Taboo Story 4 - Chapter 1

736 46 9
                                    

"Nasasakal na ako, Rodney. Ayoko na.  Maghiwalay na tayo..." marami pang sinasabi si Lira, ngunit wala na halos marinig at maintindihan si Rodney sa mga sumunod na sinabi nito. Pag-siyam na nobya na niya ito na tila mga sirang plakang parehe-pareho lamang naman din ang tema ng linyahan sa pakikipaghiwalay sa kanya. Kesyo nasasakal na sila sa kanya, o di kaya nama'y nagsasawa na sa pagiging clingy at possessive niya. At ang masaklap pa, lagi itong tumitiyempo sa ikalabing-isang buwang monthsary, kaya nga wala siyang nagiging nobya na umaabot man lang ng isang taon.

Mas gusto ba nila kung naging babaero na lang ako at walang pakialam at panahon sa kanila? Pupungas-pungas si Rodney habang nagmamaneho pauwi. Napalingon ito sa maliit na pulang box na nakapatong sa passenger's seat kaya lalong sumiklab ang galit at frustration na nararamdaman niya. 'Yun kasi ang box na ibinigay niya kay Lira kanina nang alukin niya itong magpakasal. Excited na excited pa naman siya. May paluhod-luhod pa siyang ginawa; at sa harapan pa man din ng mga tao sa mamahaling restawrang pinagdalahan niya rito. Ngunit isang matinding heart break at kahihiyan lamang pala ang aabutin niya. Napahiya rin siya sa maraming taong nakasaksi sa pagpo-propose niya, kaya para maisalba ang mukha'y nag-walkout na lamang siya bago pa man natapos ng nobya ang sinasabi nito. 

"Fuck! Fuck! Fuck!" Pinagdiskitahan nitong hampasin ang manibela habang naka-stop pa ang traffic lights, "Ginagawa ko naman lahat ah! Ano ba talagang gusto nila?!" habang unti-unting nabubuo ang matinding poot sa kanyang dibdib, lalo na kay kay Lira dahil ito ang pinakahuli, at ito ang kaisa-isang inalok niya ng kasal. "Nakakasakal? Nasasakal kayong lahat sa 'kin? Pare-pareho talaga kayong mga babae." Gayong sa isip-isip niya'y wala pa naman siyang literal na nasasakal sa buong buhay niya.

***

"Shit, Oh... Haley!" Akala niya, tuluyan na niyang maigagarahe si Haley sa pagdating ni Lira, pero hindi pa rin pala.  Ito pa rin pala talaga ang babalik-balikan niya sa bawat pagkakataon ng pagkabigo. "Ang sexy mo talaga, Haley." Sabay dakma nito sa malulusog nitong dibdib. "Yes, Haley, I'm coming!" Ilang ulos pa'y nilabasan na nga siya, at pinatulo niya ito sa puson mismo ng life-size silicon sex doll niya. 

"Holy fuck, Haley. Na-miss kita." Na tila tunay na taong pinaghahalikan ito ni Rodney sa palibot ng leeg. "Kahit naghahangad ako ng tunay na—" hinaplos nito ang butas sa pundiyo nito, "—puke. At tunay na—"pinisil-pisil nito ang magkabilang dibdib nito, "—diyoga. Hindi ka nagagalit. Hindi mo ako iniiwan. Nandyan ka lang lagi at naghihintay sa 'kin kahit matagal kitang hindi nadidiligan."  

Humiga na ito sa tabi nito, "mahal na mahal kita, Haley. Pinakamahal talaga kita kaysa lahat ng naging nobya ko. Kung hindi nga lang ako laging kinukulit ng mga magulang at mga kapatid ko na magpakilala ng tunay na babae sa kanila, kuntento na talaga ako sa 'yo. Kahit tayong dalawa na lang habangbuhay. Pero hindi na ako magsisinungaling sa 'yo. Hindi ka naman magagalit at magseselos 'di ba?" nilingon nito ang sex doll, "Mas masarap din talaga ang tunay. Lalo na si Lira. Ang sexy rin niya, tulad mo. Tapos ang init ng katawan niya kapag nagse-sex kami. Ang galing niya sa kama. Gustong-gusto ko kapag gumigiling siya sa ibabaw ko at umuungol ng malakas. Sana, umuungol ka rin 'no, Haley?" Sandali itong natahimik habang nakatitig sa kesame, "Tsk!"

Bumangon na ito nang paupo sa kama at sinabunutan ang sarili, "para kang gago!" Sinampal ni Rodney ang kanyang sarili, "you're so pathetic! Kinakausap mo na naman ang sarili mo!" Matalim na tiningnan nito ang manikang katabi, "anong tinitingin-tingin mo, ha?!" Bigla nitong sinuntok ang mukha nito, "naniwala ka naman sa bola ko na mahal nga kita?" magkabilang dibdib naman nito ang pinagsusuntok nito. "Hindi kita mahal dahil mas malala ka pa sa bangkay! Mabuti pa ang bangkay, tunay! Ikaw, hindi!" Sinuntok naman nito ito sa bandang puson. "Sawang-sawa na ako sa 'yo!" Bagaman muli na naman itong kumubabaw rito upang muling pagpasasaan. Ngunit sa pagkakataong ito ay dito na nito ibinuhos ang galit nito. Pinagsasampal nito ang manika habang umuulos. Sinusuntok sa kung saan-saan habang umuungol sa kalaswaang ginagawa. "Putang ina mo Haley! Wala kang kabuhay-buhay! Ohhh! Hindi ka man lang ba aaray?" Sinikmuraan niya ito, "hindi ba masakit? Umaray ka sabi eh!" Sinuntok nito ang magkabilang hita nito, "puro ka bukaka, wala ka namang ibang silbi! Hindi mo naman ako mabibigyan ng anak?! Sayang lang ang tamod ko sa 'yo!" Sinabunutan nito ito, "iyak! Umiyak ka!" Sabay tampal nito sa mukha ng manika. "Umiyak ka sabi eh! Ahhh..." dumarating na ito sa rurok kaya't mas bumilis na ang pag-ulos nito hanggang sa tuluyan na itong sumabog.

Agad naman itong bumalikwas upang umatungal na animo'y isang batang nawalan ng kendi; sabay sipa nito sa manikang ginamit niya upang makaraos. "Lira.." Bulong nito habang sinsabunutan ang sarili, "putang ina ka Lira bakit mo ako iniwan? Akala ko ba mahal mo ako? Hayup kang babae ka!" Biglang nagbago ang timpla nito, nanginginig na ito sa galit at biglang nanlisik ang mga mata, "kung alam ko lang na gaganituhin mo ako, dapat pala winasak ko na lang 'yang puke mo no'ng huli kitang kinantot. Dapat pala, isinagad ko na lang ang bayag ko sa bibig at lalamunan mo hanggang sa hindi ka na makahinga para namatay ka na lang! Tangina mo!" Marahan ngunit malakas nitong kinakatok ang sarili. "Pinaasa mo lang ako, hayup ka! Pagsisisihan mo ang araw na 'to! Tandaan mo!" Humihiyaw na ito, "pagbabayaran mo ang panghihiya mo sa akin!"

***

"Ano bang ginawa mo?  Bakit daw nakipaghiwalay sa 'yo?" Singhal sa kanya ng kanyang ina. "Sayang naman, gustong-gusto ko pa naman si Lira! Akala ko ba'y aalukin mo na itong magpakasal. Pambihira ka naman. Di kaya nambabae ka tulad ng buwisit mong ama?..." Marami pa itong sinabi na pumasok at lumabas din sa kanyang tenga dahil iyon lang ang paraan para matagalan niya ang bungangera niyang ina.  Ito ang dahilan kung bakit bumukod siya ng bahay na milya-milya ang layo rito, kundangan nga lang at may kailangan siyang kunin sa dati niyang silid, kaya wala siyang magawa kundi ang pagtiisan ito. "hoy Rodney!—"pahabol nito habang patungo na siya sa pinto, "—huwag mo akong tinataliku—" pinagsarhan na niya ito ng pintuan.

Hindi na talaga niya matagalan ang bunganga ng nanay niya. Ito rin nga ang nanging dahilan din kung bakit iniwan ito ng tatay niya at ng iba pa niyang mga kapatid. Putak kasi ito nang putak, ang lakas-lakas pa man din ng boses; tila mas mabilis pa nga ang takbo ng bibig nito kaysa utak niya.

***

"Grabe ka naman Lira, bakit naman kasi do'n ka pa nakipag-break kay Rodney sa public place." Wika ni Chona sa kaibigang si Lira, habang naka-upo ang mga ito sa isa sa mga benches sa park. "Kawawa naman si Rodney. Ano bang problema mo sa kanya? Mabait naman siya ah. May kaya, edukado, matalino. May stable na trabaho. Guwapo, at higit sa lahat, hindi babaero. Ano pa bang hinahanap mo na wala siya?"

Ang hindi nila alam, ay naroon lamang si Rodney sa paligid. Nagmamasid at nakikinig sa kanila.

Inirapan ni Lira ang kaibigan, "nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo talaga siya kilala underneath the surface."

"O, eh ano nga ba ang kinaayawan mo sa kanya, underneath the surface?"

"He's..." sandaling nag-alinlangan si Lira.

"Bad in bed?" natatawa si Chona.

"N-no. He's actually good in bed. Gosh! 'Yun nga yata ang mami-miss ko nang sobra sa kanya. Sobrang galing niya sa kama, hands down. Siya ang pinakamagaling, pinaka-sexy, at pinaka-hot sa kama sa lahat ng nakarelasyon ko."

Napanganga si Chona, "talaga ba?" na parang kinikilig at naglalaway pa ito. "Kung hindi iyon, eh ano?"

"He's kind of..."

"Kind of, what?"

"He's kind of unstable, here!" Itinuro nito ang sentido.

"What do you mean?"

"Nahihirapan akong ipaliwang, Chona, dahil hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa kanya."

"Hmp! Baka naman nag-o-overthink ka na naman dahil ngayon ka lang nagkaroon ng boylette na sobrang perfect."

"Tsk, ano ka ba, hindi 'no."

"Hay naku, kung ayaw mo na sa kanya, puwede bang akin na lang siya?"  Humalakhak ito, "mas ok nga 'yung medyo may topak ng kaunti. 'Yun nga ang type ko eh."

"Hmp. Be careful of what you ask for. Sa 'yo na kung gusto mo, pero ako na ang nagsasabi sa 'yo, don't you ever take his weirdness for granted. Kapag na-feel hindi mo kaya ang topak, um-exit ka na for your own good."

"Ang tanong, matitipuhan ba naman kaya niya ako? Eh baliw sa 'yo 'yun eh! Ano naman ang laban ko sa 'yo?"

"Sira. Maganda ka kaya. Mas matangkad at mas sexy ka nga sa 'kin eh."

"Binobola mo lang 'yata ako."

"Ba't 'di ikaw ang tumingin sa sarili mo sa salamin? At saka, bakit naman kita bobolahin kung hindi naman kita jojowain?"

Nagtawanan ang dalawa; hindi pa rin alintana ang mga matang nakamasid sa kanila.

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now