Taboo Story 1 - Chapter 6

4.2K 216 10
                                    

"Wala nang kasingsama ang mga tao ngayon. Wala na ring ligtas na lugar. Natatakot na akong manood ng balita sa telebisyon, dahil parang pasama na nang pasama ang mga nangyayari sa paligid."

'Yun ang naabutang sinasabi ng katulong ni Mariella sa kausap nitong katulong ng kanilang kapitbahay. Nakatambay ang mga ito sa kanilang tarangkahan. Aksidenteng narinig niya ito nang napasuka siya sa labas ng bintana matapos niyang mabasa ang ilan pang mga nakasaad sa diary ni Jennica na hindi na kinaya ng kanyang sikmura.

"Ano na bang balita kay Jennica?" Tanong nga kausap na katulong sa kaniyang kasambahay. Narinig ito ni Mariella, habang muli na siyang pumapasok sa loob ng silid—mula sa kaniyang pagkakadungaw sa bintana.

Sumandal siya sa ding-ding, ipinikit ang mga mata at saka impit na umiyak--habang pinapadausdos naman nito ang kaniyang likuran sa ding-ding na kaniyang sinasandalan--na nauwi naman sa pagkakasadlak niya sahig.

"Wala pa ring balita." Dinig niyang sabi ng kaniyang katulong sa kausap nito, "Nakakaawa na nga si ate Mariella. Nagkakasakit na ito sa sobrang pag-aalala."

Kinakalos man ng lakas dahil sa kaniyang mga nabasa sa diary ng anak, ay pinilit niyang gumapang pabalik sa kama upang maipagpatuloy niya ang pagababasa sa abot ng kaniyang makakaya...

***

Hindi ko masikmura ang humigop sa sabaw na niluto ni itay. May nakita kasi akong hugis holen sa ilalim ng mangkok. Nagsuka ako, matapos sabihin sa akin ni kuya na mata pala 'yun ng tao. Pinagalitan ako ni Itay habang pilit niyang inilalagay sa aking bibig ang inadobo niyang karne ng sanggol. Lalo niya akong binulyawan nang isinuka ko ito. Napakamahal daw kasi ng karneng sinayang ko, dahil karne raw 'yun ng isa sa aking mga kapatid. Halos mawalan ako ng ulirat sa aking mga narinig, bagaman sinabi niya 'yun sa akin na tila normal lang ito sa kaniya.

Hindi pa rin ako kumain kahit anong galit niya. Hindi ko kasi talaga kaya ang ipinagagawa niya. Ni hindi nga ako kumakain ng karne ng baboy dahil marumi ito, 'yun pa kayang laman ng tao?

Pagkaalis ni kuya ay dinala na naman ako ni itay sa silong. Kailangan ko raw siya tulungan sa pagtatatadtad ng katawan ng mga babaeng naghihingalo. Dapat daw kasing mailagay sa freezer ang mga ito habang sariwa pa. Pambenta raw kasi ito sa mga kliyente niya. Ang mga ito ay ang mga kaibigan niyang mayayaman na sadyang kumakain ng laman ng tao. Sa kaniya raw bumibili ang mga ito linggo-linggo.

Ingat na ingat siya sa bawat tipak. 'Walang dapat nam masayang' 'yun ang paulit-ulit niyang sinasabi habang nagtatadtad. Lahat daw naman kasi ng parte ng katawan ng tao ay may katumbas na malaking halaga. Layunin daw kasi niyang maging milyunaryo para mabawi niya ang aking ina sa bago nitong asawa. At handa raw siyang mangalap ng marami pang katawan, para walang hinto ang dating ng grasiya.

'Pinakamahal ang karne ng sanggol.' Sabi niya sa akin, 'Mayroong bumibili kahit 'inunan.' Ginagamit daw kasi 'yong panghalo sa produktong mga nagbebenta ng sabon na pampaganda.'

Muli na naman akong nagsuka nang isinubo niya ang kapiraso ng hilaw karneng kaniyang tinatatadtad. Muli na naman niya akong nakagalitan na nauwi sa pananakit. Pinagsasampal niya ako. Binuhat at ibinalibag sa papag, bago niya ako binaboy at pinagsamantalahan habang tinatawag niya ako sa pangalan ng aking ina.

Isa siyang baliw. Baliw na halang ang bituka. Bagay na unti-unti ko nang ikinatatakot dahil parang nagiging katulad na rin niya si kuya. Si kuya na mabait sa akin pero sunod-sunuran naman sa kaniya. Si kuya na siya mismong madalas niyang nauutusan para manguha ng mga babaeng kaniyang binibihag, pinagsasamantalahan, binubuntis, kinakatay, kinikilo at ibinebenta na parang mga hayup.

Wala silang patawad sa pandurukot ng mga babae. Mga menor de edad ang gusto nilang nahuhuli. Sariwa pa raw kasi ang laman ng mga ito. Hindi raw kasi masarap at hindi na naibebenta ang karne ng matatanda. Kaya kung matatanda ang kanila nahuhuli, kinukuhanan lang nila ito ng lamang-loob, na siya namang ibinebenta nila sa mga hospital at blackmarket.

Marami nang pera si itay. Nakabibili na kasi ito ng magagarang sasakyan at bumibili na rin ng bahay. Plano raw niyang bumili ng bahay na may malawak na basement para mas marami raw siyang mailagak na mga 'kalakal'.

Kalakal.

'Yun ang tawag niya sa mga babaeng kaniyang nadudukot.

Kalakal.

'Yun daw kasi ang kaniyang hanapbuhay na makapagpapayaman pa lalo sa kaniya.

Isang milyong piso. 'Yun ang presyo ng sampung kilong laman ng tao sa mga mayayamang kanibal. Limang milyon kung isang buong sanggol na buhay pa, at sampung milyon naman kung mag-ina.

***

Itinigil na muna ni Mariella ang pagbabasa. Tumakbo naman ito ngayon papuntang kusina para magsuka. Hindi na niya kaya ang ang kaniyang mga nalalaman. Hindi niya masikmurang naging gano'n na pala kasama ang lalaking dati niyang minahal. At ang masaklap, idinadamay pa nito ang kanilang mga anak sa kabaliwan nito.

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now