Special Chapter: Jerome & Mikaela

888 22 7
                                    



Special Chapter:


Mikaela's POV:


                 Sa wakas natapos na din ang pagshoshoot ko ng pelikula, tiningnan ko kaagad ang phone ko at nagbabakasaling nagtext na si Jerome pero ni isa wala ako natanggap. Makapagpahinga nga muna, ilang araw na din akong puyat para matapos lang itong pelikulang ito.


"Ang laki na nga ng pisngi mo maski ba naman eyebags mo?" Napadilat kaagad ako nung marinig ko ang boses niya.


"Zen." Kumaway siya sa akin at ngumiti.


"Long time no see maga, after 5 years muli tayong nagkita." Lumapit siya sa akin at yumakap sa akin ng sobrang higpit.


" I miss you." bulong niya sa akin at kumawala siya sa yakap , tinitigan niya ng mabuti ang mukha ko sabay ngiti niya.


"Bakit ka nandito?"


"Sinusundo ang girlfriend ko." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.


"Girlfriend? Sino?"


"Zen!" Biglang tumakbo ang isa kong katrabaho sa pelikula at niyakap ng sobrang higpit si Zen. Ngumiti ako sakanilang dalawa, kaya pala medyo ilag siya sa akin akala ko kasi dahil bago pa lang sa industryang showbiz kaya naiilang siya sa akin.


"Nina, hindi mo sinabi na si Zen pala ang boyfriend mo." Sabi ko.


"Ah- eh, nahihiya po kasi ako." Tumawa ako.


"Wala ka namang dapat ikahiya sa akin eh." Tiningnan ko si Zen.


"Ingatan mo yan si Nina, mas inosente pa yan sa akin." Pabiro kong sabi.


"Iingatan ko siya, pangako." Kitang-kita ko sa mata ni Zen ang pagmamahal niya kay Nina at masasabi kong malaki na ang pinagbago niya. Alam ko marami na siyang natutunan at naging matured na siya lalo na yung bumagsak na talaga ang career niya sa music industry at ngayon natuto na siyang bumangon muli.



"Maga, maraming salamat sayo." 


"Bakit?"


"Salamat dahil pinansin mo pa rin ako." Tinawanan ko siya.


"Wala naman akong dahilan para hindi kita pansinin. Ikaw parin ang the best sa lahat ng kaibigan ko, thank you Zen." Nagkanginitian kaming dalawa at nagpaalam na ako sakanilang dalawa tutal gusto ko na din umuwi dahil pagod na pagod na din ako. Kinausap ko na ang manager ko para umuwi na din.


            Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, sumalubong kaagad sa akin si Jerome na naka-apron ngayon. Hinalikan niya ako sa pisngi pero ako nakatitig lang sakanya.

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now