Taboo Story 1 - Chapter 1

15.2K 389 74
                                    

Minahal kita.  Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako. Isang araw, ang sabi mo, mahal mo rin ako, naniniwala naman ako. Binilog mo lang pala ang ulo ko. Gusto mo lang palang makatakas, isasama mo pa ang aking mga anak. Putang ina mo mga anak ko rin 'yan ah! Akin din sila, ikaw lang ang nagdala sa kanila pero akin sila! Akin... akin... akin...

***

"Parang awa mo na. Hinihintay na ako ng mga magulang ko. Pangako, hindi ako nagsusumbong.  Pangako, kalilimutan ko na ang lahat!"

Parang wala namang narinig ang lalaking dumukot sa kaniya. Ipinagpatuloy lang nito ang paghilera sa kaniya kasama ng tatlong iba pang nakakadena sa kani-kaniyang mga katre. At tulad nila'y ikinakadena na rin siya nito.

Pinagmasdan niya ang kilos nito.  Masyado itong seryoso't nakakatakot, taliwas na taliwas sa hitsura nito nang una silang nagkakilala noong kabilang buwan.  Napakaguwapo kasi nito kahit na may edad na, matipuno, matangkad at maamo ang mukha. Sino ba ang makapagsasabing ito pala'y may malaking sayad sa ulo.

"Huwag!" Sigaw niya.

Puwersahan siyang pinatihaya nito para maikadena ang kanyang magkabilang kamay sa magkabilang itaas na sulok ng katre; gano'n din ang kaniyang magkabilang paa--sa ibaba.

Matapos nitong maikandado ang pinakahuling shackle ay umalis ito sandali, para kumuha naman ng isang matalim na gunting. Gunting na akala niya'y isasaksak sa kanya, 'yun naman pala'y para lang gupitin ang uniporme't lahat-lahat na saplot na suot-suot niya.

Lahat silang apat na babaeng naroro'n ay pawang mga nakahubad. May isang nagwawala. May dalawang buntis na natutulog; isang malaki na ang tiyan na anumang oras ay maaari nang manganak, ang ikalawang buntis nama'y malamang nasa ika-anim hanggang ika-pitong buwan pa lamang;  hindi pa naman kasi kalakihan ang tiyan nito.

Nilingon niya ang nagwawalang babae sa kaniyang gilid sa kaliwa. Puro pasa at bukol na ang mukha nito.  Marami rin itong latay sa buong katawan. Gulo-gulo ang mahaba nitong buhok at walang hinto sa pag-iyak. Nakaririndi ang paghiyaw nito; pero hindi rin naman niya ito masisi. Dahil siya ma'y gusto na rin niyang magwala; gusto na rin niyang mag-iiyak at mag-ingay.

"Shhh!" Pagsaway ng lalaki sa maingay na babae.  Hindi naman naingli ang huli. Tumahimik lamang ito sandali matapos itong sampalin ng lalaki na bigla na lamang itinigil ang paggupit sa kaniyang uniporme para lamang gawin 'yon sa maingay na babae. "Hindi ka ba tatahimik?"  sabi ng lalaki sa maingay na babae.  Hindi sumagot ang babae.  Nang dahil dito'y sumampa na ang lalaki sa kama ng maingay na babae, lumuhod sa gitna ng mga hita nito at saka dali-daling tinanggal ang sinturon ng kaniyang pantalon.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2015, All rights reserved.

Nagpapalag ang babae kahit na alam nitong wala rin namang silbi ang kaniyang pagwawala. Lalo na nang pinanghimasukan na ito ng lalaki na walang habas namang umuulos sa gitna ng kaniyang mga hita.

"Malandi ka." Sambit ng lalaki sa gitna ng kaniyang pag-ungol at panggigigil. "Puke ng ina mo Mariella. Mamatay ka na sana!"

Lalong nagsisigaw ang babae, pero sinuntok siya ng lalaki sa ilong. Nawalan ito ng malay bagaman nagtuloy-tuloy lang naman ang panglalapastangan sa kaniya.

"Puta ka!" Humiyaw ito na sinusundan ng malakas na pag-ungol. "Put--"

Natigilan ito nang biglang humiyaw ang buntis na babaeng may mas malaking tiyan. Dumadaing ito sa sakit ng biglaang paghilab ng kaniyang tiyan. Manganganak na ito.

Dali-daling hinugot ng lalaki kaniyang sarili para puntahan ang dumadaing na babae. Humahalakhak na hinimas muna nito ang kabilugan ng tiyan ng buntis, bago may dinukot sa likurang bulsa ng kaniyang pantalon at pinagmasdan iyon na tila nababaliw na.

Isa itong cutter. Isang cutter na dinilaan pa nito nang marahan matapos nitong ikasa ang talim nito papalabas.

"Akin ang anak ko Mariella." Humahalakhak na sambit nito. "Puta ka mamatay ka na sana pero akin ang anak ko." Walang humpay ang kaniyang pagtawa "Saan ba kita hihiwain?" nababaliw na tanong nito sa buntis.

Nagsisisigaw sa takot ang buntis sa tuwing itinututok sa iba't ibang parte ng kaniyang tiyan ang cutter. Lalo naman itong pinaglaruan ng baliw na lalaki dahil doon.

"Mamatay ka na Mariella. Masosolo ko na rin si bunso." Humagikhik ito. "Pero huwag kang mag-alala. Mabait ako kaya't kakantutin muna kita para may pabaon ako sa 'yo tangina mong puta ka!" Muli nitong inilabas ang kaniya sa unahan ng kaniyang pantalon at agad na itinutok ito sa kaselanan ng buntis.

Tumatawang naghihiyaw ng baliw na lalaki sa kaniyang unang pagpasok. Halos mahimatay naman ang buntis sa sakit ng sunod-sunod nitong pagbayo.

"Puta ka mamatay ka na sana!" Nakapikit at nakatingala ito habang nag-iiyak naman ang babaeng kaniyang nilalapastangan. "Akin lang ang anak ko... akin lang si bunso..." Muli nitong iniangat ang hawak niyang cutter sa kalagitnaan ng kaniyang pag-ulos. Lalo namang lumakas ang pagsigaw ng buntis nang makita niya ang patalim.

"Pagod na pagod ako galing sa trabaho, uh!" Dugtong nito habang papalapit na ito sa kaniyang sukdulan. "Gutom na gutom na ako pero wala ka man lang inihandang hapunan para sa akin. Putang ina mo Mariella saan mo dinadala ang kinikita ko? oh!" Nanginginig na ito; mas lalong tumitindi ang pag-ulos. "Hayup ka, ibinili mo na naman ng mga luho mo. Ginugutom mo rin ang mga anak ko... gutom na gutom na kami ng mga anak mo, aah!"

"Mama..." Bulong ng bagong gapos na babae habang pinanonood nito ang panglalapastangan sa buntis ng dumukot sa kanya. "Mama tulungan mo ako... mama!" Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata matapos niyang sandaling makita ang unti-unting paghiwa ng lalaki sa tiyan ng buntis na katalik nito. "Mama... Mama! Mam--"

Nakaramdam siya ng isang malakas na pagtapik sa kaniyang nagkabilang pisngi.

"Jennica! Jennica gising!"

Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

"Mama?!" Pagkakita niya sa mukha ng kaniya ina.

"Ako nga. Binabangungot ka na naman."

Niyakap niya ito at nag-iiyak nang biglang nakaramdam naman siya ng matinding sakit sa kaniyang bandang puson.

"O dahan-dahan." Habang kumakalas ang kaniyang ina sa kaniyang pagkakayakap. "Sariwa pa ang mga sugat mo. Maya-maya lang darating na si Doc."

Tiningnan niya ang kapaligiran. Naka-confine na pala siya sa isang Ospital. Kinapa niya ang kanyang ulo; may benda ito. Tiningnan niya ang kanyang mga braso; walang pagsidlan ang dami ng mga sugat, hiwa, gasgas at pasa. Kinapa niya ang kaniyang mukha. Masakit ito, halatang namamaga at sugat-sugat.

"A-ano pong nangyari s ak--"

"Saka na natin pag-usapan, anak. Ang mahalaga, natagpuan ka na namin. Kailangan mo munang magpagaling."

"Pero bak--"

"Mrs. Mariella Punzalan?!" Pagtawag ng Nurse sa Mama ni Jennica. Nakatayo ito sa may pintuan.

"Ako nga, bakit?" sagot nito.

"May tawag po para sa inyo sa may nurse's station."

Napakunot-noo ito. "Sino raw?"

"Si Detective Alvarez daw po."

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora