Chapter 55: Her New Life!

16.2K 124 11
                                    

Chapter 55: Her New Life

 

Phia´s POV

 

 

Ng imulat ko ang mata ko, naaninag ko agad ang karikatura ng isang tao sa may tabi ko. Hinang hina akong napangiti ngunit punong puno naman ng saya ang puso ko dahil sa napagmamasdan.


Pinagmamasdan ko lang silang dalwa, silang dalwa ng baby ko. Agad na pumasok agad sa aking alaala si Ryan, sana siya ang nasa tabi ko ngayon, sana siya ang maingat na karga karga ang anak niya.


Pinilt kung ngumiti dahil sa bestfriend ko, hindi niya padin ako iniiwan, siya ang nasa tabi ko palagi sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon.




¨Sophia gising kana pala!¨ Pagpansin niya ng Makita akong nakatingin sa kanila ng baby ko, mabilis siya tumabi sakin karga karga ang bata. ¨¨It’s a baby boy..¨Pinagmasdan ko ang mukha ni Zhai, nakarehistro dito ang saya at pagkasabik. ¨Gwapo gwapo ng baby mo at ang lusog lusog, ang tataba ng pisngi sarap pisilin!¨Tatawa tawang sabi niya. ¨Ahm nakaisip ka na ban g pangalan niya?¨


Tumango ako ng marahan. Nakakatawang pagmasdan si Zhai, kung nandito kaya si Ryan? Anong magiging reaction niya pagnakita niya ang baby namin? Im sure na masaya din siya, mas masaya siya!


Agad akong napayuko ng tumulo ang luha ko.


¨Best.¨ Ngumiti ako ng pilit kay Zhai, ayokong mamoblema na naman sya.






¨Raphian.¨Kumunot ang noo niya.


¨H-ha?¨

 

¨Raphian. Raphian ang pangalan ng new angel ko.¨

 

Ngumiti sakin si Zhai at marahang inaya patabi sakin ang baby ko. Pinagmamasdan ko siya. Ang cute ng baby niya, hindi ko man maitanggi pero si Ryan, bakit lahat ata nakuha sa kanya?


Bakit parang mas kamukha niya!?






********** (After 2 years!)

Zhai's POV

 

Naglakad lakad na muna kami ni Phia hanggang sa mapadpad kami sa isang overlooking Royal Palace at Cathedral.


Nakatanaw lang si Phia dito, kinuha ko ang cellphone ko at palihim ay kinuhaan siya ng picture.


Pumasok kami sa Templo De Defod maganda dito dahil narin sa history nito, this temple was erected to honor the gods Amun and Isis including side chapels for Osiris  and Horus na matatagpuan lang dito sa Mallorca..


Masarap lang at relaxing habang naglalakad kami sa lugar na ito!


Lumingon siya sakin ng nakangiti. "Tara don!" Muli kaming naglakad hanggang sa mapadpad kami sa isang parke, maganda dito at kitang kita ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.


May mga malalaking fountain mula sa nakalined up na bulaklak at pine trees. Masarap mamasyal dito lalo na sa ganitong panahon, maginhawa.


Patuloy lang ang pagngiti ko habang pinagmamasdan ang mukha ni Phia, napakaaliwalas niya sa pagkakataong ito.








Phia's POV

 


It feels like coming home! Arriving here in Mallorca and I feel as though I know this place. Sarap maglakad lakad habang pinagmamasdan ang kapaligiran.  The architecture, sceneries, the busy streets, the cloth that they're wearing, all of it was very familiar. Spain feels exactly like they're welcoming me here. At nakakatuwa lang dahil ang bestfriend ko pa ang kasama ko sa napakagandang lugar na ito.






Fulfiller of His Needs (COMPLETED)Where stories live. Discover now