Taboo Story 4 - Chapter 7

517 38 4
                                    

"What do you want from me, ha, Lira?!" Nagwawalang sinugod ni Ryan si Lira sa Klinika nito. Sumugod na ito rito matapos ang dalawang araw na nakatutureteng pag-iisip matapos nilang magkausap ni Chona. Agad naman itong pinigilan ng mga guard at ilang staff upang hindi makalapit kay Lira. Tila nagugulumihanan naman si Lira sa mga nangyayari. "Maayos naman tayong naghiwalay ah, ano bang gusto mong mangyari? Bitawan niyo ako!" Bulyaw niya sa dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso niya.

"A-ano bang nangyayari sa 'yo?" Sagot ni Lira ka Ryan. "Teka po." Wika nito sa mga guwardiya, "bitiwan niyo po muna siya."

"Eh, Duktora, kanina pa pong nagwawala ito diyan sa labas eh." Pagdadahilan naman ng isa sa mga guwardya.

"Pa'ano akong hindi magawawala eh basta niyo na lang akong tinabig!" Muling bulyaw ni Ryan nito sa mga lalaking pumipigil sa kanya. "At ikaw!" Pagbaling nito kay Lira na may kasamang panduduro. "Anong kasalanan ni Mia sa 'yo ha?! Bakit kailangan mo siyang idamay sa galit mo sa 'kin?!'

Napanganga naman si Lira, "Mia? Sino si Mia?" Kalmadong tanong ni Lira sa dating kasintahan, "teka nga muna, doon na lang tayo mag-usap sa opisina k–"

"O bakit ayaw mo pa rito?!" Pagputol ni Ryan sa pagsasalita ni Mia, "natatakot ka ba na nadiskubre ng mga pasyente at tauhan mo rito kung anong klaseng tao ka! Mamatay tao! Hayup ka! Mapagpanggap! Demonya!"

Napasinghap ang halos lahat ng mga tao't nagmimiron sa loob ng kilinika. Maging si Lira ma'y napipi na sa hindi inaasahang mga hindi magagandang tinuran sa kanya ng dating nobyo.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot-noong wika ni Lira na nanatili namang mapayapa at malumanay ang tinig. 

"Ibang klase rin pala talaga kapag ang tao ay wala nang kunsensya," nanunuyang wika ni Ryan. "Hindi na kinakabahan kahit nagsisinungaling!"

"Kung ayaw mong makipag-usap sa akin ng pribado," mahinang sagot naman ni Lira dito, "pakibaba naman sana ang boses mo, please?!"

"At bakit ko naman kailangang pahinain ang boses ko, ha?!" Lalong ipinagsigawan ni Ryan ang mga sinasabi nito. "Natatakot ka bang marinig ng lahat dito, kung anong klaseng tao ka? Makinig kayong lahat!" Pag-anunsyo nito sa lahat ng mga nakapaligid, "tandaan niyo! Kapag may nangyaring masama sa 'kin, siya—" sabay turo ka Lira, "siya lang at wala nang iba ang may pakana!"

***

"Bakit mo naman ginawa 'yun, Ryan?" sagot ni Chona sa kausap sa cell phone.  Ito kasi agad ang tinawagan ni Ryan matapos nangyari ang mga nangyari sa kilinika ni Lira. "Di ba ang sabi ko sa 'yo pag-iisipan mo dapat nang mabuti ang lahat ng mga gagawin at sasabihin mo, lalo na kay Lira. Mabuti hindi ka ipinakulong for Trespassing."

"Desperado na ako, Chona. Ilang araw na akong hindi pinapatulog ng labis na pag-aalala para sa buhay at kaligtasan ko."  Sagot naman ni Ryan sa kabilang linya, "'yun lang ang paraang naisip ko para mangingimi man lamang siya na patayin ako. Mabuti na 'yung marami akong sakski, para kung ano man ang mangyari si 'kin, alam na nila kung sino ang may pakana at may gawa.

"Kunsabagay pero...umamin ba siya tungkol kay Mia?"

"Hindi."

"Hindi?"

"Itinanggi niya na kilala niya ang ex ko."

"Naniwala ka naman?"

Hindi kaagad ito nakasagot.  "Puwede ba tayong magkita sa personal?"

"H-ha? B-bakit?"

Ngunit sa halip na sumagot ay bigla itong umiyak. "I just need company...ang makakaramay...ang makakausap. Para kasing masisira na ang ulo ko sa kaiisip.  I need your help to clear up my mind. Puwede ka ba?"

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now