Chapter 19

2K 39 1
                                    

Phoenix Lopez' POV



[Current Place: Lugar kung saan napag usapan na magkikita si Nix at Harrison]




"Stand by!" sigaw ni Chief at napatingin siya saken "Wag ka gagawa ng galaw ng walang inuutos. Naiintindihan mo? Si SPO4 Xander Marco ang in-charge at sa kanya ka lang makikinig." madiin niyang sabe kaya napatungo ako.




Napaayos ako sa hood ng jacket ko at inayos ang earphone na nakakabit sa tenga ko.




"Sir. Nakita ko na po yung hostage!" sigaw ng sniper kaya agad akong napatakbo sa kanya at tinulak siya.




"LOPEZ!" sigaw ni Chief pero agad kong sinilip si Harper sa maliit na bilog ng rifle na may view ng target. Nandun sila sa pinakagilid ng malaking puno at nasa loob si Harper ng van.




Nakatakip yung bibig niya ng masking tape at ang dungis dungis niya. Magulo ang buhok at napangiti ako ng makita ko na nakapantulog pa siya. Nakapajama at jacket.





Ang cute pa rin niya...





Mabilis na may tumulak saken ng malakas at nagulat ako ng makita ko si Xander o SPO4 Xander Marco.




Galit siyang nakatingin saken "Compose yourself kung ayaw mo mapatay ang babaeng nakita mo ngayon lang!" sigaw niya kaya tumungo ako. Sinipa niya ako ng malakas sa tagiliran dahilan para sumakit ang sugat ko "TUMAYO KA DYAN!" sobrang lakas niyang sigaw kaya napatayo ako. Mabilis niyang tinadyakan ang binti ko ng malakas "TUMAYO KA!" sigaw niya kaya napatayo ako ng tuwid.




"SALUTE!" sigaw niya kaya mabilis akong sumaludo.





"Lawin." madiin niyang tawag saken kaya napatingin ako sa kanya "We will cover you and I give you 10 minutes to get the girl. Kung sa loob ng 10 minutes na yun hindi mo pa siya nahahawakan, wag ka na umasa na maisasalba mo siya ng buhay. Bawat segundo mahalaga. Pag sinabe kong sampung minuto, sampung minuto lang! Pag naging sampung minuto at isang segundo..considered this mission a failure not only to you but to the whole team. UNDERSTAND?!"





Secret MissionWhere stories live. Discover now