Chapter 45

2.1K 46 0
                                    

Ethan Alvaro's POV


Nagsimula na si Harper sa pag gamot at lahat kami nakatingin lang sa kanya hanggang sa matapos niya ang paglalagay ng first aid sa tagiliran ni Phoenix ng biglang...



"Doc...doc!" nagpapanic na sigaw ni Jacob "Hindi na ata...hindi na ata nahinga si sir!" sigaw niya at agad na tumunog yung portable machine gamit para magmonitor ng vitals.




"HOY JACOB! WAG KANG TATANGA TANGA! AYUSIN MO YAN!" sigaw ni Kurt at agad na napahawak si Harper sa pulso ni Phoenix.




Nagulat ang mukha niya. Napalapit siya kay Phoenix at pinakinggan ang tibok ng puso nito.




"Hindi na tumitibok ang puso niya..." kinakabahan niyang sabe at agad niyang nilagay ang dalawang niyang palad sa dibdib ni Phoenix.




"1...2..3..." sabi niya habang kinocompress ang center chest ni Phoenix "1...2...3...1...2.......3" pagpapatuloy niya at kitang kita ko sa mukha niya ang hirap habang pilit na ginagawa ang CPR (Cardiopulmonary Resuscitation) at nakatingin sa portable heart rate monitor.




Hindi ko mabasa ang nasa machine pero alam ko na hindi maganda at hindi stable ang lagay ng kaibigan ko.




"Doc...wala pa rin" kinakabahan na sabe ni Jacob.



Hindi siya pinansin ni Harper at patuloy lang siya sa ginagawa niyang pagpapatibok ulit ng puso ni Phoenix.



"Nix come on!" sigaw niya habang hirap na hirap siyang nag pump sa dibdib ni Nix.



Sinenyasan ko si Yuan na siya ang mag apply ng pressure sa binti ni Nix na agad niyang ginawa at mabilis akong lumapit kay Harper.



"Ako na." sabe ko at mabilis kong inalis ang kamay niya at agad kong pinump ang palad ko sa dibdib ng lalaking ayaw huminga sa harap ko.



"..1...2...3!..." bilang ko.



Huminga ka! Siraulo ka Phoenix huminga ka!



Buong lakas kong ginagawa yun hanggang sa maiyak ng malakas si Harper ng tumigil sa pagtunog yung machine at mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Phoenix "He's back." sabe niya at napatingin ako kay Jacob na nagpupunas na ng luha niya...



"Sir...meron na po ulit..humihinga na ulit si sir...." naiiyak niyang sabe habang hawak ang ambu bag kaya napabatok sa kanya si Kurt "Yan ang hinihintay kong sabihin mo!" sabe niya at napapunas din siya ng luha niya.



Napapunas din si Yuan sa luha niya habang nakahawak sa binti ni Nix "Sir ikaw din po umiiyak...." sabe niya saken kaya napahawak ako sa mukha ko na medyo basa.



"Napuwing ako!" sigaw ko kaya napangiti lang siya.



"Team Alpha. Nandito na ang medic." sabe ni Chief at nasa tabi lang niya ang nakangiti na si Dian "Nice work everyone." sabe niya at may mga nakaputing medic ang bumuhat kay Nix at nilagay sa stretcher at mabilis na sumunod sa kanila si Harper habang nag uusap sila sa vitals na hindi ko maintindihan.



Nakahinga ako ng maluwag sa unang beses simula ng makita ko si Phoenix ngayong araw. Siya ang pinakamagaling at matalino sa klase kaya siya agad ang unang napromote. Nakakatawa dahil sa bilis ng reflexes niya palagi niyang nasasagip ang mga likod ng tropa sa kahit anong operation na kahit siya ang malagay sa alanganin ayos lang.



"Mayaman ang pamilya ko. May ari ang Grandpa ko ng isang ospital kaya gagawa sila palagi ng paraan para masalba ang buhay ko kahit pa mag import sila ng mga Doctor sa ibang bansa. Pero kayo, iba kayo."



Iba talaga dahil hindi kami apo ng Bilyonaryo pero pag dating sa mga Emergency Situations halos ilabas na niya ang baril niya matulungan lang kami ng mga Doctor.



He's the best leader and the best friend we can have.



"Ayos na. Mabubuhay yun si Nix. Nice work." sabi ni Yuan kaya pilit nalang akong ngumiti.



Isa ito sa pinaka unang operation ko na wala si Nix sa tabi ko dahil...sa unang pagkakataon siya ang sinalba namen sa isang SECRET MISSION.

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon