Taboo Story 3 - Chapter 5

714 48 8
                                    

Walang hinto sa pag-iyak si Marie habang pinagtatawanan lamang naman ito ni Migoy. Animo'y napakasaya pa ng huli habang pinagmamasdan nito si Marie na nanginginig sa takot.

"Patayin mo na lang ako, hayup ka!" Bulyaw ni Marie kay Migoy sa kabila ng panghihina.

Lalong lumakas ang paghalakhak ni Migoy.

Pinilit tumayo ni Marie; ginamit ang natitirang lakas para suwagin si Migoy, "Hayup ka!" bago nito sunod-sunod na pinagsasampal.

Sinasalag naman ni Migoy ang kaniyang bawat hampas; wala pa rin itong humpay sa paghalakhak.

"Patayin mo na lang ako." Nanlulumong daing ni Marie. Nanlulupaypay itong napaluhod sa paanan ni Migoy. "Hindi ko kaya..." halos kasabay iyon ng unti-unting paghupa ng paghalakhak ni Migoy.

Nasundan 'yun ng matinding katahimikan. Tuluyan na ring napasubsob si Marie sa maruming sahig, kung saan siya tuluyang nawalan ng malay.

****

Hindi alam ni Marie kung ga'no katagal siyang nawalan ng malay. Basta't sa pagmulat ng kanyang mga mata'y nakita na lang niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa isang king-sized canopy bed—na natatakluban ng puting lace na kurtina.

Sinilip n'ya ang kan'yang kasootan sa ilalim ng puting comforter, wala siyang suot na kahit ano, bagaman nakaayos naman ang pagkakahiga sa kaniya.

Hinila niya ang manipis na puting blanket sa pagitan ng comforter at ng kaniyang katawan; ito ang ipinangbalot nito sa kaniyang katawan habang siya'y bumabangon. Marahan niyang ginapang ang malaking kama—hinawi ang kurtina, at saka nakatiyad na inilapat ang paa sa makintab na hardwood floor. Pinasadahan naman niya ng tingin ang malaki at engradeng silid, habang maingat niyang binabagtas ang patungo sa pinto.

Nanginginig siya sa kaba habang inaabot niya ang doorknob. Napalitan naman ito ng matinding gulat nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang isang matandang babae. Naka-uniporme itong asul.

"Gising ka na pala." Bungad nito sa kanoya.

Sa halip na magsalita'y napatingin si Marie sa bitbit ng matanda. May hawak itong hindi lamang yata lilimang piraso ng iba't ibang kulay ng mga satin lingerie, at ilan pang pang-ilalim.

"Heto na ang mga pantulog mong pinalabhan sa akin ni Sir." Anito habang tinutungo ang malaking kabinet na ngayon lamang napansin ni Marie na naroro'n pala. "Narito na rin ang mga damit na maari mong suotin." Itinuro nito ang mga magagarang damit at mga simpleng blouses na naka-hanger; itinuro na rin nito ang mga nakatiklop. "Kung handa ka nang maghapunan, nasa dining room na si Sir. Kumakain na siya ro'n pero may nakahanda na rin namang plato para sa 'yo doon.

"Ga'no katagal po ba ako nakatulog?"

"Buong maghapon din, simula pa raw kagabi. Hindi naman kasi ako dito nakatira. Hindi ako stay-in. Kaninang umaga lang ako dumating mula sa malaking bahay ng kanyiang mga magulang. Ipinatawag lang niya ako."

Napayuko si Marie bago niya sinulyapan ang mga damit sa loob ng kabinet.

"Sasabihin ko na ba kay Sir na hahabol ka na sa kaniya sa hapunan?"

Nag-aalinlangan ma'y marahang tumango si Marie. "M-magbibihis lang po ako."

"Sige. Sasabihin ko na kay Sir na gising ka na."

***

"Thank you Nana Mitring sa pag-aasikaso mo sa amin ngayon." Inihatid pa ni Migoy ang matandang katulong patungo sa main door pagkatapos nitong mailigpit ang mga pinagkainan. "Pakisabi kina Mama, don't worry, I'm ok here. I just need a little time alone." Pagkasabi n'ya sa huling salita'y napatingin ang matanda kay Marie. Nakatayo ito—nakatanaw sa kanila sa 'di kalayuan. Napangisi naman si Migoy sa ginawa ng matanda. "Alone with my girl... tell her that."

SIX TABOO:  Forbidden TalesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora