Chapter 41

2.1K 40 0
                                    

Harper Olivarez' POV




5PM




Napatingin ako sa bintana ng kotse at.... *yawn* Nakakaantok ang biyahe papunta sa Subic dahil sa tagal.





Nagulat ako ng hawakan ni Kyler ang kamay ko habang nagdadrive "Wag kang mag alala malapit na tayo---"





*BOOOOOGSH!!!*




Nagulat ako ng may malakas na bumangga sa kotse namen dahilan para umikot yun at bumangga ng malakas sa puno.





Napapikit ako at naramdaman ko na may tumulong dugo sa ulo ko dahil sa malakas na pagtama nun sa bintana.





Minulat ko ang mata ko at nakita ko na may malaking sugat si Kyler sa ulo at nagdudugo yun. Gustuhin ko mang tulungan siya hindi ko kaya dahil nahihilo na ako.





"Kyler..." mahina kong tawag at naramdaman ko lang na mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Ayaw niya yun bitawan kaya kinabahan ako.





"Yung lalaki kunin niyo!" sigaw ng isang lalaki sa labas at inikot ko ang ulo ko para tingnan siya.





Nanlamig ako ng makita ko si Harrison sa may labas, siya yung lalaking kumidnap saken dati. Pilit akong umalis kaso nastuck ako dahil sa seat belt ng upuan.





Hinila palabas ng dalawang lalaking nakaitim si Kyler kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya kaso nagulat ako ng may humampas ng malakas sa ulo ko at naging itim na ang lahat.









Secret MissionWhere stories live. Discover now