Taboo Story 2 - Chapter 4

2K 126 5
                                    

"Gusto ko talagang mahanap ang pinsan ko." Ani Hannah kay Simon, habang tinatambangan nila ang ikalawa sa apat na kaibigan ng itay ni Hannah, "gusto kong malaman niya na pwede na siyang magpakita dahil nakakita na ako ng tutulong sa amin para makapaghiganti sa mga hayup na 'yun."

"Gaano na ba siya katagal nawawala?"

"Mag-aapat na taon na. Mga bata pa kami noon nung huli kaming nagkita."

"Ano naman ang pangalan niya?"

"Karen." Walang kagatol-gatol na sagot ni Hannah. Nagulat si Simon. "Mahal na mahal ko ang pinsan kong 'yun. Daig pa kasi namin ang magkapatid magturingan. Pero dahil sa akin napahamak siya. Hindi naman kasi dapat siyang madadamay pero dahil sa usapan naming magkikita sa bahay nadamay siya sa kamalasan ko. Dumating kasi siya sa bahay habang naroro'n ang mga walang-hiyang kaibigan ni Itay. Sabog sa drogang pinipilahan ako. Kaya hayun, hindi siya nakaligtas. Binaboy rin siya ng mga demonyong adik. Simula noon, hindi ko na siya nakita ng personal. Sa telepono na lang dahil ayaw na niyang lumabas ng bahay. Bagaman ipinangako ko naman sa kaniya na maipaghihiganti ko rin ang aming sinapit. At dahil ako ang may dahilan ng kaniyang pagkakadamay ang sabi ko sa kaniya ako na lang ang gagawa ng paraan. Babalitaan ko na lang siya. Gano'n lang kaming mag-usap no'n. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nagpakalayo-layo na ito kasama ng kaniyang pamilya".

Agad nakaramdam si Simon ng pamamawis at pagkataranta, bagaman pilit pa rin naman niyang kinukumbinsi ang kaniyang sarili na baka naman kapangalan lang ito ni Karen; na baka, ibang Karen 'yun dahil marami namang Karen sa mundo.

"Hayan na siya." Pagbasag ni Hannah sa malalim na pag-iisip ni Simon. Nakatanaw ito sa isang Van sa isang madilim na kalye. Papalapit na kasi rito ang lalaking kanilang pakay. "Dito ka lang muna Simon. Pag senyas ko, saka mo na lang ako lapitan. Armado kasi ang demonyong 'yan. Sisiguraduhin ko munang ligtas ka sa paglapit mo."

"S-sige, p-pero mag-iingat ka."

Tumango si Hannah bago ito nag-umpisang maglakad papunta sa kanilang pakay.

"Hi Kadyo." Malambing na pagbati ni Hannah sa lalaki habang papasok na ito sa kaniyang Van.

Napahinto naman ang lalaking tinawag niyang Kadyo, nginisian nito si Hannah; at kagat-labing hinagod ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sinadya kasing magsuot ni Hannah ng maikli at halos kita na lahat sa bandang dibdib bilang pain sa manyakis na kanilang tinambangan.

"Anong ginagawa mo rito?" ani Kadyo kay Hannah.

"Ah, dito kasi sa pook na ito nakatira ang nobyo ko ang kaso, nag-away kami, kaya heto, nag-aabang lang ako ng sasakyan para makauwi."

"Ganun ba?" Panay pa rin ang tingin nito sa dibdib ng dalaga. "Long time no see ah, mukhang lalo ka yatang gumanda. Magaling bang mag-alaga 'yang nobyo mo?"

"Hindi nga eh. Parati kasi akong binibitin. Ikaw ba?" unti-unti nang hinaplos ni Hannah ang dibdib ni Kaydo, "magaling ka bang mag-alaga sa asawa mo?"

Bakas sa mukha ni Kadyo ang pinaghalong gulat at tuwa; ngumisi ito. "Ba't ko naman aalagaan pa ang gusto ko nang idispatsa?"

