Taboo Story 1 - Chapter 2

11K 325 35
                                    

"Maari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sa 'yo?" tanong ni Detective Alvarez kay Jennica.

Tiningnan lang ito ng dalagita. Hindi ito nagsasalita.

"Jennica, anak. Sabihin mo sa kanya. Para mahuli na ang gumawa nito sa 'yo." Sabi naman ng kanyang inang si Mariella.

Hindi pa rin ito nagsalita, pero sa loob-loob nito'y ang maingay na alaala ng mga nangyari sa kaniya.

***

Hiniwa ng baliw na lalaki ang palibot ng tiyan ng kaniyang katalik. Sumirit at umagos na ang dugo mula rito na inihilamos naman niya sa kaniyang mukha; humahalakhak ito habang patuloy na umuulos at nagpapakasasa sa kaselanan ng naghuhumiyaw na buntis.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2015, All rights reserved

Hindi halos matingnan ni Jennica ang nangyayari sa kawawang babae, lalo na nang nagising ang isa pang buntis at nakita ang kakilakilabot na nangyayari sa kanyang katabi.

Nagsisigaw at nagwawala sa sobrang takot ang kagigising lang na buntis, lalo pa't natalsikan din siya ng mga dugong sumirit na sa tiyan mg kaniyang kawawang karatig.

"Anak... narito na si Papa!" Humahalakhak na sigaw ng baliw na lalaki habang hinihimas nito ang duguang tiyan mg buntis. "Akin ka lang ha? Dito ka lang sa loob ko..." Hinimas nitong sunod ang kanyang tiyan.

Halos himatayin na si Jennica at ang isa pang buntis nang bigla na lamang mas pinahaba pa ng baliw na lalaki ang nakausling bakal ng cutter at walang patumanggang isinaksak 'yun sa tuktok ng tiyan ng kanyang katalik.

"Diyos ko!" Hiyaw ng isa pang buntis.

Nagsimula nang magkikisay ang duguang buntis, habang humahalakhak namang naaabot na ng baliw ang sukdulan ng kaniyang pagnanasa.

"Oh, Mariella!" Binunot nito ang cutter at muling inihiwa 'yun nang paulit-ulit sa naghihingalong katalik."

***

"N-nakipagkita po ako sa..." Marahang nasasabi na ni Jennica sa ina at sa lalaking nagtatanong sa kanya. "T-tunay kong ama." Napasulyap ito sa ina.

Agarang pagkagimbal naman ang bumakas sa mukha ni Mariella.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yong patay na siya at hindi mo na dapat hanapin pa?!" Biglang bulyaw nito sa anak.

Umiyak na si Jennica, bagaman hindi ito gaanong makagalaw dahil sa pagsakit ng kaniyang mga sariwang sugat.

"Mrs. Punzalan." Sabi ni Detective Alvarez kay Mariella, "maaari ko bang makausap ang anak niyo nang sarilinan?"

"Pero--"

"Nakikiusap po ako. Sandali lamang naman ito para makuha ko na ang mga impormasyong kailangan ko para mahuli na namin kung sino man ang demonyong may kagagawan nito."

Nag-aalinlangan man, ay sumunod naman si Mariella. Lumabas ito ng silid ng ospital at isinara ang pinto.

"Jennica." Kalmadong pagbaling ni Detective Alvarez sa Dalagita. "Sinasabi mo ba na ang iyong sariling ama ang may kagagawan sa 'yo nito?"

Pilit pinatahan ni Jennica ang kaniyang sarili para makapagsalita nang maayos.

"D-doon s-sa i-iba pang mga babae, o-po. S-siya nga po."

"Kung gayun, eh sino ang may kagagawan sa 'yo nito?"

Muling nagbabadya ang pag-iyak ni Jennicka pero napigilan din naman niya ito.

"S-si k-kuya Jun-jun po."

"Sino si Jun-jun?"

Napahagulhol si Jennica. Natagalan bago niya muling napakalma ang kaniyang sarili.

"K-kapatid ko po."

"May kapatid ka?"

"O-opo. Siya po ang n-napunta kay Itay nang naghiwalay sila ni I-Inay."

"Anong ginawa nya sa 'yo?"

Muling umiyak si Jennica habang pilit inaalala ang mga nangyari sa kaniyang pagkawala nang mahigit sa sampung buwan.

***

"May regalo ako sa 'yo Jun-jun anak." Sabi ng baliw na lalake sa binatang dumating upang saluhan siya sa niluluto niyang nilaga.

Buo pa ang maliliit na kamay at paa ng sanggol sa paghalo at pagsalok niya sa kaserola.

Nagliwanag ang mukha nito, "Ano po?"

"Nasa atin na ang kapatid mo. Narito na si bunso."

"Talaga po? Nasaan na siya?"

"Nasa silong natin." Humagikhik ito. "Pero bago mo siya puntahan, halika at saluhan mo muna ako. Kapatid mo rin ito. Sariwang-sariwa." Sumalok ito sa kaserola at ipinakita sa kaniyang anak ang maliit na kamay na nasalok niya.

Ngumisi si Jun-jun, "Hinaluan niyo po ba ng patatas at repolyo?"

"May patatas na, pero ngayon ko pa lang lalagyan ng repolyo. Umupo ka na." Itinuro nito ang dining table sa kanilang maliit na kusina. "Sandali na lang naman ito."

"Sige po." Umupo na ito sa isa sa mga upuan. "Mukhang masarap 'yan. Salamat po itay. Gutom na gutom na nga po ako eh."

"Sabi ko naman sa 'yo. Kasinungalingan ang ibinibintang ng nanay mo na hindi ko kayo kayang buhayin ni bunso. Kasinungalingan na hindi ko kayo kayang hatdan ng karne sa hapag-kainan. Ito oh, nagmula pa mismo sa akin. Sariwang-sariwa at walang kaubusan."

"Kailan niyo po ba lulutuin 'yung kambal na nasa freezer?"

"Sa birthday mo. Kaya mag-imbita ka ng mga kaibigan mo ha? Pangako, sasarapan ko ang luto, para mag-enjoy naman sila sa kanilang pulutan."

***

"N-noong una po, kinakaibigan niya ako. Siya ang nagdadala sa akin ng pagkain at maiinom. S-sa akin lang naman siya ganun. M-mabait siya sa akin. S-siya rin po ang nagkalag sa akin sa aking pagkakagapos at nagbigay sa akin ng maisusuot. S-siya rin po ang nakiusap sa aming itay na huwag na akong igapos sa loob ng basement kasama ng iba pang mga babae."

"Anong nangyari."

"P-pumayag naman po si Itay. Pero..."

"Pero ano?"

"Hindi na nga nila ako iginapos kasama ng iba pang mga babae, pero ikinanadena naman nila ako sa silid ng kuya ko." Muling humagulhol si Jennicka.

"Tapos, anong nangyari?"

"Hayun p-po. Doon na po ako--" Muling humagulhol si Jennica.

"Nilapastangan ng kuya mo?"

Unti-unting tumango si Jennica, "O-opo. Gano'n na nga po."

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now