Taboo Story 1 - Chapter 7

3.8K 218 3
                                    

Laman na naman ng balita ang patuloy na pagkawala ng mga babae sa iba't ibang lugar. Mas malala na raw ngayon dahil barkadahan na ang nawawala.

May tatlong dalagitang nagpaalam lang para mamasyal sa mall, hindi na raw nakauwi.

May dalawang kolehiyalang nagpaalam lang para makipag-group study, hindi naman daw nakarating sa sinabi nitong pupuntahan.

May apat na empleyadong mag-gi-girls' night out lang matapos ang isang linggong paghahanap-buhay, pero hindi na raw nakita pa ang mga ito sa kanilang mga bahay at pinagtatrabahuhan.

Ayaw man ni Mariella na makinig pa sa mga balita, pero hindi naman niya ito matiis, lalo pa't wala pa rin siyang nababalitaan tungkol sa kanyang anak na si Jennica.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2015, All rights reserved.

"Malakas ang kutob kong may kinalaman ang aking dating kinakasama sa lahat ng mga nangyayaring ito." Sumbong na ni Mariella kay Detective Alvarez. Siya na mismo ang nagkusang dumulog dito dahil sa sobrang takot na baka pati ang kanyang bunsong anak na si Rochelle ay mabiktima nito.

Inihinto ni Detective Alvarez ang pagtipa nito sa kaniyang desktop keyboard. "Kutob?" Tiningnan siya nito, "Kailangan ko ng ebidensiya, hindi kutob, Mariella. May ebidensiya ka ba na ang dati mong kinakasama ang siyang may kagagawan ng pagkawala ng mga babae kasama na ang inyong anak?"

Napaisip si Mariella. Natutukso siyang sabihin dito ang tungkol sa Diary ni Jennica, pero agad din naman niyang kinontra ang sarili. Kakailanganin kasi niyang i-surrender ito kung sasabihin niya ang tungkol dito. Ayaw naman niyang ibigay na lamang itong basta-basta, lalo pa't hindi pa naman niya nababasa ang lahat ng nilalaman noon. Bukod pa ito sa hindi rin naman niya gustong ipahamak ang kanyang anak na si Jun-jun—na sa palagay niya'y naging biktima rin lang ng impluwensiya ni Tomas sa kaniya.

***

Ilang araw ding nag-ipon ng lakas ng loob si Mariellang basahin ang natitira pang nilalaman ng Diary ng kanyang anak. Marami-rami pa rin ang pahina nito, na ayaw na sana niyang basahin dahil sa hindi na niya makayanang rebelesyon nito sa mga pinagdaanan ni Jennica—pati na rin ni Jun-jun. Pero kapag naiisip niyang wala rin namang mangyayari kung hindi niya aalamin ang buong istorya'y natutukso siya. Natutukso siya kahit na pilit niyang iwinawaksi ito sa kaniyang isipan.

"Inay, aalis na po kami ni Itay." Pamamaalam ni Rochelle sa kaniya isang umaga, "huwag po kayong masyadong mag-alala, mag-iingat po ako." Hinalikan siya nito sa pisngi bago nagmano.

Paalis na ang dalagita nang hinatak niya ito at niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Ipangako mo sa akin anak." Naiiyak na naman sya. Naalala kasi niya si Jennica.

"Opo, inay. Pangako."

***

Isang oras niyang tinitigan ang Diary ni Jennica bago niya muling sinubukang buklatin ito. Makailang beses siyang nagbuntong-hininga, tumayo, pumaroo't pumarito, uminom ng tubig, naglabas-masok sa banyo, bago niya napakampante ang kanyang sarili na muling buklatin at basahin ang natitirang pahina ng Diary.

"Gusto kong tumakas..." Pabulong niyang binigkas ang binabasang nilalaman ng mga sumunod na pahina.

Gusto kong tumakas, pero ayaw namang sumama ni kuya Jun-jun sa akin. Hindi raw kasi niya kayang iwanan si itay. Hindi rin kasi raw niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa labas. Maayos naman daw kasi ang buhay niya kasama si itay. Nabibili niya ang mga gusto niya. Nakapupunta siya saan man niya naisin. Nagagawa niya ang kahit anong pumasok sa kaniyang isipan. Nagmumula raw kay itay ang kanyang lakas, kaya't kung gusto ko raw tumakas ay wala siyang magagawa kundi ang ikadena niya akong muli.

[Sumunod na pahina]

Mabait si kuya. Mabait si kuya noong una. Pero habang tumatangal, nag-iiba na rin ang pakikitungo niya sa akin. Parati na siyang naninigaw at nanakit, lalo na kapag nakapagtatanong ako tungkol sa mga dinadala niyang babae sa kanyang silid kung saan din ako naroro'n. Mga normal na babae kasi ito. Hindi sila kabilang sa mga dinudukot nila ni Itay. Dinadala niya ang mga ito sa bahay kapag wala si itay sa bahay para makipagtalik sa mga ito sa kanyang kama—sa aking harapan.

Umiiyak ako kapag parang ang saya-saya pa nila. Lalo na kapag nginigisian ako ni kuya habang nagsisigaw sa sarap ang mga katalik niya. Hindi na niya kasi ako ginagalaw. Ayaw na raw niya akong galawin dahil pinakailaman na raw ako ni Itay. Hindi na raw niya ako mahal, sabi niya. Hindi na raw kasi ako maganda at sariwa. Bata nga raw ako pero daig ko pa ang bilasang isda. Hindi raw kasi ako naliligo at nag-aayos ng aking sarili. Pero paano ko nga ba malilinis at maaayos ang aking sarili kung nakakadena ako? Paano ako magiging tulad ng mga ikinakama niya, kung wala akong kalayaan?

[Sumunod na pahina]

Nagtangka akong tumakas ngayon. Tinanggal kasi ni kuya ang aking kadena para gamutin ang nagnanaknak na sugat dahil sa higpit ng kapit nito sa aking binti. Pero nahuli niya ako bago pa man ako makalabas ng bakuran. Bilang parusa'y dinala niya ako sa kanyang mga kaibigang nag-iinuman sa loob ng garahe. Hinubaran niya ako sa kanilang harapan. Pinasiritan niya ako ng tubig mula sa hose, na daig pa ang isang maruming kotseng nililinis. Pinagtawanan nila ako at pinaglaruan. Matapos nila akong paliguan ay isa-isa naman nila akong pinilahan.

Apat sila, kasama si kuya. Pero dahil ayaw na akong galawin ni kuya, pinabayaan lang niya akong pilahan ng mga kaibigan niya. Gusto kong umiyak, pero nanahimik na lang ako. At dahil sa galit ko sa kanya'y nagpanggap na lang ako na gusto ko ang nangyayari sa akin. Isa-isa kong pinagbigyan ang mga maniyak niyang kaibigan. Ginawa ko lahat ang gusto nila para masiyahan sila. Hindi naman ako nabigo dahil tuwang-tuwa sila, at dahil dito'y palihim ko rin namang nakita ang inis na inis na reaksiyon ni kuya.

[ITUTULOY]

SIX TABOO:  Forbidden TalesWhere stories live. Discover now