Chapter 36

2.1K 46 0
                                    

Ethan Alvaro's POV




"MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO TALAGA SI HARPER!!!!" sigaw ni Phoenix kaya tinapik ko siya sa balikat.




Nababaliw na siya at lasing na lasing na siya. Tinungga niya agad yung ilang bote dahil mukhang masama talaga ang loob niya.




"Karma mo na yun si Harper!" sigaw ni Yuan na may tama na rin.





Tiningnan siya ng masama ni Phoenix at natawa naman ng malakas si Jacob "Tingin ko nga rin eh! Sa tagal na ba naman ng kwento mo na yan sir, hindi ka pa rin nakakalimot!" sabe niya at natawa pa sila ng malakas ni Yuan.





"MAGTIGIL NA KAYOOOOO!!!" sigaw ni Phoenix at napatingin kay Dian "Hoy Dian! Bakit hindi ka na nainom!" sigaw niya at pagtingin namen kay Dian tulog na.





"TUMBAAA!!" sigaw nilang tatlo kaya nayuko nalang ako.





"Minsan nasaktan din ako...." sabe naman bigla ni Kurt at naalala ko agad yung 2nd yr kame na broken hearted siya "Umiyak ako nun...sobrang dameng iyak dahil masakit eh!" sigaw niya bigla at sinuntok ang dibdib niya "Masakit dito...sobra!" pagdadrama niya kaya natulala lang yung tatlong ugok na si Nix, Yuan at Jacob. Naaawa yung mukha nila para kay Kurt.





"Alam ko yun pare! Nandun kame nung mga panahon na yun!" sabe bigla ni Yuan at napaakbay naman sa kanya si Jacob "Ramdam na ramdam ko ang sa--" natigilan sila ng makatulog na si Jacob tapos nagulat ako ng matawa naman si Yuan, Kurt at Nix "TUMBAAA!!" sigaw nila kaya napailing nalang ako.





Mga ugok talaga. Tumungga nalang ulit sila ng bote at pinanuod ko nalang sila.




"Haha! Sinabe nga saken ni Kyler yun!"




Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses na yun.





Secret MissionWhere stories live. Discover now