Foolish Heart [34]

561 16 5
                                    



Foolish Heart[34]



"MAKIPAGHIWALAY KA SAKANYA!"


"Manager L! Di naman po yata tama yun?"


"Ano ba Mikaela! Alaga kita at concern din ako sayo kaya hindi ako makakapayag ng dahil kay Zen masisira ang career mo." Napa-upo na lang ako at nanahimik.


"Mikaela! May kumalat na sex scandal ang boyfriend mo sa ibang babae."


"Hindi iyon totoo!Tinanong ko na si Zen at sabi niya sa akin imbento lang yun."


"Sige magbulag-bulagan ka." Napansin ko kinuha ni Manager L ang cellphone niya mula sa bulsa at parang may hinahanap, sabay pinakita niya sa akin ang isang video.


"Si Zen yan di ba." Umiwas ako ng tingin at umalis na lang sa office ni Manager L.Ano ba nangyayari sa relasyon natin Zen?


"Zen Reyes may sex scandal?!"

"Si Zen Reyes may sinapak na paparazzi."

"Hinuli nagmamaneho ng lasing si Zen."

"Isang sikat na singer, minura ang isang fan."


Napa-upo ako sa mga naririnig kong balita, ano na ba nangyayari sayo Zen? Hindi ko na alam ang gagawin sakanya.

everything was perfect until I became invisible in his eyes.

Nabulag na siya sa sobrang kasikatan niya, lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya , laging pumupunta sa bar para makipag-inuman. Nakalimutan niya na ako bilang girlfriend niya.


"Bestie." Napatingin ako kay Keith at yumakap siya sa akin.


"Ayoko munang umuwi sa amin." Sabi ko na lang.


"Kung yan ang gusto mo, tumayo ka na nga dyan. Wag ka mag-emote dito." Pabiro niyang sabi, sinunod ko naman ang sinabi niya pero nakayakap parin ako kay Keith kahit naglalakad na kami.


"Punta tayo sa dirty sorbetes Bestie."


"Nako, ibubuhos mo ba ang lungkot mo sa ice cream?" Tumango ako, magsasalita pa sana siya kaso biglang nag-ring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Deziree..


"Hello Dez."


"Mika-mika, punta ka sa bahay namin. Bonding tayo nila Ash tsaka alam namin kailangan mo kami ngayon." Napangiti naman ako sa sinabi ni Dez.


"Sige, pasayahin niyo dapat ako ha." Narinig kong tumawag si Dez.


"Kami pa ba?! Punta ka ha."


"Sige, kasama ko si Keith."

FooIish Heart [COMPLETE]Where stories live. Discover now