalang yun kung tatanggapin ka pa ba niya matapos ng lahat ng ginawa mo."




Napaisip ako "Hindi ko din alam..."




Natawa siya at sinuntok ako ng mahina sa dibdib "Kung gusto mo malaman ang sagot, gawin mo ang lahat para mailigtas siya.."




Napangiti ako at tumungo. 




Gagawin ko naman talaga lahat...para sa kanya.

Secret MissionWhere stories live. Discover now