Chapter 21

2.1K 50 0
                                    

Phoenix Lopez' POV




Napatayo ako sa labas ng Operating Room. Hindi pa nila tapos operahan si Harper at 1 hour na ang nakalipas.



"What happened to her?!"




Gulat kameng napatingin ni Xander sa lalaking dumating. Nanlaki ang mata niya at agad siyang napatayo.




"Sir Felix Olivarez." gulat na sabe ni Xander.




Agad na kumabog ang puso ko ng malaman ko na Dad pala ni Harper ang lalaki sa harap ko.




"Sino ang lalaki na nagdamay sa anak ko dito!" galit niyang sigaw kaya natigilan ako.




Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabe.





Lumapit sa kanya sa si Xander "Sir...si Harrison po talaga ang may pakana ng lahat."





Natawa siya ng mapait at napatingin kay Xander "I TOLD YOU TO TAKE CARE OF HER! PAANO NIYO SIYA NAPAUBAYA SA ISANG BATA AT IDAMAY SA KASO NA ITO!!!" galit na galit niyang sabe.





Napahinga ako ng malalim "Sir..ako po yung--"





*PAK!





Natulala ako at hindi ako nakapagsalita ng sampalin niya ako ng sobrang lakas.





"I know its you! Pinaglaruan mo ang anak ko! Paano mo nagawa na idamay dito ang anak ko! GAANO KA KATANGA PARA SUMUNOD SA KRIMINAL! BATA KAPA DIBA!" sigaw niya kaya napatungo ako "Tingin mo magiging pulis ka?! HINDI KA MAGIGING PULIS O KAHIT SUNDALO! Wag na wag ka na didikit sa anak ko. Pag may nangyare sa kanya, hindi kita mapapatawad."

Secret MissionWhere stories live. Discover now