Chapter 2

3.9K 75 1
                                    

Phoenix Lopez' POV



Nandito na ako sa tapat ng malaking bakanteng lote para kitain ulit ang Chief at simulan na ang mission ko. 



"Nix." bati niya saken pagpasok ko kaya napatungo ako.



May inabot siya sa akin na folder na mabilis kong kinuha "Kasali ka sa Special Review at kaklase mo sa halos lahat ng subject si Harper. Nasa folder na yan ang pwede mo malaman." sabe niya kaya tumungo ako "Keys and phone" sabe niya pa sabay hagis saken ng cellphone at susi ng bagong kotse na agad kong nasalo.



"Reynix Versinan ang pangalan mo kaya pwede mo pa rin gamitin ang 'NIX' bilang palayaw mo. Tatawagan ka nalang namen kung may kailangan kame. Nasa #1 Speed dial ang number ko if you need anything o kung may tanung ka. Nasa GPS na ang location ng school kung saan ka papasok kaya sundan mo nalang yun."



Tumungo ako at nilahad ko ang kamay ko sa kanya "I will going to do this job clean and complete sir." sabe ko kaya ngumiti siya at nakipag hand shake saken.



"Of course you will, Lawin." sabe niya kaya napangiti ako dahil excited na ako para sa mission ko.




SECRET MISSION: Magpanggap na si REYNIX VERSINAN at makuha ang tiwala at loob ni Harper para makuha ang files na kailangan ni Chief. 



****



ST. JUDE REVIEW CENTER.



Napadahan ako sa pagdadrive ng makapasok ako sa School. Maraming estudyante ang nagkalat at lahat may dalang mga gamit at suitcase. Dumiretso ako sa STUDENT SERVICE sa may front office para ayusin ang Boarding House na tutuluyan ko.



Nagpark ako sa tapat nun at bumaba na ng kotse tapos pumasok na ako sa loob.



"Excuse me." tawag saken ng isang babae kaya napalingon ako.



"Uhm..Hi.." bati ko at ngumiti ako dahilan para lumaki ang ngiti niya.



Lumapit ako sa kanya dahilan para mailang siya "I'm Reynix Versinan. Pwede ko bang malaman kung saang Boarding house ako dito sa SJRC?" tanung ko.



Napatitig siya saken kaya mabilis akong ngumiti. Nagulat ata siya dahil bigla siyang namula.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon