Taboo Story 1 - Chapter 5

4.2K 220 2
                                    

Hindi pa tapos magbasa si Mariella, pero batid niyang kailangan na niyang bumalik sa hospital at ibalik ang diary sa pinagkuhanan niya. Tininganan niya ang kaniyang relo, kalahating oras na pala ang nakalilipas.

Dahil sa labis na pangingilabot at pandidiri sa kaniyang mga nabasa'y nakalimutan na rin niya ang kumakalam na simura. Hindi na niya naubos ang kanyang pagkain; nawalan na ito ng gana.

Papasok na siya sa lobby ng hospital nang sinalubong siya ng mga nagkakagulong tao. Naglipana ang mga pasiyente kasama ang kani-kanilang mga kaanak. May ibang halos hindi pa makalakad, naksuwero, naka-wheelchair, nakasaklay at nakahiga sa mga stretcher—na para bang may kinatatakutan sila mula sa loob mismo ng hospital. May mga nag-iiyakan, meron ding mga nagsasalita nang sabay-sabay. Maingay, magulo at nagsisiksikan ang lahat; kaya naman halos makipagbuno pa si Mariella para lang makapasok.

"Ma'am! Pagtawag ng Nurse na nasa reception counter kay Mariella, matapos niyang dumako sa may front desk. Nilingon naman niya ito. "Saan po kayo pupunta?"

"Sa kuwarto ng anak ko." Akmang papalakad na itong muli.

"Sandali po!" Sigaw muli ng nurse sa mula reception area. Muli naman itong nilingon ni Mariella.

"Bakit?" may nakabunggo pa kay Mariella kaya't muntik na siyang mabuwal.

Lumapit ang Nurse sa kaniya. May dala itong clipboard at ballpen. "Ano pong room niyo? Ano pong pangalan niyo at ng anak niyo?" Habang binubuklat nito ang mga papel sa clipboard.

"Room 22. Ako si Mariella... Mariella Punzalan. Jennica Fontanilla naman ang pangalan aking anak." Habang pinagmamasdan niya ang ginagawa ng Nurse.

Natigilan sa pagbuklat ang Nurse, tumunghay, at saka siya tinitigan nito nang may bahid nang pangamba.

"R-Room 22?"

"Oo, bakit? A-ano ba ang nangyayari. Saglit lang akong lumabas nagkaganito na rit—"

"Mrs. Punzalan... sandali po." Hinila siya nito papunta sa loob ng reception area. Nagpakatianod naman si Mariella.

"Ano bang nangyayari? Bakit—"

Bigla silang nakarinig ng malakas na paghiyaw ng isang nag-aamok na lalaki mula sa loob ng hospital.

"Tumabi kayo! O mamatay kayong lahat!"

Lalong nagkagulo ang mga tao papalabas ng hospital.

"Diyos ko!" Natatarantang bulalas ng Nurse—na naghanap na rin ng sulok na matataguan—sa loob ng reception counter. Sandaling napasulyap dito si Mariella, bagama't mas minarapat niyang lingunin ang pinanggagalingan ng kaguluhan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2015, All rights reserved.

Ilang saglit pa'y iniluwa na ng hangganan ng pasilyo ang lalaking naghuhuramentado. Napabagsak ang panga ni Mariella nang makita niya kung sino ito.

Si Jun-jun ito, ang panganay niyang anak kay Tomas. Bitbit nito ang wala sa ulirat na si Jennica sa kaniyang mga bisig, habang nakasuot ito ng vest na may nakakabit na mga bomba.

"Tumabi kayo, o isasama ko kayong lahat sa impiyerno!" Muling hiyaw ni Jun-jun habang umuusad sa nahahawi niyang dinaraanan.

Lalong nagkandarapa ang mga tao papalayo. Mga nagsisigapang naman ang mga hindi makalakad. May ibang natapakan na ng mga natataranta; meron din namang mga umiiyak na animo'y nawawala.

"Jun-jun!" Naiiyak na hiyaw ni Mariella sa anak. Hindi siya narinig nito. "Jun-jun, sa'n mo dadalhin si Jennica?!" Halos mapigtal na ang kaniyang litid sa pagsigaw, pero natabunan lang ito ng mga sigawan at ingay ng mga taong nagkakagulo. "Jun-jun!" Kahit na mas lalo nang imposibleng marinig nito. "Jun-jun!" Na may halo nang paghihisterya. "Jun-jun sa'n mo dadalhin si Jennica!" Natanaw niyang nakalabas na papalayo ang kaniyang mga anak. "Diyos ko..." Impit na daing ni Mariella habang napapaupo na ito sa kaniyang kinatatayuan. "Ano po bang nangyayari sa mga anak ko..." Nagpatuloy ang kaniyang pag-iyak.

***

Isang buwan na ang nakalilipas, pero wala pa ring balita si Mariella sa nangyari sa kaniyang mga anak. Nagkasakit at nanghina na rin ito sa kawalan ng tulog at labis na pag-aalala. Batid niyang naririndi na sa kaniya si Detective Alvarez sa maya't maya niyang pangungulit, pero wala rin naman siyang makuhang kahit anong bagong balita rito.

"Ano bang naging kasalanan ko sa Diyos at nangyayari ito sa aking mga anak, Emilio." Pag-iyak niya sa dibdib ng kanyang kabiyak, na siya namang personal nag-aalaga sa kaniya.

"Wala kang kasalanan Mariella. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Kamusta na kaya si Jennica?"

Hindi na sumagot si Emilio. Hinagkan lang nito ang noo ng kaniyang asawa.

"Magpahinga ka na, Mariella. Ihahatid ko lang si Rochelle sa eskwelahan. Babalik ako kaagad." Akmang kakalas na ito may Mariella.

"Huwag, Emilio." Bakas sa mukha ni Mariella ang pag-aalala.

"Anong huwag?"

"Huwag mong iiwan si Rochelle. Kahit hindi ka na muna umuwi. Ako na ang bahala sa sarili ko. Iuutos ko na lang sa katulong ang mga hindi ko kayang gawin, pero huwag na huwag mong iiwanan si Rochelle. Kung kailangan mo siyang hintayin, hintayin mo sa siya. H-hindi ko na kayang mawalan pa ng anak." Muli na naman siyang umiyak. "Si Rochelle na lang ang natitira, ayokong may mangyari ring masama sa kaniya."

"Siya sige, para hindi ka na mag-alala." Hinalikan siyang muli nito sa noo, bago marahang kumalas, bumaba sa kama at tumayo, "Hihintayin ko siya hanggang sa awasan. Pero ipangako mo rin sa akin na dito ka lang sa bahay at iutos mo na lang sa katulong ang kahit anong gusto mong ipagawa, ha? Magpagaling ka. Kailangan mong magpalakas para na rin kay Jennica."

Tumango lang naman ito sa pakiusap ng kabiyak.

***

Naubusan na si Mariella ng mapapanood sa telebisyon. Nanlalata pa rin siya mula sa pagkakasakit kaya't hindi pa rin niya magawa ang mga dati niyang pinagkakaabalahan sa loob bahay. Naghalungkat siya ng mga magazine, pocketbooks at diyaryo sa side table ng kamang kaniyang kinahihigaan, pero ang lahat na 'yun ay nabasa na niya.

Binuksan niya ang drawer; saglit na natulala sa bumungad na bagay sa kaniyang pagbukas... ang diary ni Jennica. Ang pulang notebook na pilit niyang iniiwasang basahin dahil sa hindi niya masikmurang nilalaman nito.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay sa marahang pagkuha niya rito. Nagdadalawang-isip kung muli ba niyang bubuklatin ito. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang basahin ito, hindi na rin naman kasi mababago pa kung ano man ang nakasulat doon. Marahan niya itong binuklat. Matiyagang hinanap ang pahinang kaniyang hintuan at...

"Mabait si kuya..." Pabulong na pagbasa ni Mariella. "Pero demonyo si Itay..."

Biglang bumilis ang hagod ng kaniyang mga mata sa mga sumunod na pangungusap. Naiiyak at nanginginig na sinapo niya ang kaniyang bibig sa hindi niya halos maprosesong isinulat ng kaniyang anak.

***

Mabait si kuya, pero demonyo si itay. Anak niya ako. Alam niyang anak niya ako, pero hinahalay rin niya ako kapag wala si kuya. Nanlalaban ako, pero sinasaktan niya ako. Pinagbantaan din niya ako na papatayin niya ang kuya ko kapag nagsumbong ako. Kung ano-anong kababuyan ang ginawa niya sa akin. Tinatanggal man niya ang kadena sa aking binti'y daig ko pa ang may kadena sa buong katawan.

Halos masuka ako kapag pilit niyang ipinasusubo sa akin ang kaniya. Hinahagupit niya ako kapag nakakagat ko ito sa sobrang ngawit ng aking mga panga. Hindi pa siya nakuntento sa kababuyan niya sa akin, dahil gusto niyang panoorin ko rin siya, habang nanghahalay pa siya ng ibang mga babaeng dinukot at pinahihirapan niya sa silong.

Demoniyo siya. Wala siyang kasing sama. Ngayon alam ko na kung bakit siya iniwan ng aking ina. Batid ko na... alam na alam ko na ito ngayon pero huli na. Nadungisan na niya ang aking pagkatao. Binaboy na niya ang pagkababae ko. Makatakas man ako sa kaniya'y durog na rin naman 'ko, kaya kung meron man akong mapapala sa natitira ko pang wasak na buhay ay kailangan kong gumawa ng paraan para matigil na ang kaniyang kasamaan.

Dudurugin ko ang kaniyang buto't laman. Unti-unti ko siyang papatayin hanggang sa pagsisihan niya ang araw ng kaniyang kapanganakan. Ipaghihiganti ko ang aking inay. Ipaghihiganti ko ang lahat ng mga babaeng kaniyang hinalay at pinatay. Ipaghihiganti ko ang bawat sanggol na kaniyang kinain. Ipaghihiganti ko rin si kuya at ang aking sarili.

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now