"Bakit?" bumababa na ang paghaplos ng kaliwang kamay ni Hannah sa bandang tiyan ni Kadyo. "May ibang babae ka na ba?"

"May kabit ako siyempre."

"Maganda ba naman 'tong kabit mo?" naipasok na ni Hannah ang kanyang kamay sa unahang pantalon ni Kadyo. Napaiktad ang lalaki at halatang nagugustuhan nito ang nangyayari.

"Siyempre naman." napapakagat na rin ito sa ginagawa sa kaniya ni Hannah.

"Mas maganda pa sa 'kin?" tinataniman na ni Hannah ng halik ang bandang panga ni Kadyo.

"M-mas maganda't bata ka siyempre." Nadadarang na rin ito sa ginagawa ng dalaga sa kaniya.

"Gano'n ba? So... ok lang ba kung palitan mo na rin siya para sa akin?" Pasimpleng ipinadausos ni Hannah ang kaniyang kanang kamay sa baril na nakasukbit sa likurang pantalon ni Kadyo, habang hinihimas naman niya ang nagngangalit na harapan ng lalaki upang hindi ito makahalata.

"Basta ba magpapayari ka sa akin ngayon eh." Tatawa-tawang sagot ni Kaydo. Dinakma na nito ang dibdib ng dalaga at hinimas ito nang magkasabay.

Nagpanggap na nasasarapan si Hannah, tumingala at kagat-labing ipinikit ang mga mata. Sinadya niyang hintayin ang pagkakataon na sinibasib na ni Kadyo ang kaniyang dibdib bago niya binunot ang baril sabay atras ng ilang dipa upong itinutok  ito sa nagulantang na si Kaydo.

"Huwag kang gagalaw o pasasabugin ko ang bungo mo!" Nanggingil na sigaw ni Hannah. Itinaas naman ni Kadyo ang kaniyang magkabilang kamay; hindi ito makapaniwala sa mga nangyayari.

Sinenyasan na ni Hannah si Simon. Lumapit naman kaagad si Simon mula sa madilim ng bahagi sa kabilang kalye at saka walang patumanggang pinukpok nito ng tubo ang ulo ni Kadyo, paulit-ulit hanggang sa mabasag na ang tutok ng bungo nito at sumabog na ang mga utak.

***

"Yes! Ohhh!" Paghiyaw ni Hannah. Hindi na sila umabot sa balak sana nilang pag-uwi sa bahay ni Simon dahil doon na lamang sila nagtalik sa nadaanang talahiban matapos nilang itapon ang katawan ni Kadyo sa malayong lugar.

"Ang ganda mo talaga Hannah..." Sinibasib ni Simon ang magkabilang dibdib ng walang saplot na si Hannah—na abala naman sa paggiling nang pasaklang sa kanyang kandungan.

"Two down, three to go. Shit!" Tumayo ito para tumalikod at saka ito tumuwad. Sadyang itinapat nito ang kaniyang kaselanan sa bibig ni Simon. Wala namang pag-aalinlangang sinibasib ito ni Simon, bago sito tumayo upang pasukin ang kaibuturan ni Hannah sa kaniyang likuran. "Shit Simon, ang saraaap." Mas hinigpitan ni Simon ang pagkakahawak sa balakang ng dalaga at saka itinodo ang kaniyang pag-ulos nang paulit-ulit, na nauwi naman sa kapwa nila paghihiyawan sa gitna ng katahimikan ng gabi.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang sinapit namin ni Karen." Ani Hannah habang nagbibihis na sila matapos ang kanilang matinding pagtatalik sa talahiban. "At isasama ko na rin ang kung sino man ang pumatay kay Inay. Hahanapin ko siya, at kapag nalaman ko na kung sino siya, gusto kong tulungan mo rin ako."

Nagulat si Simon. Sandali itong natigilan matapos maisuot ang kanyang T-shirt.

"Pero ang gusto ko, ako mismo ang papatay sa kaniya."

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden Tales Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon