EIGHTEEN (ROMANCE)

173 0 1
                                    

Sabrina Monteigo's POV


Napatulala ako sa pregnancy test na hawak ko at halos hindi ako makapagsalita dahil...


Bu..buntis ako.


Ina na ako sa edad na 18?


Napahawak ako sa doorknob ng pinto. Hindi ko alam ang gagawin ko.


"SAB LUMABAS KA NA DYAN!! MALILIGO NA AKO!" sigaw ng boardmate ko kaya mabilis kong tinago yung pregnancy test at huminga ako ng malalim.


"Ang tagal mo ah!" galit niyang sigaw at tinulak ako palabas.


"Sorry" yun lang ang nasabe ko at mabilis akong pumunta sa higaan ko at napaupo ako sa kama.


Ano na gagawin ko?



Chace Lopez' POV


Napahawak ako sa likod ni Avery at yumuko ako para halikan siya kaso may bigla akong naalala...


"CUT!" sigaw ng Director kaya napapikit ako.


Tiningnan ko siya ng masama kaya mabilis siyang ngumiti "Okay lang yun Chace. We can re-take. 5 minutes break!"


"Chace wait!" sigaw ni Avery pero hindi ko na siya pinansin.


Mabilis akong umalis sa set at...


"CHAAAAACEEEE WEEEEE LOOOOOVE YOUUUU!!!!" sigaw ng mga fans ko kaya pilit akong ngumiti ng bigla kong makita si Trim.


"Ano nakita niyo ba siya?" tanung ko agad sa kanya.


"Hindi pre. Walang Sammy na babae silang kilala"


Mabilis akong napaupo at huminga ng malalim. Nasaan ka na ba Sam?


///

A/N NOTE: This is a story for Phoenix' Mom and Dad! Please support them, link in the comment section. Thank you :)



Secret MissionWhere stories live. Discover now