Chapter 25

2K 45 0
                                    


Harper Olivarez' POV




Napatingin ako sa passport ko at agad akong tumayo matapos ipage na aalis na ang eroplano na papuntang Boston, Massachusetts.




Nakapasa ako sa Harvard University at mag aaral ako dun bilang Nursing then maybe proceed to Medical School. Matapos ko ma-Ospital nagpatuloy ako sa pagkuha ng review para makapasa sa qualifications ng school. ACT or SAT, university application letter at qualification exam. Sobrang hirap at nakakapagod pero pinagpatuloy ko ang review at tutorials.




Kada araw na nandun ako sa school, siya lang ang iniisip ko...





Si Nix..





Umaasa ako na isang araw, kagaya ng sa mga fairytale...bigla siyang lalabas sa pinto ng classroom.




Ngingiti siya saken at uupo sa tabi ko habang gulat na gulat pa rin akong nakatingin sa kanya. Hahalikan niya ako sa pisngi at mapapatingin ako sa gwapo niyang mukha...





Araw araw yun lang hinihintay ko. Ang magpakita ulit siya saken at sabihin na ayusin namen ang lahat.





Kaso...





Natapos na ang review at nag exam na ako sa qualification exam para sa Harvard. Dumating na ang resulta at nakapasa na ako pero wala pa ring Nix na nagpakita...





Miss na miss ko na siya.





Nagulat ako ng may magpunas ng luha ko at nakita ko si Victoria. Nakapasa din siya at katulad ko, gusto rin niya mag proceed sa medical school after graduating Nursing. We have each other and we can make it.





"Umiiyak ka nanaman. Malelate na tayo. Tara na." sabe niya kaya tumungo lang ako.




Naglakad na kame pero agad siyang napatigil kaya nagtataka ko siyang tiningnan.




"Iwan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya. Magbagong buhay ka na at magfocus sa pag aaral. Kailangan mo ng malinaw na utak para pumasa at makapagtapos. Naiintindihan mo ba ako Harper?"




Hindi ako makatungo dahil...kahit anung pilit ko na kalimutan ko siya hindi ko kaya.





"Harper. Pangako mo na yan na ang huling luha na lalabas sa mata mo dahil kay Nix. Si Nix na hindi mo alam ang tunay na pangalan. Si Nix na sinaktan ka at iniwan. Si Nix na hindi ka na binalikan. Tumigil kana dahil hindi na siya dadating, kahit anong asa pa ang gawin mo hindi na siya magpapakita ulit. Naintindihan mo?"





Tumungo lang ako at pilit na ngumiti "Hindi ko mapapangako sayo Victoria na hindi na ako iiyak dahil sa kanya dahil para saken...Si Nix lang ang lalaking mamahalin ko at habang hindi pa ako nakakalimot...aasa ako na babalik siya saken." sabe ko at naglakad na ako papasok sa loob.





Kahit nasan ka Nix...hihintayin kita.





Sana...




Habang hindi pa ako nakakamove on, bumalik ka na...dahil...




Hindi ko alam kung hanggang kelan ko kaya magtiis at panghawakan ang paniniwala na...




Mahal kita.

Secret MissionWhere stories live. Discover now