Taboo Story 4 - Chapter 9

525 38 10
                                    

"Chona, I think we should stop seeing each other for now. Let's take a break."

"What?" mangiyak-ngiyak si Chona. Paano'y hindi pa man din sila nakakapasok sa bahay niya ay binirahan na agad siya ng mga katagang hindi niya nais marinig. "What did I do?"

Napanganga si Ryan sa pagtataka sa katipan dahil parang hindi sila nag-aaway mula sa apartment niya, sa buong biyahe sa sasakyan niya, hanggang sa makababa sila. Putak ito ng putak, kung ano ang sinasabi na hindi na niya gaanong maintindihan. sinapok-sapok pa siya nito at tila baliw na pilit inagaw ang manibela kaya ilang beses na rin silang muntikang sumalpok sa mga sasakyan sa kabilang kalye.

"Ano? Magsalita ka?" tuluyan nang humagulhol si Chona.

Sa halip sa sumagot ay ipinakita niya rito ang marka ng mga kagat sa kanang braso niya. Hindi pa kasi nagkasya na pinagsasapok siya nito habang nagmamaneho; kinakagat rin siya nito kapag hindi niya ito pinapansin sa labis na karindihan. In his mind, Chona had certainly surpassed Mia's childish tantrums and jealous episodes. O kahit 'yung kawirduhan ni Lira sa mga kahinahinalang ikinikilos nito. Chona may not be a childish brat as Mia or an odd mysterious chick as Lira, but she certainly is a borderline psychotic with extremely violent tendencies, which is too much for him to handle.

"S-sinong may gawa niyan? S-sinong kumagat sa 'yo?" pinagmamasdan ni Chona ang braso ni Ryan na parang hindi niya alam ba siya mismo ang gumawa noon.

Napapikit na si Ryan sa sobrang na inis at desperasyon. He wants to get out of there ASAP, kaya umakma na itong aalis na dahil hindi na halos siya makahinga sa nakababaliw na presence ni Chona. Ngunit hindi pa man din ito nakakahakbang sa pagpihit niya ay agad siyang tinapik ni Chona.

"Saan ka pupunta, ha?"

Lilingunin sana ito ni Ryan para sagutin kung hindi lamang siya sinalubong ng isang malaking paso na may nakatanim pang halaman, na siya mismong ipinanghampas ni Chona sa kanyang ulo. Agad namang bumulagta sa lupa si Ryan sa labis na pagkahilo, at bagaman may malay pa rin ito ay hindi na nito magawang makatayo sa sariling mga paa. The next thing he knew ay hinihila na siya ni Chona nang patihaya papasok sa bahay nito, without any clue kung ano ang planong gawin sa kanya nito.

***

Ilang beses na napaduwal si Ryan nang dinala siya ni Chona sa basement ng bahay nito. Pero wala siyang magawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakagapos sa kanya ni Chona paharap sa lamesa kung saan ginagawa ng dalaga ang mga proyekto nito.

Bumabaligtad ang sikmura ni Ryan habang pinanonood niya ang pagtanggal ni Chona sa laman-loob ng isang patay na pusa. Nakabungisngis na sumusulyap-sulyap din ito sa kanya na para bang nagbibigay ito nang babala na siya na ang susunod nitong proyekto. Maya-maya pa ay huminto na ito sa ginagawa upang hugasan ang duguang hayop sa lababo. Sunod na isinabit ito nito sa nakalawit na kadena na may hook, kahilera ng mga ibon, aso, kuneho, daga, at kung ano-ano pang mga patay na hayup na pinatutuyo ni Chona.

The whole area stinks like there are rotting and burned flesh everywhere, and everything he sees is enough to know where the stench is coming from.

"Siyanga pala Ryan, ipinakikilala ko nga pala sa 'yo si Conrad, Polly, Evan—" habang isa-isang hinihila nito paharap sa kanya ang nakapangingilabot na preserved bodies ng iba't ibang kalalakihan. Walang saplot ang mga ito at tila dinuduro siya ng mga karganda ng mga ito na permanente nang nakatayo. "—si Dong, Jimmy, Corey, Ja—"

Hindi na nakayanan ni Ryan ang nakikita niya kaya tuluyan na itong napasuka sa kinauupuan nito.

"Shucks naman Ryan." Buwisit na buwisit na reaksiyon ni Chona sa pagsuka ng binata, "finished projects na nga 'tong ipinakikita ko sa 'yo nasusuka ka na," lumalakad na ito palapit sa bagay na may taklob na katapat mismo ng kinauupuan ni Ryan. "Paano ko na ngayon ide-demo sa 'yo kung paano ko gawin ang mga obra ko from scratch!" Sabay hablot nito sa puting kumot na nakataklob sa bagay na kaharap ni Ryan.

SIX TABOO:  Forbidden TalesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora