Taboo Story 5 - Chapter 1

598 45 2
                                    

Mag-iisang linggo na, hindi pa rin makabawi ng tulog si Angelika. Isang linggo na rin kasi simula nang dumating si Mark, ang makisig na balik-bayang anak ng landlady ng room-for-rent na inuupahan niya. Gabi-gabi na lamang kasi ay may iniuuwi itong babae; iba-iba, gabi-gabi, at hindi naman konkreto ang dingding sa pagitan ng kanilang mga silid.

"Bakit hindi mo isumbong sa landlady mo?" suggestion ni Kimberly. Ang mayamang best friend ni Angelika sa University na pinapasukan niya.

"'Yun na nga eh, umuwi raw sa probinsya ang landlady ko, two days after na dumating 'yung anak niyang 'yun. Ang siste, siya muna ngayon ang namamahala habang wala ang nanay niya. Ang kaso mo, ayun, puro babae na ang inaatupag simula nang umalis ang landlady ko. Umalis na nga 'yung isang border sa kabilang kuwarto kahapon dahil hindi na rin nito matiis 'yung ingay dahil nagre-review ito for board exam. Grabe naman kasing makakantot ang lalaking 'yun, parang kinakatay tuloy 'yung pag-ungol ng mga babaeng nakakatalik niya gabi-gabi."

Napanganga si Kimberly, "really? As in maximum performance lagi?"

"Malay ko ba sa performance niya, basta't ang alam ko, kung gaano ka-grabe ang langitngit at kalabugan, gano'n din ka-grabe ang pag-ungol ng mga babae."

"Uwh." Napakagat-labi si Kimberly, "sounds like my kind of guy!"

Napatawa si Angelika, "baliw ka talaga. Huwag mong kalimutan na may boyfriend ka sa Amerika ha?"

"Shhh! Tumahimik ha ha?" pabirong dinuro ni Kimberly si Angelika. "Alam mo namang single ako kapag wala siya rito, 'di ba?!"

Pabirong kinurot ni Angelika ang singit ng kaibigan, "ang landi-landi mo talaga! Tapos ano? Uutusan mo akong magsinungaling para mapagtakpan sa kanya ang whereabouts mo kapag hindi ka niya ma-contact?"

"Hindi ko naman itinatangging malandi ako. 'Di tulad mong pa-virgin. If I know, nasa loob lang ang kulo mo at pinagpapantasyahan mo na rin ang anak ng landlady mo. Mabalik nga tayo sa pinag-uusapan natin. Ang ibig sabihin bang no'n, ikaw na lang ang natitirang umuupa ng kwarto ro'n? By the way, ilang kwarto ba ang pinauupahan doon?"

"Lima ang kuwarto ro'n pero tatlo lang ang pinauupahan. 'Yung isa, inuupahan ng isang call center agent kaya wala lagi ito sa gabi. Good for him dahil ligtas siya sa pagpupuyat nang walang bayad. 'Yung isa, 'yung binakante kahapon, at ikatlo 'yung sa kin."

"Him? Lalaki 'yung isang border?"

"Bakla."

"Eh 'yung umalis?"

"Babae, nagre-review for Nursing Licensure."

"Ano 'yun? Bigla na lang nag-alsa balutan?"

"Parang gano'n na nga. 'Yung si Mark din lang ang nagsabi sa'kin na umalis na raw dahil wala naman ako sa bahay nang umalis ito. Nadatnan ko kasi itong nagpapaskil ng bagong poster na Room-for-Rent pag-uwi ko."

Napansin ni Angelika na tila nag-iisip ng malalim si Kimberly.

"Hoy! Anong iniisip mo ha?" biro ni Angelika sa kaibigan.

"Pwede kayang ako na ang mag-rent sa bakanteng kwarto?"

"Loka. Bakit ka naman magre-rent ng isang lumang kuwarto eh samantalang nakatira ka sa air conditioned na mansyon? Wala kaming AC don 'no? Anong trip mo?"

Kumagat ito sa ibabang labi, "naku-curious kasi ako sa anak ng landlady mo. Para bang napaka-hot niya kahit na hindi ko pa siya nakikita."

Muling napatawa si Angelika sa tinuran ng kaibigan, "baliw ka talaga. Sinusumpong ka na naman yata ng nymphomania. Ikaw na ang nagsabi, hindi mo pa nakikita, gusto mo na agad tikman?"

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now